JK Labajo and Maureen Wroblewitz break up

by Arniel C. Serato
Jun 10, 2022
JK Labajo, Maureen Wroblewitz breakup
JK Labajo to ex-girlfriend Maureen Wroblewitz: "Lagi mong tandaan na kahit pagbaliktarin mo man ang mundo, kahit saang lupalop man ng kalawakan, ikaw parin ang nagiisa kong buwan. Maraming salamat, mahal kita, at hanggang sa muli."
PHOTO/S: Courtesy: @juankarlos on Instagram

Hiwalay na ang magkasintahang sina JK Labajo at Maureen Wroblewitz.

Sa Instagram ngayong hapon ng Biyernes, June 10, 2022, halos sabay na nag-post ng mensahe sina JK at Maureen upang ihayag ang kanilang saloobin tungkol sa breakup nila.

Base sa kani-kanilang mensahe, mukhang maayos ang kanilang naging hiwalayan ngunit hindi nila idinetalye kung ano ang dahilan.

Ayon sa dalawa, para ito sa kanilang "personal growth" dahil mga bata pa sila.

Si JK ay 21 lamang at si Maureen ay 23.

Ayon kay JK, mula sa pagiging "magka-ibigan" ay "matalik na magkaibigan" na sila ngayon ni Maureen.

Kahit ano raw ang mangyari ay si Maureen pa rin ang kanyang “buwan,” na hango sa sikat niyang kanta na may kaparehong titulo.

Buong mensahe ni JK para sa dating kasintahan: “Magka-ibigan na ngayo’y matalik na magkaibigan.

"Lagi mong tandaan na kahit pagbaliktarin mo man ang mundo, kahit saang lupalop man ng kalawakan, ikaw parin ang nagiisa kong buwan.

Continue reading below ↓

"Maraming salamat, mahal kita, at hanggang sa muli. [heart emoji]”

View this post on Instagram

A post shared by juan karlos (@juankarlos)

Sa isang hiwalay na mensahe, pinapurihan ni JK si Maureen.

Ayon sa singer, siya ang pinakamasuwerteng tao sa mundo dahil sa ilang taon nilang pinagsamahan bilang magkarelasyon.

Marami raw siyang natutunan sa beauty queen.

Aniya, “I am the luckiest person in the world to have spent the past years of my life with you and I wouldn’t choose anybody else to have spend those years with.

“You’ve taught me so much and I have learned, I am learning, and I will learn more. We are both so young and we have to enjoy ourselves. I want to see you succeed.

“I love seeing you achieve your dreams. You will. We will. Here’s to growth and love for ourselves. For there is no greater love than self-love."

Sinamahan din niya ito ng isang talata sa German language. Si Maureen ay Filipino-German.

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, "Dankëschon, Ich liebe dich and auf wiedersehen. [Thank you, I love you and goodbye.]”

JK Labajo, Maureen Wroblewitz breakup

Sa kanya namang account, nag-post si Maureen ng larawan ng tatlong paru-parong lumilipad.

May nakasulat dito na: “life is not happening to you, life is happening for you.”

Caption ni Maureen: “some things come to an end and that’s okay. but now it’s time for us to grow on our own [heart emoji]”

Continue reading below ↓

August 2019 nang mahalata ang special closeness nina JK at Maureen.

READ: Maureen Wroblewitz drops a hint that JK Labajo is her first boyfriend

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JK Labajo to ex-girlfriend Maureen Wroblewitz: "Lagi mong tandaan na kahit pagbaliktarin mo man ang mundo, kahit saang lupalop man ng kalawakan, ikaw parin ang nagiisa kong buwan. Maraming salamat, mahal kita, at hanggang sa muli."
PHOTO/S: Courtesy: @juankarlos on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results