Watch Now

Crowd chants “cheater” during Skusta Clee gig at Clark musicfest

by Bernie V. Franco
Jun 11, 2022
skusta clee
Is this Skusta Clee's 'karma?' During the rapper's stint at the Clark Aurora Fest 2022 last Friday, June 10, 2022, some members of the crowd greeted him with raised middle fingers, loud boos and repeated chants of "cheater" (right photo). The negative reaction was most likely triggered by Skusta's controversial breakup with Zeinab Harake, allegedly because of a third party on Skusta's part.
PHOTO/S: @extraordinaryl on Instagram / @yonaashii_

Init ng ulo at hindi init ng pagtanggap ang sumalubong kay Skusta Clee nang mag-perform ito sa isang event sa Clark, Pampanga.

Guest performer si Skusta sa Clark Aurora Fest 2022, isang hot air balloon at music festival, na ginanap nitong nakaraang Biyernes ng gabi, June 10, 2022.

Hindi maganda ang salubong ng ibang nasa audience kay Skusta nang kumanta na ito, base sa mga ipinost na videos sa social media.

Trending topic din si Skusta ngayong Sabado, June 11, 2022.

Triggered ang audience nang kantahin ni Skusta ang “Karma,” ang kanta niyang may kinalaman sa pagtataksil.

Malinaw na ang galit ng ibang manonood kay Skusta ay may kinalaman sa paghihiwalay nila ng ex-partner niyang si Zeinab Harake, ang Filipino-Lebanese content creator.

Sa halip na palakpak at hiyawan, sinalubong ang performance ni Skusta ng mga mga nakataas na kamay na naka-middle finger, at maririnig ang mga mura, sigaw ng “boo,” at paulit-ulit na “cheater.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noon lamang May 2022, ibinunyag ni Zeinab na hiwalay na sila ni Skusta nang matuklasan niyang may ibang babae na ang rapper.

Naging masaklap pa ang kanilang paghihiwalay dahil nakunan si Zeinab ng pangalawa nilang anak ni Skusta, na tumaon sa kanilang paghihiwalay.

AUDIENCE, NETIZENS SLAM SKUSTA CLEE

Sa pag-trend ni Skusta ngayong Sabado, mababasa ang galit ng ibang netizens sa rapper.

Bukod pa rito ang mga ipinost ng video clips habang nagpe-perform si Skusta na hindi binigyan ng mainit na pagtanggap.

Sabi ng isang netizen, deserve daw ni Skusta ang “boo” at matawag na “cheater" sa event.

Ikinatuwa ng isang netizen ang natanggap na treatment ni Skusta mula sa audience.

Sinabi naman ng isa pa, “negative crowd for skusta clee, well deserved.”

Tweet ng isa pa: “ppl went to aurora fest shouting ‘cheater’ booing and raising their middle finger to skusta clee is the most satisfying vid I’ve seen today #dsurv”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

skusta clee

skusta clee

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

skusta clee

skusta clee

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

skusta clee

Ilan lamang ito sa sa mga tweet ng mga galit kay Skusta.

May mga tweet din na ipinost ang larawan ni Skusta at ang itinuturong bagong babae umano sa kanyang buhay.

Mahihinunang nakarating naman kay Skusta ang kritisismong natatanggap niya kaugnay ng isyu.

SKUSTA REDEEMS HIMSELF AMID NEGATIVITY

Ngayong Sabado, may post si Skusta na ipinagtatanggol ang sarili mula sa mga bumabatikos sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Post ng rapper: “As long as mas kilala ako ng mga taong nagmamahal at nakapaligid sakin, okay ako!

“Wala kong dapat patunayan sa kahit kanino man.

“I’m just here living my best life.

“Sa mga tunay na sumusuporta, kapit lang. Mahal ko kayo.”

skusta clee

Related articles:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is this Skusta Clee's 'karma?' During the rapper's stint at the Clark Aurora Fest 2022 last Friday, June 10, 2022, some members of the crowd greeted him with raised middle fingers, loud boos and repeated chants of "cheater" (right photo). The negative reaction was most likely triggered by Skusta's controversial breakup with Zeinab Harake, allegedly because of a third party on Skusta's part.
PHOTO/S: @extraordinaryl on Instagram / @yonaashii_
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results