Watch Now

Ice Seguerra explains how he copes with depression

by Melba R. Llanera
Jun 13, 2022
Ice Seguerra
Ice Seguerra: "I don't know what's gonna happen tomorrow, but when you learn to accept it and embrace that you have it, mas matututo ka to live with it by now."
PHOTO/S: @iceseguerra Instagram

Inamin ni Ice Seguerra na nakaranas siya ng depression nitong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Ibinahagi ni Ice ang buong kuwento ng kanyang depresyon sa isang documentary sa Healthy Pilipinas Short Film Festival, na collaboration ng Department of Health at Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Ice na matagal na siyang mayroong depression at lumapit na siya sa eksperto para matulungan siya rito.

"I had it before pa. Yes, back in 2004 pa nagpupunta na ako sa psych," pag-amin ni Ice na ang tinutukoy ay psychologist.

Pero sa ngayon ay natutunan daw niya kung paano ito i-handle.

"I'm better. Yun nga, when you have depression, you just enjoy the good days kasi you never know when it will [attack] again.

"Right now, so far, I have a lot of good days, actually good months.

"I don't know what's gonna happen tomorrow, but when you learn to accept it and embrace that you have it, mas matututo ka to live with it by now."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinagpapasalamat ni Ice ang suporta at pang-unawa na ibininigay sa kanya ng partner na si Liza Diño.

Read: Liza Diño on Ice Seguerra's depression: "Tulog siya twenty hours araw-araw."

"Sobra, siguro if it's not for her, I will still be in that slump. Talagang grabe ang support niya sa akin," ani Ice.

Nakapanayam ng PEP.ph si Ice sa pride party ng Pelikulaya LGBTQIA Film Festival, na inorganisa ng FDCP at ginanap sa Armak comedy restobar sa Quezon City noong June 7, 2022.

ON BABY PLANS AND BREAST SURGERY

Matagal nang balak nina Ice at Liza na magkaroon ng sariling anak sa pamamagitan ng in vitro fertilization.

Si Liza ay may isang anak na babae mula sa dating karelasyon.

Nang tanungin ng PEP.ph ukol dito, sagot ni Ice, "Hindi natin alam, but right now that's on hold.

"Sobrang daming ginagawa din, ang daming plans and everything. Let's see, malay mo magulat na lang kayo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nahingan din namin ng reaksiyon si Ice sa balak niyang sumailalim sa breast removal surgery katulad ng ginawa ng kapwa singer na Jake Zyrus.

"Of course, we have plans to do that, nag-iipon lang. It's not easy to face especially ang mga Filipino ang daming sinasabi. I think she's brave."

Read: Liza Dino reveals husband Ice Seguerra mulling breast removal surgery

ON LIZA'S CHAIRMANSHIP OF FDCP

Sa pagpasok ng bagong administrasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr., matunog ang bali-balita na malaki ang tsansang mapalitan sa puwesto si Liza bilang chairperson ng FDCP.

Umaasa si Ice na makita ni President-elect Marcos Jr. ang mga kontribusyon ni Liza nang maupo itong FDCP chair.

"Well, coming in, you know, that's a fact of life.

"Ako naman, [for Liza] just to be appointed for the next three years, sana magkaroon ng courtesy call si Liza kay President-elect Bongbong.

"Hopefully, if he sees naman the achievements of Liza with the agency, I'm sure the reappointment will be respected."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy ni Ice na "reappointment" ay ang pagtalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Liza na manatiling FDCP chair sa susunod na tatlong taon.

Patuloy ni Ice, "Pero siyempre, at the end of the day, it's still up to the President kung ano ang decision niya.

"But siyempre, dun ako sa I know what my wife can do. Alam natin, and of course, kayong mga taga-industriya, alam na alam ninyo iyan, na talagang pinagbuhusan [ni Liza] ng pagmamahal at pag-aalaga ang industriyang ito.

"I hope na matapos na yung three years niya before siya umalis."

Bilang bahagi rin ng entertainment industry, proud si Ice sa mga nagawa ng partner.

"Sobra kasi nakita ko ang journey niya, e. Nung una, nagsisimula siya, walang sumeseryoso sa kanya masyado.

"Nandun yung, 'Sino ba ito? Ano ang gagawin niyan?' She has proven her worth, and more than proven her worth.

"Nakakatuwa at nakikita ng mga taga-industriya yung trabaho at pag-aalaga ng FDCP sa ating lahat. Ako, 'yon yun, e, sobrang happy ako na nakikita nila yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumalo si Ice sa Pelikulaya pride party bilang suporta sa mga proyekto ni Liza sa FDCP.

"Siyempre, I'm here to support the wife, especially for me, kasi it's pride month.

"Happy lang that more and more agencies are giving importance to the LGBT community."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ice Seguerra: "I don't know what's gonna happen tomorrow, but when you learn to accept it and embrace that you have it, mas matututo ka to live with it by now."
PHOTO/S: @iceseguerra Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results