Carla Abellana reveals birthday wish: "To be happy."

by Arniel C. Serato
Jun 13, 2022
Carla Angeline shares birthday wish
Carla Abellana celebrated her 36th birthday yesterday, June 12, 2022.
PHOTO/S: Courtesy: @carlaangeline on Instagram

Kasabay ng paggunita ng ika-124 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas kahapon, June 12, ang pagdiriwang ng Kapuso actress na si Carla Abellana ng kanyang ika-36 kaarawan.

Kahapon, ibinahagi ni Carla sa Instagram ang natatangi niyang hangad at inaasahan sa kanyang kaarawan.

Simple lang na kahilingan ito para sa kayang birthday: “My Birthday wish is to be happy.”

Nagpaabot naman ng kanilang pagbati ang ilan sa celebrity friends ni Carla na sina Tim Yap, Gabbi Garcia, Valeen Montenegro, Melissa Gohing, at Gretchen Fullido.

Carla Abellana shares birthday wish

Continue reading below ↓

Ilang araw bago ang kanyang actual birthday, nag-check-in muna si Carla kasama ang ilang kamag-anak sa isang mamahaling hotel sa may Parañaque City.

Ilang buwan nang laman ng mga balita si Carla dahil sa biglaang hiwalayan nila ng asawang si Tom Rodriguez nitong Janaury 2022, tatlong buwan lang mula nang ikasal sila noong October 2021.

Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?

Nag-ugat ang hiwalayan ng dalawa dahil sa diumano’y infidelity ni Tom.

Ito ay ayon sa ama ni Carla na si Rey "PJ" Abellana, kung saan si Tom mismo ang nagkuwento sa kanyang natukso ito minsan at napasok sa isang one-night stand situation.

Read: Rey PJ Abellana speaks up on Carla Abellana-Tom Rodriguez marital issue; says Tom had a "one-night stand"

Ayon pa kay Rey, hindi ito matanggap ni Carla kaya nakipaghiwalay ito sa asawa.

Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?

Continue reading below ↓

Ang latest na balita, nagpapahanda na umano ni Carla ng mga papeles para sa annulment of marriage na maaari nitong isampa sa korte upang mapawalang-bisa na ang kanilang kasal ni Tom.

Read: Tom Rodriguez posts cryptic photo amid annulment rumor with wife Carla Abellana

Pero hindi raw makapagsalita si Tom tungkol sa kanyang panig sa kuwento dahil sa gag order na umiiral na hiniling ng kampo ni Carla sa husgado.

Read: Tom Rodriguez reveals “gag order” prevents him from speaking his truth

Wala pang bagong pahayag ang dalawa ukol sa kanilang hiwalayan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carla Abellana celebrated her 36th birthday yesterday, June 12, 2022.
PHOTO/S: Courtesy: @carlaangeline on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results