Watch Now

Skusta Clee posts "Kung kailan ka nawala saka ako pinagpala"; Zeinab's friends react

by Rachelle Siazon
Jun 13, 2022
Skusta Clee, Zeinab Harake, Melissa Enriquez, Awra Briguela
Awra Briguela (in silver dress) and Melissa Enriquez (in maroon top) slam Skusta Clee (in white shirt) for allegedly taking a swipe at Zeinab Harake (in pink cropped top) through a song titled "Gaga."
PHOTO/S: @extraordinaryl / @zeinab_harake / @itsmelissaenriquez / @awrabriguela Instagram

Inulan ng batikos ang rapper na si Skusta Clee dahil sa tila kawalan nito ng pagsisisi sa umano'y panloloko nito sa dating partner na si Zeinab Harake.

READ: Crowd chants “cheater” during Skusta Clee gig at Clark musicfest

Kaugnay ito ng paglunsad ni Skusta ng kantang "Gaga" na may lyrics na nangdadaot sa isang karelasyong di marunong makisama at nang-iwan sa ere sa panahong siya ay lugmok.

Sabi pa sa lyrics na ipinost ni Skusta sa kanyang Twitter noong June 9, 2022: "Kung kailan ka nawala saka ako pinagpala."

Skusta Clee

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nairita ang mga malapit na kaibigan ni Zeinab sa tila pagmamataas daw ni Skusta.

Hindi nakaligtas sa mapanuring netizens ang malamang tweets nina Melissa Enriquez at Awra Briguela patungkol kay Skusta.

Sabi ni Melissa, "yung sikat na singer ka pero lahat ng hundred million views mo dahil sa mag ina mo.

"TALENT BA YORN? SAKET NO?"

Melissa Enriquez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila patutsada rin ni Melissa ang emojis na ipis para kay Skusta.

Asar din kay Skusta si Awra, na kilalang malapit kay Zeinab at nagsabing "tama ka na ipis."

Awra Briguela

Nagparinig pa si Awra sa sinasabing pambababae ni Skusta na siyang dahilan ng hiwalayan nina Skusta at Zeinab.

May bahagi kasi ng lyrics ng kanta na kung di "gaga" ang karelasyon ay magkatabi sana sila nito sa malambot na kama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero tweet ni Awra, "malambot na kama? pinile mo nga banig kaysa kama urur."

Awra Briguela

Halos ganoon din ang mensahe ng kapatid ni Zeinab tungkol sa pambababae umano ni Skusta.

"There's a huge difference between f**kable and wife-able.

Rana Harake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BACK STORY

Si Skusta, 26, ay rapper-songwriter at miyembro rin ng grupong Ex Battalion.

Si Zeinab ay kilalang YouTuber na may 12.3 million subscribers.

READ: Zeinab Harake unfollows partner Skusta Clee on IG; tweets, "Help me out of this hell."

Ipinagtapat ng Filipino-Lebanese YouTuber na may ibang babae si Skusta, ayon sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa YouTube channel nito noong May 9, 2022.

Sabi pa ni Zeinab, ang pagpapabaya sa kanya ni Skusta ang dahilan ng pagkakalaglag ng kanilang pangalawang anak na si Baby Moon.

Pero ilang buwan matapos ang hiwalayan ng couple, tila patuloy pa rin ang parinigan ng dalawa sa social media.

Noong June 9, nag-post si Zeinab sa Instagram ng malamang caption na "don't be shy, hurt me more."

Zeinab Harake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong June 9, tweet naman ni Skusta: "move on."

Skusta Clee

NETIZENS' REACTIONS

Marami sa followers ni Zeinab ay dismayado sa napabalitang panloloko umano ni Skusta.

Kaya nang mag-gig si Skusta sa Clark, Pampanga noong June 10 ay sinalubong ang rapper ng audience ng mga hiyawan na "boo" at "cheater."

Inalmahan din ng netizens na nakikisimpatiya kay Zeinab ang pag-release ni Skusta ng "Gaga" na waring patama sa ex-partner na YouTuber.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narito ang ilan sa mga mensahe nila:

Skusta Clee

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Awra Briguela (in silver dress) and Melissa Enriquez (in maroon top) slam Skusta Clee (in white shirt) for allegedly taking a swipe at Zeinab Harake (in pink cropped top) through a song titled "Gaga."
PHOTO/S: @extraordinaryl / @zeinab_harake / @itsmelissaenriquez / @awrabriguela Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results