Ruffa Gutierrez's daughters post bonding photos with father Yilmaz Bektas; Ruffa says she is “#AtPeace”

by Bernie V. Franco
Jun 14, 2022
yilmaz bektas lorin gutierrez
Ruffa Gutierrez on daughters Lorin and Venice's reunion with their dad Yilmaz Bektas: “Trust in God’s perfect timing."
PHOTO/S: @iloveruffag on Instagram

Ibinahagi ng panganay na anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin Bektas sa Instagram ang larawan nila ng kapatid na si Venice Bektas kasama ang amang si Yilmaz Bektas sa Turkey.

“Family ties” ang caption ng dalaga na may kasamang simbolo ng “eternity.”

Ipinost ito ni Lorin nitong Lunes, June 13, 2022.

ruffa gutierrez daughter

Napaulat ang pagdating nina Lorin, 18, at Venice, 17, sa Turkey nitong weekend.

Muling nakapiling ng dalawa ang kanilang estranged father pagkatapos ng labinlimang (15) taon.

Read: Ex-husband ni Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas, muling nakapiling ang mga anak na sina Lorin at Venice

Si Yilmaz ang ex-husband ni Ruffa. Ikinasal sila noong 2003 at naghiwalay noong 2007.

Simula nang dumating sila sa Turkey, nagbabahagi sina Lorin at Venice sa social media ng photos ng mga ginagawa nila kasama ang ama—katulad ng pamamasyal at pagre-reconnect nila sa mga kamag-anak doon.

Isa sa lagi nilang kasama ay ang nakatatandang kapatid nilang babae kay Yilmaz na si Ilknaz Bektas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, aktibo si Ruffa sa pagkokomento sa mga post ng kanyang mga anak.

“Enjoy, girls [heart emojis],” komento ni Ruffa sa post ni Lorin.

“Say hello to everyone!” dagdag ng aktres, na tumira sa Istanbul, Turkey nang kasal pa sila ni Yilmaz.

yilmaz bektas

Mahihinuha ring kahit malayo ay nakabantay si Ruffa sa kanyang mga anak.

Sa isa pang post ni Lorin, nag-iwan ng mensahe ang aktres sa bunsong anak na si Venice.

Sabi ni Ruffa (published as is): “@venicebektas been calling. Are you sleep na, cutie? Pls message when you wake up. [heart emoji]”

RUFFA REACTS

Samantala, lumalabas na aprubado kay Ruffa ang reunion ng kanyang mga anak at kanilang ama.

Ilang oras matapos i-post ni Lorin ang larawan kasama si Yilmaz, naglabas ng TikTok video si Ruffa na ni-repost din niya sa Instagram.

Naglalaman ito ng compilation ng videos at photos ng bonding ng mag-aama.

Caption ng aktres: “Trust in God’s perfect timing. It took patience and a whole lot of faith, but everything was worth the wait.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ginamit din ni Ruffa ang hashtags na “NewBeginnings, #AtPeace, at #ReunitedAtLast.

ruffa gutierrez daughter

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez on daughters Lorin and Venice's reunion with their dad Yilmaz Bektas: “Trust in God’s perfect timing."
PHOTO/S: @iloveruffag on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results