Watch Now

Moira dela Torre sings “Malaya” on Independence Day; tweaks lyrics of her original song

by Arniel C. Serato
Jun 14, 2022
Moira dela Torre tweaks lyrics of her "Malaya" song
Moira dela Torre surprises followers by singing "Malaya" on Independence Day with tweaked lyrics: "Ang di pala para sa akin, baka sakaling mahanap ang sarili, malaya ka na."
PHOTO/S: Courtesy: Moira dela Torre on Instagram and TikTok

Naging sentimental na naman ang mga tagahanga ng singer na si Moira dela Torre dahil sa pag-awit niya ng kanyang kantang “Malaya” nitong nakaraang Independence Day, June 12, 2022.

Tila hindi lamang kalayaan ng Pilipinas mula sa pananakop noon ng mga dayuhan ang pakahulugan ni Moira sa pag-awit muli ng kanyang original song na nai-release noong 2017.

Binago rin kasi niya ang ilang linya nito.

Mababasa sa lyrics na ipinatong niya sa kanyang TikTok video ang sumusunod:

Baka sakaling makita ko pang muli
Ang pagsikat ng araw
At ang paglipas ng gabi
Kung ‘di pipilitin
Ang di pala para sa akin
Baka sakaling mahanap ang sarili

Malaya ka na
Malaya ka

@moiradelatorre happy malaya day ???? #fyp #foryou ? original sound - Moira Dela Torre

Ang original version nito ay:

Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi
Kung ‘di pipilitin ang ‘di pa para sa 'kin
Baka sakaling maibalik

Malaya ka na
Malaya

Sa Instagram, nilagyan ito ni Moira ng caption na “happy malaya day”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

View this post on Instagram

A post shared by Moira (@moiradelatorre)

Ang mga Pilipino kaya ang binati ni Moira sa kanilang kalayaan o ang estranged husband na si Jason Hernandez, na malaya na rin ngayon sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa?

MOIRA DELA TORRE-JASON HERNANDEZ BREAKUP TIMELINE

Unang pumutok ang alingasngas na may pinagdadaanan ang pagsasama nina Moira at Jason noong April 14, 2022 dahil sa pagbura ni Moira ng mga larawan nila ng asawa sa kanyang Instagram account.

Ayon pa sa ilang fans, binura rin daw ni Moira ang kanilang TikTok videos, at tinanggal niya diumano sa Facebook ang "Hernandez" sa kanyang surname.

Pero noong araw ring iyon, nag-post si Moira sa Instagram Stories niya ng larawan kasama ang kaibigang si Mimiyuuuh habang kumakain sila sa isang restaurant sa Singapore.

Naka-tag sa Story si Jason, "Look @jasonmarvinph, [it’s your] favorite."

Sagot naman ni Jason, "I want."

Sa Twitter account ni Jason noong April 16, pinasinungalingan niya ang mga haka-haka ng netizens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa kanya, mag-asawa pa rin silang dalawa at hindi nangaliwa si Moira.

Mensahe niya: “1. We’re still married 2. Hindi nangaliwa si Moira 3. We both support Ms. Leni 4. Walang nag nakawan ng pera 5. God is good.”

READ: Jason Hernandez denies breakup rumor with wife Moira dela Torre

Pero noong May 31, kinumpirmana sa wakas ni Jason na hiwalay na nga sila ni Moira sa pamamagitan ng paglabas ng kanilang joint statement.

Nakasaad dito: "It is with a heavy heart that after 3 years of marriage, we announce that we are parting ways. Our love and respect for each other remains. We request privacy during this difficult time."

Sa caption ng kanyang post ay inamin ni Jason na siya ang naging "unfaithful" sa pagsasama nila ni Moira.

Aniya, "Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a 'peaceful' but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better.

"From the bottom of my heart, I’m sorry for everyone I hurt. Especially Moi."

READ: Jason Hernandez announces split with wife Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.”

Kasunod nito ang pag-unfollow ni Moira kay Jason sa Instagram.

READ: Moira dela Torre unfollows estranged husband Jason Hernandez on Instagram after split

Noong June 3, 2022, naglabas naman ng official statement si Moira sa pamamagitan ng social media.

Ayon sa singer, tanging ang mga nakakaalam ng kanyang kuwento ang makakakita ng mahabang pagdadalamhati at paghihilom na kailangan niyang harapin dulot ng paghihiwalay nila ni Jason pagkatapos ng tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Iginiit ni Moira na hindi niya kailanman pinagtaksilan si Jason.

May kaugnayan ito sa mga kumalat na Facebook post kung saan iniuugnay siya sa kapwa singer-songwriter na si Zack Tabudlo, at pinalalabas na siya ang nagtaksil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Moira, "In spite of the pain I'm experiencing, let me set the record straight. While our marriage was not perfect, I have stayed true to my vows and I have never cheated on Jason."

Hindi raw madali ang pinagdadaanan ng kani-kanilang pamilya ni Jason. Ang nais lang daw niya ay tapusin ang mga espekulasyon kung ano ang nangyari sa kanila ni Jason.

Patuloy ni Moira, "Though we're no longer together, it still hurts to see fabricated stories being told about us — most of which are so far from the truth."

Dagdag pa niya, "The both of us still have a long way to go when it comes to healing and we ask for respect during this difficult time."

READ: Moira dela Torre breaks silence on split with husband Jason Hernandez: "I have never cheated on Jason."

Hanggang ngayon, nanatiling tahimik si Jason at hindi na aktibo sa kanyang social media accounts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit naka-follow pa rin siya sa Instagram ni Moira.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Moira dela Torre surprises followers by singing "Malaya" on Independence Day with tweaked lyrics: "Ang di pala para sa akin, baka sakaling mahanap ang sarili, malaya ka na."
PHOTO/S: Courtesy: Moira dela Torre on Instagram and TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results