Watch Now

Paolo Contis, Yen Santos exchange sweet banter after she cooked kaldereta for him

by Rachelle Siazon
Jun 15, 2022
Paolo Contis Yen Santos kaldereta
Paolo Contis and Yen Santos give public a glimpse of their sweet banter after she cooked kaldereta for him.
PHOTO/S: Paolo Contis Facebook / Yen Santos

Hindi nagpaawat si Paolo Contis sa pagpapakita ng paggiliw sa rumored girlfriend niyang si Yen Santos.

READ: Lian Paz details Paolo Contis's lack of financial support; gives update about annulment case

Noong June 13, 2022, ipinagmalaki ni Paolo na ipinagluto siya ng kaldereta ni Yen base sa litratong ipinost niya sa kanyang personal Facebook account.

Makikita rito ang selfie niya kasama ang microwavable container para sa rice at caldereta.

"Kaldereta! Pero brown rice! thank you Lilieyen Santos," saad sa caption ni Paolo.

Lilien ang buong first name ni Yen sa tunay na buhay.

Paolo Contis, Yen Santos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natuwa naman si Yen dahil na-appreciate ni Paolo ang kanyang effort.

Sabi ni Yen kalakip ng lovestruck emoji, "my pleasure."

Humirit si Paolo ng sunod niyang request na lutuin ni Yen, "adobo next??"

Natawang biro ni Yen, "abusado ka naman."

Sagot ni Paolo, "grabe ka naman! Pagod agad???"

Paolo Contis, Yen Santos

Hindi ito ang unang pagkakataon na isinapubliko ni Paolo ang pagsinta niya kay Yen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Minsan nang naiulat ang romantic date night nila nang mag-birthday si Yen, pati na rin ang mga pahiwatig nilang patuloy ang komunikasyon nila.

Noong kasagsagan ng campaign sorties nitong 2022 elections, humirit si Paolo sa kanyang Facebook na sa susunod ay isasama na niya si Yen sa kanyang hometown sa Bicol.

Huli rin silang namataang magkasamang magka-date sa mall noong Marso 2022.

Nagkakilanlan sina Paolo at Yen nang magkatambal sila sa pelikulang A Faraway Land, na syinut sa Faroe Islands, Denmark mula November hanggang December 2020.

Huling bahagi ng August 2021 nang mag-viral ang pamamasyal nina Paolo at Yen sa Baguio at Pangasinan.

That same month naghiwalay si Paolo at partner for six years na si LJ Reyes.

Pero idiniin noon ni Paolo na hindi si Yen ang dahilan ng breakup nila ni LJ.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi direktang sinasabi ni Paolo kung ano ang real score sa pagitan nila ni Yen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RELATED STORIES:

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis and Yen Santos give public a glimpse of their sweet banter after she cooked kaldereta for him.
PHOTO/S: Paolo Contis Facebook / Yen Santos
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results