Watch Now

Janella Salvador, Markus Paterson neither confirm nor deny breakup rumors

by Bernie V. Franco
Jun 16, 2022
janella salvador markus paterson
Janella Salvador on rumored breakup with Markus Paterson: "Siguro hindi na maiiwasan na people will talk, pero yun nga, I hope people will respect our privacy as of now."
PHOTO/S: @superjanella, @markus on Instagram

Nagsalita na sina Janella Salvador at Markus Paterson kaugnay ng napapabalitang hiwalay na sila.

Bagamat hindi nila ito tahasang kinumpirma o itinanggi, naging malaman ang mga binitawan nilang pahayag.

Una munang nagsalita si Markus.

Pag-amin niya, aware siya sa usap-usapang wala na sila ni Janella.

“Well, I mean, our relationship status is definitely something that people are asking about…

“But as of now, I’m gonna let her do the talking on this status situation,” pahayag ng Filipino-British actor sa June 11, 2022 episode ng Cinema News.

Paniniguro naman niya, “But we’re both very good, we have a very good relationship with each other.

“So, let’s just leave it at that for now.”

Nang mausisa sa lagay ng kanyang puso, sinabi ni Markus na masaya siya.

Aniya, “I’ve come to terms with a lot this year, so far. And I just can’t wait to grow more, learn more about everything in life, in my craft, relationships, fatherhood…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Janella at Markus ay may one-year-old son na si Jude.

Sinabi rin ni Markus na masaya siya sa pagbabalik-trabaho ni Janella.

Kasama ang aktres sa upcoming Kapamilya teleseryeng Darna: The TV Series, kung saan gumaganap siya bilang Valentina.

Mensahe ni Markus sa ina ng kanyang anak: “Just keep doing you and I’m so happy that you're getting back into work, and I’m so proud of you, for your latest project.

“So, yeah, yun lang."

"RESPECT OUR PRIVACY"

Nagsalita na rin si Janella tungkol sa isyu ngayong Huwebes, June 16, 2022.

Katulad ni Markus, sinabi ni Janella na aware siya tungkol sa isyung hiwalay na umano sila. Pero wala ring direktang sagot ang aktres kung totoo o hindi ang balita.

Nakiusap si Janella sa publiko na bigyan pa sila ng panahon at privacy.

“Markus and I are okay and I’m aware of the speculations that are going around.

“Pero siguro, I’m asking people to give us more time. I-respect kung ano man yung nangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero okay kami. We’re okay. We’re totally okay,” sabi ng aktres sa YouTube interview ng entertainment reporter na si Kiko Escuadro.

Hiningan din ng reaksiyon si Janella sa patuloy na pag-uusisa ukol sa isyung hiwalayan.

Sabi niya, “Siguro hindi na maiiwasan na people will talk, pero yun nga, I hope people will respect our privacy as of now.

“And eventually naman, kung…" hindi tinapos ni Janella ang sasabihin.

Ulit niya, "Ayun, yun lang. Respect our privacy muna, but we’re okay.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador on rumored breakup with Markus Paterson: "Siguro hindi na maiiwasan na people will talk, pero yun nga, I hope people will respect our privacy as of now."
PHOTO/S: @superjanella, @markus on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results