Carla Abellana turns off comments section of YouTube vlog after dropping bombs against Tom Rodriguez

by Arniel C. Serato
Jun 17, 2022
Carla Abellana disabled comments section of YouTube vlog
Carla Abellana sets comments section of her controversial vlog private after breaking her silence on breakup with husband Tom Rodriguez.
PHOTO/S: Courtesy: @carlaangeline / @akosimangtomas on Instagram

Naka-off na ang comments section sa controversial vlog ni Carla Abellana kung saan siya naglabas ng kinikimkim na galit sa kanyang puso.

Kahapon, June 16, 2022, mainit na pinag-usapan sa loob at labas ng showbiz ang mga ibinunyag ni Carla laban sa kanyang estranged husband na si Tom Rodriguez.

Ibinahagi ito ni Carla sa kanyang "New Endorsement" vlog sa YouTube kung saan nakipagsagutan siya sa ilang netizens.

Sinita ng netizens ang aktres dahil ni-like nito ang "cheating post" ni Ai-Ai delas Alas. At kung ayaw pala niya ng negativity ay bakit hindi nito hinayaang magpaliwanag si Tom para sana hindi sila naghiwalay.

Sa mahabang sagot ni Carla, napukaw ang interes ng netizens sa ilang bagay na pinakatagu-tago raw niya.

Isa na rito ang patuloy na pagyurak umano ni Tom sa kanya at sa pamilya niya.

Bahagi ng sinabi ni Carla: "Ang taong lubos na nasaktan hirap pong pigilang hindi ilabas ang galit sa anumang paraan.

Continue reading below ↓

“I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid.

“Kung sana hanggang dun lang po makakabangon din po ako balang araw.

“Pero para gawan pa po ako at ang pamilya ko ng mas marami pang kasamaan at kataksilan sa mga sumunod na araw, linggo at buwan, sobra sa sobra na po ang sakit at pagdurog ng puso at pagkatao ko."

Sa sumunod na pahayag ni Carla ay nagpahiwatig siyang may mga pagkakataong "nasasaktan" siya ni Tom.

Saad ng aktres: “Binigay ko po buong buhay ko sa kanya. 7 na taon po akong bawal magalit, magtampo, masaktan, mabigo, malungkot, madismaya dahil hindi po pwede.

“Makakatikim po ako kahit subukan ko pong ipaliwanag sa kanya na nasasaktan niya ako at hindi po tama ang mga ginagawa niya.

“Paulit-ulit ko pong pinapaalala sa kanya na hindi po ako kalaban at mabuti po ang kalooban at intensyon ko.

Continue reading below ↓

“7 na taon pong naipon sa loob ko lahat yun. Gustuhin at kailangan ko man pong ilabas, lubos na nakakakatakot po.”

Read: Carla Abellana finally breaks silence on split with Tom Rodriguez: “I was disrespected. I was betrayed. I was lied to.”

Sa ulat ng GMA News, hiningan nila ang abogado ni Tom ng statement tungkol sa mga pasabog ni Carla ngunit tanging “no comment” ang sagot nito.

Samantala, ilang oras matapos mag-viral ang pahayag ni Carla, hindi na ito mababasa sa comments section dahil naka-disable na ito.

Carla Abellana drops bombs against estranged husband Tom Rodriguez

Continue reading below ↓

THE BREAKUP

Ilang buwan nang laman ng mga balita sina Carla at Tom dahil sa biglaang hiwalayan nila noong January 2022, tatlong buwan lang pagkatapos nilang ikasal noong October 2021.

Nag-ugat ang hiwalayan ng dalawa dahil sa diumano’y infidelity ni Tom.

Ito ay ayon sa ama ni Carla na si Rey "PJ" Abellana, kung saan si Tom mismo ang nagkuwento sa kanyang natukso ito minsan at napasok sa isang one-night stand situation.

Read: Rey PJ Abellana speaks up on Carla Abellana-Tom Rodriguez marital issue; says Tom had a "one-night stand"

Ayon pa kay Rey, hindi ito matanggap ni Carla kaya nakipaghiwalay ito sa asawa.

Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?

Ang latest na balita, nagpapahanda na umano ni Carla ng mga papeles para sa annulment of marriage na maaari nitong isampa sa korte upang mapawalang-bisa na ang kanilang kasal ni Tom.

Read: Tom Rodriguez posts cryptic photo amid annulment rumor with wife Carla Abellana

Continue reading below ↓

Pero hindi raw makapagsalita si Tom tungkol sa kanyang panig sa kuwento dahil sa gag order na umiiral na hiniling ng kampo ni Carla sa husgado.

Read: Tom Rodriguez reveals “gag order” prevents him from speaking his truth

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carla Abellana sets comments section of her controversial vlog private after breaking her silence on breakup with husband Tom Rodriguez.
PHOTO/S: Courtesy: @carlaangeline / @akosimangtomas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results