Tom Rodriguez finally speaks up on split with Carla Abellana; reveals he is already divorced

by Arniel C. Serato
Jun 17, 2022
Tom Rodriguez breaks silence on breakup with Carla Abellana
Tom Rodriguez on breakup with wife Carla Abellana: "I have accepted her decision that it is time to move forward, independent from each other. I have to teach myself how to fall out of love from her."
PHOTO/S: Courtesy: @akosimangtomas / @carlaangeline on Instagram

Binasag na rin ni Tom Rodriguez ang kanyang pananahimik ukol sa hiwalayan nila ng asawang si Carla Abellana.

Ito na raw ang huli niyang pagsasalita sa isyu.

Ito ang sagot ni Tom sa mga pasabog ni Carla sa kanyang YouTube vlog kahapon, June 16, 2022, kung saan inilabas ng aktres ang kanyang kinikimkim na galit at sama ng loob laban sa asawa.

Sa pamamagitan ng kanyang manager na si Popoy Caritativo, nagpadala ng pahayag si Tom kay Nelson Canlas ng GMA News na lumabas sa 24 Oras ngayong Biyernes ng gabi, June 17.

Dito ay sinabi ng aktor na sinukuan ni Carla ang kanilang pagsasama sa kabila ng kanyang "efforts." Hindi na raw nadaan sa maayos na usapan ang kanilang gusot.

Silang dalawa lamang daw ng estranged wife ang nakakaalam ng katotohanan.

Pahayag ni Tom: "I left the Philippines for the U.S. last March 13, with the realization that despite all my efforts, Carla had already given up on our marriage.

Continue reading below ↓

"A lot has been said against me, but in the end, Carla and I are the only two people who know the truth.

"I refuse to allow anyone, who only wants to use us and our brokenness, for news.

"It was not a perfect relationship, but we know how much we loved each other."

"I NEVER LAY A HAND"

Inamin ni Tom na nasira na ang kanilang marriage ni Carla, ngunit mariin niyang itinangging napagbuhatan niya ng kamay ang asawa.

Hindi na raw niya ilalahad pa ang rason ng pagkasira ng kanilang relasyon, pero marami umanong naibatong maling akusasyon sa kanya.

Nabanggit din ni Tom ang tungkol sa pagkawala ng lahat ng kanyang pera sa isang taong hindi niya tinukoy.

Saad niya, "I will no longer dwell on the reasons why our marriage fell apart. So many lies have been said of me which are completely untrue and utterly unfair.

Continue reading below ↓

"I may have fallen short as a partner, especially when I lost all my money to someone who preyed on my gullibility, but it must be stressed that at no time did I ever lay a hand on Carla."

Base marahil ito sa sinabi ni Carla na minsan ay nasaktan siya ni Tom sa komento niya para sa isang netizen.

Tanggap na raw ni Tom na hanggang doon na lang ang kanilang samahan bilang mag-asawa, na umabot lamang ng tatlong buwan mula nang sila'y ikasal. Pero pitong taon silang naging magkasintahan.

Ayon pa kay Tom, aaralin niya paano makalimutan si Carla.

Lahad niya, "I have accepted her decision that it is time to move forward, independent from each other.

"I have to teach myself how to fall out of love from her.

"This will be a lonely, painful path that I shall take, but together with my family here in the U.S., I have the strongest support system.

Continue reading below ↓

"I am with people who will never judge and who will only love me unconditionally."

DIVORCED?

Ibinunyag din ni Tom na diborsiyado na siya.

At ang hiling niya ay matupad ang birthday wish ni Carla.

Deklara niya: "Now that the divorce decree is final, I truly wish Carla's birthday wish be granted and that she finds the happiness she is searching for."

Noong ika-36 na kaarawan ni Carla noong June 12, hiling nito ay laging maging maligaya lamang.

Read: Carla Abellana reveals birthday wish: "To be happy."

Dagdag pa sa ulat, isang U.S. citizen si Tom kaya maaari siyang mag-file ng divorce.

Pero kikilalanin lang ito sa Pilipinas matapos mag-file at aprubahan ng korte ang petition for recognition of foreign divorce decree.

Ayon sa law journals, walang divorce sa Pilipinas pero kapag ang isang banyagang asawa ay makakuha ng divorce sa ibang bansa, maaari na ring mag-asawa ang Pinoy o Pinay na dating asawa ng nasabing banyaga.

Continue reading below ↓

Nakasaad sa https://honolulupcg.dfa.gov.ph: "The foreign divorce decree must be judicially enforced or confirmed in the Philippines by filing the proper civil action at the Regional Trial Court in the Philippines (RTC-Phil).

"The court decision shall be registered in the Local Civil registry Office (LCRO) where the concerned RTC-Phil functions.

"The registered document shall be submitted to the Local Civil Registrar where the marriage is registered. If the marriage was registered overseas, the registered document shall be submitted to the City Civil Registry Office at the Manila City Hall (CCRO Manila)."

Ibinahagi ni Popoy Caritativo sa social media accounts nito ang buong statement ni Tom:

Continue reading below ↓

THE BREAKUP

Ilang buwan nang laman ng mga balita sina Carla at Tom dahil sa biglaang hiwalayan nila noong January 2022, tatlong buwan lang mula nang ikasal sila noong October 2021.

Nag-ugat ang hiwalayan ng dalawa dahil sa diumano’y infidelity ni Tom.

Ito ay ayon sa ama ni Carla na si Rey "PJ" Abellana, kung saan si Tom mismo ang nagkuwento sa kanyang natukso ito minsan at napasok sa isang one-night stand situation.

Read: Rey PJ Abellana speaks up on Carla Abellana-Tom Rodriguez marital issue; says Tom had a "one-night stand"

Ayon pa kay Rey, hindi ito matanggap ni Carla kaya nakipaghiwalay ito sa asawa.

Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?

Ang latest na balita, nagpapahanda na umano ni Carla ng mga papeles para sa annulment of marriage na maaari nitong isampa sa korte upang mapawalang-bisa na ang kanilang kasal ni Tom.

Read: Tom Rodriguez posts cryptic photo amid annulment rumor with wife Carla Abellana

Continue reading below ↓

Pero hindi raw makapagsalita si Tom tungkol sa kanyang panig sa kuwento dahil sa gag order na umiiral na hiniling ng kampo ni Carla sa husgado.

Read: Tom Rodriguez reveals “gag order” prevents him from speaking his truth

Nitong nakaraang June 16, ginulat ni Carla ang maraming netizens sa kanyang mga pasabog laban sa estranged husband.

Sa isang mahabang komento nito sa isang YouTube vlog niya, inilabas ni Carla ang kinikimkim na galit laban kay Tom sa loob ng pitong taong pagsasama nila bilang magkasintahan hanggang sa sila ay magpakasal.

“No comment” naman ang simpleng tugon ng kampo ni Tom sa mga ibinunyag ng nakahiwalayang asawa.

Read: Carla Abellana finally breaks silence on split with Tom Rodriguez: “I was disrespected. I was betrayed. I was lied to.”

Hindi na makikita ang pahayag ni Carla ngayong araw, June 17, dahil naka-turn off na ang comments section ng vlogs ng aktres.

Read: Carla Abellana turns off comments section of YouTube vlog after dropping bombs against Tom Rodriguez

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tom Rodriguez on breakup with wife Carla Abellana: "I have accepted her decision that it is time to move forward, independent from each other. I have to teach myself how to fall out of love from her."
PHOTO/S: Courtesy: @akosimangtomas / @carlaangeline on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results