Heart Evangelista glad Chiz Escudero allows her to grow and pursue her passions

by Rommel Gonzales
Jun 19, 2022
Heart Evaneglista on Chiz Escudero
Heart Evangelista on husband Chiz Escudero: "...we both live separate career paths and we respect each other’s space and time with what we need to do."
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram

Hindi isyu kina Heart Evangelista at Chiz Escudero ang pagiging abala nila sa kani-kanilang trabaho.

Sabi ng aktres, “You know, I think if there’s anything that Chiz and I have established is we both live separate career paths and we respect each other’s space and time with what we need to do.

Malaking bagay para kay Heart na hindi siya nalilimitahan sa pag-abot ng kanyang mga goals sa buhay.

Dugtong ng 37-year-old Kapuso star, “So I guess that’s why we also grow in terms of, you know, our careers, some personal stuff that we like to do for ourselves.

“So I think that’s very important, so iyon.

“But how? I think the best support would be is pag kailangan niya ako nandiyan ako, and, hopefully, ganun din siya para sa akin."

HEART'S BUSINESS

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart para sa store opening ng brand niyang Pure Living Beauty Company (@pure_living), na nagbebenta ng mga beauty and wellness products and tools para sa buhok, mukha, balat, personal hygiene, at marami pang iba.

Continue reading below ↓

Kahapon, June 18, 2022, nagbukas ang first-ever branch niya sa 2nd floor ng Hexagon Corporate Center sa Quezon Avenue.

Bakit niya naisipang magtayo ng physical store?

“Actually yung mga members din namin, they really wanted a store where, you know, you can also talk to them [customers], it’s all about, you know, talking about the brand, empowering each other.

“We’re also about open our next branch sa Taft, magkakaroon din kami ng maliliit na kiosks sa mga malls.

“So I’m very, very excited about that,” nakangiting kuwento ni Heart.

Ilang miyembro na ba mayroon ang kanilang Pure Living Beauty Company?

“Oh my god, siyempre hindi ko memorized,” at natawa si Heart.

“Pero it’s really growing, and I’m really, we’re very, very happy expecially, actually mga a few months lang biglang nag-triple kami, so I’m very happy.”

Sa panahon ng pandemya ay tila mas lalong natuto ang mga tao tungkol sa pangangalaga sa kalusugan at kagandahan.

Continue reading below ↓

“Yeah, self-care, to make time. Natuto sila na i-prioritize yung mga sarili nila which I think is very important.”

Bukod sa pag-arte, kilala ring painter si Heart. And in between her acting projects and exhibits ay mga collaborations sa iba't ibang brands here and abroad.

Kung tutuusin, sa estado ni Heart sa buhay, puwede na siyang mabuhay comfortably kahit hindi magtrabaho, pero desidido siyang palakihin ang kanyang negosyo.

“I have a lot of dreams and goals and I don’t think anything can stop me," aniya.

"I will do my best to make sure that I don’t have any what if’s in life so thank you na nagwo-work out naman siya."

HEART'S TRAVELS

Paano naman niya hinahati ang kanyang oras?

“Well, hopefully, as the company grows, you know, the people that I work with, they also grow in number. And I’m very, very lucky and blessed that I have a really great group behind the company that really knows what I need to do.

Continue reading below ↓

“They also guide me, I guide them, it’s a family, so I’m not as stressed, actually, as you should really be stressed because ang dami namin na nagtutulung-tulong kami.”

At paano niya isasabay ang mga ito sa mga travels niya abroad. Katatapos lamang dumalo ni Heart sa Cannes International Film Festival nitong May.

“Sobrang I love it! I love travelling.

“That’s something kasi that I was sort of deprived of doing when I was young kasi hindi naman ako pinapayagang bumiyahe noong bata ako.

“But now like I do it regularly, it is really like I feel what I will be doing till I’m fifty?

“Like this year, I’m leaving again next week actually and the next month, every month parang umaalis ako,” at natawa si Heart.

“But I really enjoy it!”

Sa susunod na linggo ay lilipad ulit si Heart sa Paris, France, sa Thailand, at sa Milan, Italy.

Continue reading below ↓

May kinalaman pa rin ang biyahe niya sa business?

“Yes, yes, sa work pa rin,” sabi pa ni Heart.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista on husband Chiz Escudero: "...we both live separate career paths and we respect each other’s space and time with what we need to do."
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results