Watch Now

Lani Mercado accidentally reveals Sandro Marcos's secret relationship; is it Alexa Miro?

by Rachelle Siazon
Jun 20, 2022
Lani Mercado, Sandro Marcos
Ilocos Norte Representative Sandro Marcos tells Bacoor City Representative Lani Mercado to keep his relationship status a secret. But their supposed private conversation gets streamed via Senator Bong Revilla's FB Live.
PHOTO/S: Bong Revilla Facebook

Hindi sinasadyang naibuking ni Bacoor City Representative Lani Mercado si Ilocos Norte Representative Sandro Marcos tungkol sa pagkakaroon nito ng secret relationship.

Pareho dumalo ang dalawang incoming representatives sa ginanap na inauguration ceremony ni Vice President Sara Duterte sa Davao City, Linggo, June 19, 2022.

Hindi inaasahang maisapubliko ang dapat sana'y private conversation ng dalawa sa Facebook Live ng mister ni Lani na si Senator Bong Revilla.

Mapapanood ditong masiglang nag-shake hands sina Lani at Sandro at saka nag-small talk ang dalawa sa sidelines ng event.

Panunukso ni Lani, "Hello, Sandro. Ang girlfriend mo pala is taga-Bacoor. Nakuwento ni Bryan sa akin."

Nakangiting tugon ni Sandro, "Yes po."

Ang "Bryan" na tinutukoy ni Lani ay ang panganay na anak nila ni Bong na si Bryan Revilla.

Pero bago magpatuloy sa paglalakad, tinapik ni Sandro sa kamay si Lani at sinabing, "But atin-atin lang 'yan, ha."

Sagot naman ni Lani, "Yes, Sir."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabay tukso ni Bong kay Sandro, "Ahhh.... May sikreto ka, ha!"

IS ALEXA MIRO SANDRO MARCOS'S GIRLFRIEND?

Sinasabing ang sexy actress na si Alexa Miro ang girlfriend ni Sandro.

READ: Rob Gomez, sinigurong may ibubuga ang A Girl and a Guy bukod sa frontal nudity at love scenes

READ: Alexa Miro to Derrick Monasterio: "OK lang ba, can I kiss your neck?"

Sa hiwalay na ulat ni Gorgy Rula sa Pilipino Star Ngayon kahapon, June 19, nakasaad na kinumpirma ng kampo ni Alexa na magkasintahan ang sexy star at si Sandro.

Ayon pa sa isang source ni Rula, taong 2021 pa lihim na magkarelasyon ang dalawa.

Tila may hindi raw pabor sa relasyon ng couple, pero hindi nabanggit kung sino.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilocos Norte Representative Sandro Marcos tells Bacoor City Representative Lani Mercado to keep his relationship status a secret. But their supposed private conversation gets streamed via Senator Bong Revilla's FB Live.
PHOTO/S: Bong Revilla Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results