Max Collins greets Pancho Magno on Father’s Day amid rumored breakup

by Arniel C. Serato
Jun 20, 2022
Max Collins Father's Day message to Pancho Magno
Max Collins thanks Pancho Magno for her "greatest gift," their son Baby Skye Anakin Magno (not in photo), on the celebration of Father's Day yesterday, June 19, 2022.
PHOTO/S: Courtesy: @maxcollinsofficial / @magnopancho on Instagram

Binati ni Max Collins ang asawang si Pancho Magno sa okasyon ng Father’s Day kahapon, June 19, 2022.

Nagpasalamat din ang aktres sa asawa dahil sa kanilang nag-iisang anak na si Skye Anakin Magno, na pinakamahalagang regalo raw natanggap niya.

Mensahe ni Max sa kanyang Instagram post: “Thanks to you I have the greatest gift of all [boy emoji] Happy Father’s Day @magnopancho [white heart emoji]”

Sumagot naman si Pancho sa post ni Max.

“Thank you! [heart, smiling emojis]” pakli niya.

Max Collins Father's Day message to Pancho Magno

Continue reading below ↓

Marami namang netizens ang natuwa sa palitan ng mensahe ng mag-asawa sa kabila ng matagal nang usa-usapang hiwalay na umano sila.

Max Collins Father's Day message to Pancho Magno

Max Collins Father's Day message to Pancho Magno

Continue reading below ↓

Mayroon ding nagsabing magandang halimbawa ang ipinakitang pagiging civil nina Max at Pancho para sa kanilang anak.

Max Collins Father's Day message to Pancho Magno

Max Collins Father's Day message to Pancho Magno

Continue reading below ↓

Max Collins Father's Day message to Pancho Magno

Noong 2021 ay napabalitang naghiwalay na ang dalawa na ikinasal noong 2017.

Isa sa basehan ng netizens na may hidwaan ang dalawa nang magdaos sina Max at Pancho ng magkahiwalay na birthday parties para sa anak nilang si Skye.

Sa panayam kay Max ng GMA News, pinabulaanan niya ang usap-usapang may problema sa pagsasama nila ni Pancho.

Continue reading below ↓

Ayon kay Max, ang mga kaibigan niya ang nagbigay ng birthday surprise kay Skye kung saan hindi nakarating si Pancho dahil sa trabaho.

Nagdaos ng hiwalay na birthday party si Pancho para sa anak, at si Max naman ang hindi nakadalo dahil din sa trabaho.

Saad ni Max, "Now, all we're focusing on is the fact that [he enjoyed the two] parties.

“It's sad [that] we couldn't be together on that day, but we're just gonna make [up for it] next time.”

Napansin din ng netizens na hindi na nagpu-post sina Max at Pancho sa social media ng mga larawang magkasama sila.

Paliwanag ng aktres, gusto nila ni Pancho na gawing pribado ang kanilang buhay mag-asawa kaya piling-pili lang ang mga post nila sa social media.

"I really wanted to address the issue [because] Pancho and I have talked about how, for now, he's giving me-time to prioritize my career.

Continue reading below ↓

"That means, [on] social media, [we're quiet] and we have our own branding [as actors].”

Read: Max Collins speaks up about two birthday parties for son; status of relationship with husband Pancho Magno

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi namamatay ang espekulasyong hiwalay na sina Max at Pancho ngunit hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ng dalawa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Max Collins thanks Pancho Magno for her "greatest gift," their son Baby Skye Anakin Magno (not in photo), on the celebration of Father's Day yesterday, June 19, 2022.
PHOTO/S: Courtesy: @maxcollinsofficial / @magnopancho on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results