Heart Evangelista replies to basher who called her 'gold digger': “I don’t need anyone to survive.”

by Arniel C. Serato
Jun 20, 2022
Heart Evangelista reacts to gold digger comment
Heart Evangelista claps back at basher—with class—who called her "gold digger" on Twitter today, June 20, 2022.
PHOTO/S: Courtesy: @iamhearte on Instagram

Pumalag si Heart Evangelista sa isang troll na tumawag sa kanyang "gold digger" sa Twitter ngayong araw, June 20, 2022.

Buong post ng troll: “Si @heart021485 is a gold digger is a fact”

Mabilis itong napansin ni Heart at ni-repost niya ito.

Ayon sa Kapuso star, hindi niya kailangang sumandal sa iba upang mabuhay.

Continue reading below ↓

Isa raw siyang babae na maaring gumawa ng mga bagay-bagay na ikauunlad niya basta nanaisin nito.

Buong mensahe ni Heart, “I don’t need anyone to survive. I am a woman and a woman can be or do anything she wants if she wills it. Remember I said that.”

Si Heart ay kasal kay Senator-elect Chiz Escudero.

Continue reading below ↓

Marami naman ang nagtanggol kay Heart sa comments section.

Ayon sa isang netizen, baka “goal digger” ang Kapuso fashion icon.

Buong komento nito: “Baka goal digger. Heart never asked anything from any man but if she asks from his husband, thats because they are husband and wife not because she's a gold digger."

Continue reading below ↓

Mungkahi naman ng isa pa, pakainin daw ang troll sa sikat na restaurant na pagmamay-ari ng pamilya ni Heart para tumalino.

Hindi na bago kay Heart na sumasagot sa bashers sa "class" na pamamaraan kapag below the belt na ang mga komento nila.

Noong October 2021, binuweltahan din ni Heart ang isang basher na tumawag sa kanyang "baog."

Continue reading below ↓

Hindi ito nakaligtas sa paningin ni Heart at isang maikli ngunit matalim na sagot ang pinakawalan ng Kapuso actress.

Buwelta niya: “Ulol—the only word you can understand.”

Read: Heart Evangelista claps back at basher who called her “baog”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista claps back at basher—with class—who called her "gold digger" on Twitter today, June 20, 2022.
PHOTO/S: Courtesy: @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results