Watch Now

Is KZ Tandingan still a Kapamilya despite show on TV5?

by Julie E. Bonifacio
Jun 22, 2022
KZ Tandingan, Top Class, TV5
KZ Tandingan on asking permission from ABS-CBN management before joining TV5's Top Class: "In-allow po nila talaga kami na mag-work gaya dito. Yes, nagpaalam ako sa kanila. Diyan ako lumaki as an artist. Diyan nag-grow ang career ko."
PHOTO/S: @kztandingan Instagram

Isa si KZ Tandingan sa tatlong mentors ng 30 talented trainees na nakapasa sa highly competitive and rigorous audition process sa bagong lunsad na talent reality competition sa TV5 at Kumu, ang Top Class.

READ: KZ Tandingan saddened by breakup of Moira dela Torre and Jason Hernandez

Magsisimulang mapanood ang Top Class sa Hunyo 18, 2022 sa Kumu (daily streaming) at sa TV5 tuwing Sabado.

Ipinaliwanag ni KZ na kahit may programa siya sa TV5, nananatili pa rin siya bilang artist ng ABS-CBN.

"Actually, iyan po ang common misconception ng mga tao na I’m no longer with ABS. But I am very much still part of ABS.

"I love my ABS family and I’m actually very thankful na they allowed me to be part of Top Class.

"Kasi siyempre po, di ba, ngayon wala pang franchise ang ABS-CBN. But I am very positive and hoping na magkakaroon very, very soon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw dahilan ang pagkawala ng franchise ng Dos para lumipat siya sa ibang TV network.

"In-allow po nila talaga kami na mag-work gaya dito. Yes, nagpaalam ako sa kanila. Kasi siyempre, diyan ako, e. Diyan ako nanggaling. Diyan ako lumaki, kahit hindi physical," hirit ni KZ.

Patuloy niya, "Diyan ako lumaki as an artist. Diyan nag-grow ang career ko. Kung hindi dahil sa pag-invest nila sa akin... You know, they took a chance on me, e.

"So, kung hindi po nila ako... kung hindi sila nag-invest sa aking pag-a-artist, I wouldn’t be where I am today.

"So, I always make it a point whenever we have inquiries from other networks, we always let them know. 'Okey po ba?,' ganyan.

“But, if kunwari may conflict, 'Ay, kasi may show na ganito. Kailangan mong gawin,' yung mga ganoon, we always show respect. Kasi, kailangan mo talagang magpaalam."

Mapapanood pa rin daw siya sa Sunday musical-variety show ng ABS-CBN, ang ASAP Natin ‘To.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

NO FAVORITISM ON TOP CLASS

Present sa Top Class grand mediacon ang hosts at mentors ng sinasabing pinakamalaki, most advanced, and most interactive P-Pop talent reality competition sa bansa.

Si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang host ng Top Class. Sina Albie Casiño at Yukii Takahashi ang co-hosts, habang co-mentors ni KZ ang rapper na si Shanti Dope at dancer na si Brian Puspos.

Bilang mentor, naniniwala si KZ na hindi dapat pairalin ang favoritism among the trainees.

"No, I don’t. Pero siyempre hindi mo naman puwedeng sabihin na wala kang... meron kang… I don’t know how put it nicely.

"Dahil nagkaroon ako ng evaluation sa kanila, I know kung sino sa kanila ang magaling ng kumanta. So, para sa mga artists na ‘to, mas mataas ang expectation ko, ganoon.

"So, kung ganoon siguro, hindi siya more on favorites, e. But I expect more from you because I know you can do this. So, mas mapapansin mo kung sino ang mas slacky, sino ang ganito, ganoon," paliwanag ni KZ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nagsasabing sadyang hindi maiiwasan na magkaroon ng paborito ang isang mentor sa ganitong uri ng talent search.

"I try not to," diin ni KZ.

"I tried to not put any biases on my choices. Pero hindi po, e. Hindi talaga, e. Wala… wala.

"Alam ko kasi yung pakiramdam na nasa ganyang posisyon, e.

"And kung nandoon ako sa X-Factor and yung mentor nag-play ng favorites, automatic it’s already a setback for me because I have to work extra hard para maging favorite mo rin ako.

"So, I know na it doesn’t feel good and it’s not right, ganoon."

Ano ang hinahanap niyang mga katangain para sa tatanghaling top trainee ng Top Class?

"I am looking for someone who is willing to step out from their comfort zone. Yun talaga po. Kasi yung P-Pop industry, yung P-Pop na ngayon… parang yung P-Pop community, sobrang taas ng standard.

"You can’t be launched as a P-Pop group kung hindi kayo sabay-sabay gumalaw, for one. Kung hindi kayo marunong kumanta, two."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-meet na niya ang 30 trainees na kasali sa competition. So far, may nakikita na raw siyang puwedeng umangat sa grupo dahil sa kanilang talent sa pagkanta at pagsayaw.

"Oo, meron akong nakikita, like, 'Uy, magaling na siyang kumanta,' ganoon. Meron ding sobrang galing sumayaw pero I think kailangan mag-work on the singing. Meron din magaling kumanta pero hindi pa ganyan kagaling sumayaw."

ON kz tandingan as a mentor

Wala raw pasaway sa mga trainee ng Top Class.

"Hindi pa po masyado, e," ngiti ni KZ.

"Meron lang konting antukin sa class. Pero siyempre po, pinagdaanan ko din naman po yun. Kailangan mo lang silang i-remind," sabay palakpak ng kamay ni KZ.

Iniintindi rin ni KZ ang sitwasyon ng bawat trainee dahil alam niya ang pakiramdam ng aspiring singers na sumasabak sa contests.

“Hindi, kasi siyempre imagine niyo po, coming from the pandemic, spending the entire two years with your family, and then, biglang ilang months, e, tatanggalin ang buhay mo doon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ilalagay ka sa isang lugar na kasama mo yung ibang tao na hindi mo naman kaanu-ano, di ba? Yung iba sa kanila hindi nakakatulog. Siyempre, kahit na ano, competition pa rin yun, e.

"Yung iba sa kanila antok pa kasi walang tulog. I just really have to always put myself in their shoes."

Mahigpit ba siya bilang mentor?

"Hindi naman super strict, but I always want them to be challenged. But, at the same time, I want to make sure that the learning process is fun for all of them.

"So, pag may session kami, I have to make jokes about it. Nagbibigay ako ng mga examples na alam kong naiintindihan nila, nage-gets nila.

"Kasi kapag ibo-bombard mo lang sila ng technical terms? Hindi mo naman maa-absorb yun, e. You have to explain it in a way na nage-gets nila. Na maa-apply nila agad sa music nila, sa performance nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, ipagdiriwang ni KZ ang kanyang ikasampung anibersaryo sa showbiz ngayong taon. May plano bang magkaroon siya ng concert for her tenth anniversary?

"Very soon po," excited na tsika ni KZ.

"Parang hindi ko alam kung puwede nang mag-disclose ng anything. But hopefully, this year, something is gonna happen because it’s my tenth year in the industry.

"So, ayun po."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KZ Tandingan on asking permission from ABS-CBN management before joining TV5's Top Class: "In-allow po nila talaga kami na mag-work gaya dito. Yes, nagpaalam ako sa kanila. Diyan ako lumaki as an artist. Diyan nag-grow ang career ko."
PHOTO/S: @kztandingan Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results