Watch Now

Sunshine Cruz, Teresa Loyzaga react to Cesar Montano’s Father’s Day bonding with his children

by Arniel C. Serato
Jun 21, 2022
Cesar Montano bonds with children on Father's Day
Sunshine Cruz (left) and Teresa Loyzaga (right) happy for their children's bonding with their dad, Cesar Montano, on Father's Day.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Halos kumpleto ang mga anak ni Cesar Montano sa Father’s Day celebration nito noong nakaraang Linggo, June 19, 2022.

Sa Instagram post ni Diego Loyzaga, pinapurihan nito ang lahat ng mga haligi ng tahanan sa okasyon ng Araw ng mga Ama. Pati na ang single moms na mag-isang nagtataguyod sa kanilang mga supling.

Si Diego ay anak ni Cesar sa aktres na si Teresa Loyzaga.

Kalakip ng mensahe ni Diego ang larawan niya kasama si Cesar, half-sisters na sina Angelina, Chesca, at Sam Cruz—mga anak ni Cesar sa dati nitong asawa na si Sunshine Cuz.

Kasama rin sa larawan ang mga kapatid ni Diego sa amang si Cesar at partner nitong si Kath Angeles na sina Samuel, Liam, at Kristen.

Ani Diego sa caption: “Happy Fathers day.

“To all the Dads, Fathers, Father figures & Single mothers. You are appreciated [heart, fire emojis]“

View this post on Instagram

A post shared by Diego ???? (@diegoloyzaga)

Nagkomento sa post na ito ni Diego ang kanyang ina na si Teresa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe ni Teresa: “Just Beautiful. Well done Son. Proud of you! Bless you all! [heart emojis]”

Cesar Montano bonds with his children on Father's Day

Maging si Sunshine ay masaya sa bonding ng kanyang tatlong anak na babae kasama ang ama at kanilang mga kapatid.

Komento niya sa post ni Diego ay “three smiling faces with heart-shaped eyes at tatlong hearts emojis.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Cesar Montano bonds with his children on Father's Day

Nag-post din si Sunshine sa kanyang Instagram account ng mga larawan ng mga anak kasama sina Cesar at Diego.

Sa caption, sinabi ng aktres na masuwerte ang kanyang mga anak na may dalawa itong tumatayong ama — ang nakahiwalayang asawa at ang kasintahan niya ngayong si San Juan City councilor-elect Macky Mathay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe ni Sunshine, “How blessed are my girls to have 2 dads! Happy and proud of you three!

“Have fun with your dad and siblings and see you later mga anak [heart, smiling face emojis]

“Happy Father’s Day to all Dads out there! Cheers!

#fathersday2022 #fathersday

Sampu na ang bilang ng mga anak ni Cesar—dalawa sa unang asawa niyang namayapa, isa kay Teresa, tatlo kay Sunshine, isa sa former beauty queen na si Sandra Seifert, at tatlo kay Kath.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz (left) and Teresa Loyzaga (right) happy for their children's bonding with their dad, Cesar Montano, on Father's Day.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results