KZ Tandingan saddened by breakup of Moira dela Torre and Jason Hernandez

by Julie E. Bonifacio
Jun 21, 2022
KZ Tandingan, Moira dela Torre, Jason Hernandez
KZ Tandingan (left) on good friend Moira dela Torre's breakup with Jason Hernandez: "Huwag na lang po nating pag-usapan. Kasi siyempre, e, ano naman po nila yun... Kumbaga, when we keep on talking, it does not help them heal. Let’s just give them time and pray na makapag-cope up yung friend ko at yung dati niyang asawa."
PHOTO/S: @kztandingan / @jasonmarvinph Instagram

Hangga’t maaari ay ayaw magbigay ng reaksiyon ni KZ Tandingan sa hiwalayan ng mag-asawa at kapwa singers na sina Moira dela Torre at Jason Hernandez.

Pero hindi rin nakaiwas si KZ nang makausap siya ng entertainment press sa grand media launch ng bagong talent reality show na Top Class: Rise to P-Pop Stardom, na ginanap sa Glorietta Activity Center, Makati City, noong June 12, 2022.

"Siyempre po sad ka... kasi both naman namin silang naging kaibigan," sambit ni KZ.

Pero pagdating sa pagbibigay ng payo kay Moira, sinabi ni KZ na hindi niya ito ginawa sa kaibigan.

"Actually po, hindi ko siya kinukulit about it. I just always tell her na nandito lang ako. Kukumustahin ko siya, ganoon lang."

Sabay pakiusap ni KZ sa press, "But, yun lang po. Huwag na lang po nating pag-usapan. Kasi siyempre, e, ano naman po nila yun...

"Kumbaga, when we keep on talking, it does not help them heal. Let’s just give them time and pray na makapag-cope up yung friend ko at yung dati niyang asawa."

Continue reading below ↓

Ikinasal sina Moira at Jason noong January 14, 2019, at inanunsiyo nila ang kanilang hiwalayan nitong May 2021.

READ RELATED STORIES

ON HYPOTHETICAL CHEATING ISSUE

Sa kabilang banda, kinumusta ng press ang buhay may-asawa ni KZ sa piling ng mister na si TJ Monterde.

Paano niya natitiyak na loyal sa kanya si TJ bilang mister?

"Ay, naku po! I don’t think it’s my responsibility na... It is my responsibility in some way.

"Pero kung ang tao naman kasi loyal sa iyo, hindi mo kailangan ipilit sa kanya.

"Tsaka may tiwala naman po ako sa kanya, e," kumpiyansang sagot ni KZ.

Sa dami ng mga biglaang pangyayari sa buhay ngayon, ano ang magiging reaksiyon niya if one day aminin sa kanya ni TJ na hindi ito naging loyal sa kanya?

Continue reading below ↓

Tugon ng singer, "Well, totoo naman po na hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari in the future.

"But I don’t want that thought rob me of the joys of today, ganoon. So, ayun po.

"Ngayon naman, I don’t feel anything na nakakapag-worry sa akin kung may mangyayari or anuman. I just wanna enjoy that."

KZ tandingan on married life

Inamin ni KZ na nitong Hunyo ay puro trabaho ang inatupad niya.

Paliwanag niya: "Siguro sa buwan na ‘to, parang I hardly get more than three hours with my husband. Na yung kaming dalawa lang.

"But, napakalaking tulong po na we are in the same industry. Kaya alam niya yung hinihingi ng industriyang ito, e.

"I mean, walang 9 to 5 ang ating trabaho. Kahit po sa inyo, di ba? Kahit madaling-araw matatapos.

"There was one time na umalis kami ng bahay ng alas tres ng umaga. Umuwi ako ng bahay the next day, three a.m. din. Ganoon, di po ba?"

Continue reading below ↓

Hindi naman daw nagtatampo sa kanya si TJ kapag ilang oras lang sila nagkakasama.

Basta't masaya raw siya sa piling ng mister, at naa-appreciate niya ang effort nitong iparamdam ang pagmamahal sa kanya.

Patuloy ni KZ, "Siyempre, we don’t know what the future holds. But as of today, I am very thankful that my husband is the kindest person, the most understanding sa lahat ng ginagawa ko po.

"He drives me to work and from work kahit alas-singko ng umaga, alas-dose ng gabi, alas-dos ng umaga. Nandiyan siya talaga palagi," saad ni KZ.

Nag-isip naman nang maigi si KZ nang tanungin kung gaano na sila katagal ni TJ bilang mag-asawa.

"Magtu-two years na kami," biglang tigil ni KZ at saka kinuwenta ang mga taong nakalipas.

"Kasi, hindi ko kina-count yung pandemic. Kasi ninakawan ako ng panahon, ganoon. So, ayun, magtu-two years po.

"But together [including when we were boyfriend-girlfriend], eight years na kami."

Continue reading below ↓

Ikinasal sina KZ at TJ noong August 28, 2020.

READ: KZ Tandingan, TJ Monterde hold "virtual" wedding in the midst of pandemic

NO BABY PLAN YET

Sa ngayon, hindi pa raw nila naiisip ang pagkakaroon ng anak.

"We’re gonna get a new dog soon,” excited na sambit ni KZ.

"Baby? Wala pa po, e.

"Imagine niyo po, ha, sa eight years namin together, the first time na magta-travel kami out of the country na kaming dalawa lang is going to be next month.

"So, ang dami-dami pa namin gustong gawin and i-experience naming dalawa lang muna.

"Kasi siyempre, if you are going to have a child, it is going to change everything.

"Kumbaga, ang main priority mo is the child. So, ayun."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KZ Tandingan (left) on good friend Moira dela Torre's breakup with Jason Hernandez: "Huwag na lang po nating pag-usapan. Kasi siyempre, e, ano naman po nila yun... Kumbaga, when we keep on talking, it does not help them heal. Let’s just give them time and pray na makapag-cope up yung friend ko at yung dati niyang asawa."
PHOTO/S: @kztandingan / @jasonmarvinph Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results