Watch Now

Ruffa Gutierrez recounts recent banter with ex-husband Yilmaz Bektas

by Bernie V. Franco
Jun 21, 2022
ruffa gutierrez yilmaz bektas
Ruffa Gutierrez reveals her daughters Lorin and Venice, who are now spending a short vacation with their dad Yilmaz Bektas, want to extend their stay in Istanbul, Turkiye.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment) / @ilknazlaurenart on Instagram

Pinusuan ni Ruffa Gutierrez ang Father’s Day celebration ng kanyang dalawang anak kasama ang kanilang amang si Yilmaz Bektas.

Si Yilma ay ex-husband ni Ruffa.

Kasalukuyang nasa Istanbul, Turkiye, ang mga anak ni Ruffa kay Yilmaz na sina Lorin, 18, at Venice, 17.

Ito rin ang reunion nina Lorin, Venice, at Yilmaz pagkatapos ng 15 taong hindi pagkikita.

Para sa Father’s Day, ipinost ng isa pang anak na babae ni Yilmaz na si Ilknaz Bektas ang dinner celebration nila kasama sina Lorin at Venice.

“We are so lucky to have you in our lives Happy Father’s Day,” caption ni Ilknaz.

Pagsang-ayon ni Lorin, “So so so blessed [white heart emoji]”

Si Venice naman, tatlong white heart emojis ang comment.

Pinusuan din ito ni Ruffa na nagkomento ng tatlong red heart emojis.

yilmaz bektas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

yilmaz bektas

Samantala, sa kanyang Instagram Story, ni-repost ni Ruffa ang Father’s Day celebration ng mag-aama.

“Last 2 days in Turkiye!” caption ni Ruffa dahil pauwi na raw sa Pilipinas ang kanyang dalawang anak.

yilmaz bektas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RUFFA'S RECENT CONVERSATION WITH YILMAZ

Sa episode ng It’s Showtime nitong Sabado, June 18, 2022, ibinahagi ni Ruffa na nagkabiruan sila ng kanyang ex-husband ukol sa pagbabakasyon ng kanilang dalawang anak sa Turkiye.

Sa "Showtime Sexy Babe" segment, kung saan judge si Ruffa, binati ng noontime hosts ang aktres ng Happy Father’s Day dahil isa siyang single parent.

“Oy, mga bata, umuwi na kayo dito, hello!” biro ni Ruffa, patungkol sa dalawang anak na nakabakasyon kasama ang kanilang Turkish father.

Sinabi ni Ruffa nag-e-enjoy ang kanyang dalawang anak sa Istanbul at humirit sila ng extension.

Kuwento ni Ruffa, “Sabi [nila], ‘Ma, can we extend?’

“’No!’” sagot daw ni Ruffa sa dalawang anak.

Ikinuwento rin ni Ruffa nagkaroon sila ng biruan ng kanyang ex-husband na si Yilmaz.

“My God, nagbiro pa yung tatay. Sabi pa naman, ‘Ay, I didn’t see them for 15 years. ‘Wag kang mag-alala for 15 years din... Next mo sila makikita after 15 years din.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko, ‘Ganun?’"

RUFFA SAYS MANY CAN RELATE TO HER

Bukod dito, pinuri rin ng hosts si Ruffa na ibinabahagi niya sa social media ang “family healing” nila.

Sundot ni Ruffa, marami ang nagmi-message sa kanya na nakaka-relate sa sitwasyon niya.

Sabi ng aktres, “You know what, napakarami pala ang dumadaan sa mga dinadaanan ko ngayon.

"Sabi nila, ‘Oh my God, I wish na makilala ko rin yung tatay ko. It’s been so long.’ So, maraming mga ganyang mga kuwento.

“And we're not alone. So everybody has different pains within the family.

"No family is perfect. Ang importante we do our best for our kids.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez reveals her daughters Lorin and Venice, who are now spending a short vacation with their dad Yilmaz Bektas, want to extend their stay in Istanbul, Turkiye.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment) / @ilknazlaurenart on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results