Nauwi nga ba sa wala ang pagkakamabutihan ng aktor na si Diego Loyzaga at Pinoy Big Brother ex-housemate Franki Russell?
Ito marahil ang tanong ng maraming netizens matapos na i-unfollow nila ang isa’t isa sa Instagram.
Noong June 6, 2022 lamang inamin ni Diego na nasa "dating" stage na sila ni Franki.
Kuwento ni Diego sa panayam sa kanya sa All Out! ng Rx. 93.1 FM, "I’m a hypocrite. I said I wanted to focus on myself, but I guess, these things you don’t expect it, e. It just really comes along.
"Ever since meeting up with her, hanging out with her, it hasn’t stopped.
"We really did click. So, I would definitely say that we’re dating."
Pero bago ito, inamin na rin niya na lumalabas sila ni Franki pero ayaw niya itong bigyan ng label.
Katwiran niya, “We’ve known each other for ten days, we’re not a thing.
"Who am I to say… I can’t give a label that we’re something right now, na kami na, ganun. I can’t.
"Ang kapal naman ng mukha ko kung sabihin ko kami na, di ba?
"I haven’t even asked her. We’ve just been seeing each other.”
Read: Diego Loyzaga denies relationship with Franki Russell: “I just want to be single for now.”
Bunsod nito, sinabihan siya ng ilang netizens na ang bilis daw niyang magpalit ng babae na parang nagpalit lamang ng damit.
Sarkastikong buwelta ni Diego sa mga kritiko (published as is), "alangan naman wag ako magpalit ng damit? Same brief, isang taon ba dapat? Butas butas na siguro mga brief mo tol [face with peeking eye emoji]"
Read: Diego Loyzaga reacts to “ang bilis magpalit” comment
Unang napansin ng publiko sina Diego at Franki na magkasama sa isang resort noong May 2022.
May mga larawan din silang magkaakbay at magkalapit ang mga mukha.
Lalong naging tampok ng espekulasyon ang uganayan ng dalawa dahil sa madamdaming birthday message ni Franki noong ika-27 kaarawan ni Diego noong May 21, 2022.
Mensahe ni Franki kay Diego noon: "Happy birthday @diegoloyzaga you have the biggest heart and everyone around you is so lucky to have someone like you in their life. 27 ain’t ready for you papi."