Dennis Padilla posts thank you note to other children who greeted him on Father’s Day

by Arniel C. Serato
A day ago
Dennis Padilla appreciation posts for other children
After his reported sentiments about some children forgetting to greet him on Father's Day, Dennis Padilla posts thank-you messages for those who actually remembered him. Seen here is a throwback photo of him with Luis and Dianne (left), his children from ex-partner Monina Gatus. Gavin and Maddie (right) are Dennis's children with current partner Linda Gorton.
PHOTO/S: Courtesy: @dennisastig on Instagram

Nakalimutan man ng iba pa niyang anak, mukhang masaya na rin si Dennis Padilla sa pagdiriwang niya ng Father’s Day noong Linggo, June 19, 2022, dahil ang apat niyang anak sa iba pang babae ay hindi naman nakalimutang batiin siya.

Sa Instagram, ibinahagi ni Dennis kagabi, June 22, ang mga pasasalamat niya sa apat na anak na pinapahalagahan ang kanyang pagiging ama sa kanila.

Una niyang ipinost ang mga larawan nina Gavin at Maddie Padilla, mga anak niya sa kasalukuyang partner na si Linda Gorton.

Sabi ni Dennis (published as is), “Gavin and Maddie... Miss you both... Ty sa father's day greetings... Love you mga anak [praying hands, heart emojis]”

Kasunod nito ay ang handwritten card na sinulat ni Maddie.

Nakalagay dito: “Happy Father’s Day, you'r[e] the best papa in the whole wide world.”

Mensahe ni Dennis kay Maddie, “Love you Maddie... Ty sa greetings [praying hands, heart emojis]”

Nag-post din si Dennis ng lumang larawan niya kasama ang panganay at ikalawang anak niya sa dating partner na si Monina Gatus: sina Diane at Luis Padilla.

Continue reading below ↓

Sabi niya sa mga anak (published as is), “dianegbalmes @luweezyyyy salamat sa father's day greetings nyo... Love you mga anak [praying hands, heart emojis]”

DENNIS ON JULIA, CLAUDIA, AND LEON FORGETTING TO GREET HIM

Lumikha ng ingay kahapon, June 22, ang pag-post ni Dennis ng mensahe sa Instagram na tila nagsasabing siya ay nagtatampo sa mga anak niya sa dating partner na si Marjorie Barretto.

Unang ibinahagi ng komedyante ang lumang larawan nila ng anak na lalaki na si Leon Barretto.

Sabi ni Dennis sa caption: “Leon… You forgot to greet me last sunday … hehe… Love you ingat… [praying hands, heart emojis]”

Dennis Padilla's deleted posts about Julia, Claudia, and Leon Barretto forgetting him on Father's Day

Continue reading below ↓

Kasunod nito ang mensahe naman ni Dennis sa dalawang babaeng anak na sina Julia at Claudia Barretto.

Sabi niya, kalakip ng larawan nina Julia at Claudia: “Miss you both… You forgot to greet me last Sunday… Hehe! Love you… God bless you more [praying hands, heart emojis]”

Dennis Padilla's deleted posts about Julia, Claudia, and Leon Barretto forgetting him on Father's Day

Read: Dennis Padilla laments not getting Father’s Day greeting from children Julia, Claudia, Leon

Continue reading below ↓

Ngunit, binura agad ni Dennis ang pahaging kina Julia, Claudia, at Leon Barretto.

Wala pang balita kung nakarating na ito sa mga anak at kung nagkausap na sila.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After his reported sentiments about some children forgetting to greet him on Father's Day, Dennis Padilla posts thank-you messages for those who actually remembered him. Seen here is a throwback photo of him with Luis and Dianne (left), his children from ex-partner Monina Gatus. Gavin and Maddie (right) are Dennis's children with current partner Linda Gorton.
PHOTO/S: Courtesy: @dennisastig on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results