Watch Now

Ruffa Gutierrez’s kids, Yilmaz Bektas exchange emotional farewell; Yilmaz’s other daughter grateful to Pinoy fans

by Bernie V. Franco
Jun 23, 2022
yilmaz bektas lorin venice ilknaz
Yilmaz Bektas hugs daughters Lorin and Venice (left photo) before their flight back home to the Philippines in time for their mom Ruffa Gutierrez's birthday. Yilmaz's other daughter Ilknaz Lauren Bektas (right photo) thanks Pinoy fans for their kindness.
PHOTO/S: @iloveruffag, @ilknazlaurenart on Instagram

Naging madamdamin ang pamamaalam ng mga anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice sa ama nilang si Yilmaz Bektas.

Ang mga anak ni Ruffa sa ex-husband na si Yilmaz ay nagtungo sa Istanbul, Turkiye halos dalawang linggo ang nakalilipas para makasama ang kanilang Turkish father.

Related article: Ex-husband ni Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas, muling nakapiling ang mga anak na sina Lorin at Venice

Ito rin ang reunion ng mag-aama matapos ang labinlimang taon na hindi pagkikita.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Ruffa ang short video ng paghatid sa airport at pamamaalam ni Yilmaz kina Lorin at Venice.

Kasama rin nila ang isa pang anak ni Yilmaz na si Ilknaz Lauren Bektas.

Sa kanyang caption, pinasalamatan pa ni Ruffa si Yilmaz at lahat ng mga umasikaso kina Lorin at Venice sa Istanbul.

Ani Ruffa, 12 days nakasama ng kanyang mga anak ang kanilang ama matapos hindi magkita ng 15 years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makakasama naman ni Ruffa sina Lorin at Venice sa kanyang kaarawan, June 24, 2022.

“I can’t wait to hear all about it when they get home in time for my birthday,” ani Ruffa.

May payo pa si Ruffa sa mga may kagaya niyang sitwasyon,

“Reach out to your estranged loved one today and remember that as long as you’re alive, there’s always hope. May your past no longer block your view of the present.

“To Yilmaz, Annem, Babam, Kesra, Nazo, Handan and to the Bektas family… her ?ey için çok te?ekkür ederim (thank you for everything).”

“Until we are all together again,” post naman ni Lorin, kalakip ang hugging photo nilang mag-aama.

yilmaz bektas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ILKNAZ TO PINOY FANS

Sa pagpunta nina Lorin at Venice sa Istanbul, nagpo-post sila kasama ang kanliang half-sister na si Ilknaz.

Naging interesado naman ang mga Pinoy netizens sa isa pang anak ni Yilmaz.

Bigla ring lumobo ang following sa Instagram ni Ilknaz at maraming Filipino netizens ang mainit siyang tinanggap base sa mga comments sa IG account ng dalaga.

“You are my favorite hello, but my hardest goodbye, caption ni Ilknaz nang i-post ang hugging photo nila nina Lorin, Venice, at ama nilang si Yilmaz.

Kasunod nito, nagpaabot din si Ilknaz ng pasasalamat sa mga Pilipinong ipinaramdam ang mainit na pagtanggap.

Post ni Ilknaz sa Instagram Story: “I would like to express my deepest gratitude for all of the kindness that you’ve shown me.

“Thank you for your supportive and loving heart! [Philippine flag and heart emojis]”

ilknaz lauren bektas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yilmaz Bektas hugs daughters Lorin and Venice (left photo) before their flight back home to the Philippines in time for their mom Ruffa Gutierrez's birthday. Yilmaz's other daughter Ilknaz Lauren Bektas (right photo) thanks Pinoy fans for their kindness.
PHOTO/S: @iloveruffag, @ilknazlaurenart on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results