Vhong Navarro ribs Ruffa Gutierrez about ex-boyfriend John Lloyd Cruz

by Rachelle Siazon
Jun 24, 2022
Ruffa Gutierrez, John Lloyd Cruz
Ruffa Gutierrez to ex-boyfriend John Lloyd Cruz: "Hello, JL! I hope you're happy!"
PHOTO/S: It's Showtime / @johnlloydcruztm Instagram

Hindi napigilan ni Vhong Navarro na tuksuhin si Ruffa Gutierrez sa ex-boyfriend nitong si John Lloyd Cruz.

Read: A lookback: The women John Lloyd Cruz loved before

Sa live telecast ng It's Showtime ngayong Biyernes, June 24, 2022, ipinagdiwang ni Ruffa ang kanyang ika-48 kaarawan.

Si Ruffa ay isa sa mga hurado sa segment na "Sexy Babe," habang si Vhong ay isa sa main hosts ng noontime Kapamilya noontime show.

Hirit ni Vhong, "Dahil birthday mo, Ruffa, may babatiin din ako na nagbi-birthday din ngayon."

Masiglang tanong ni Ruffa, "Sino?!"

Nakangiting sabi ni Vhong, "Happy birthday kay John Lloyd Cruz!"

Si John Lloyd, na nagdiriwang ng ika-39 kaarawan ngayon, ay kilalang ex-boyfriend ni Ruffa.

"Grabe!" napatiling bulalas ni Ruffa.

Sabay nakibati ring sabi ni Ruffa para kay John Lloyd, "Hello! Happy birthday!"

Vhong Navarro, Ruffa Gutierrez, It's Showtime

Hindi naman pinalampas ng It's Showtime co-host na si Ogie Alcasid ang malamang reaksyon ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Usisa ni Ogie, "Teka, Ruffa, bakit ka napa-'grabe' dun?"

Depensa ni Ruffa, "I forgot kasi. Kung di mo lang... Ikaw kasi nagpaalala sa akin Vhong na birthday din ni John Lloyd today."

Kunwa'y palusot ni Vhong, "Kaibigan ko din kasi yun, e. Parang ikaw din, kaibigan ko."

Sang-ayon naman ni Ruffa, "Oo, kaibigan nating lahat. Hello, JL! I hope you're happy!"

Hirit uli ni Vhong, "Yiiii... Happy, happy birthday sa 'yo, Ruffa!"

Vhong Navarro, Ruffa Gutierrez, It's Showtime

JOHN LLOYD AND RUFFA'S PAST RELATIONSHIP

Nagkahulugan ng loob sina John Lloyd at Ruffa nang magkatrabaho sila sa I Love Betty La Fea, ang Pinoy remake ng isang Mexicanovela tampok sina John Lloyd at Bea Alonzo noong 2009.

March 2009 nang maging seryoso ang relasyon ng dalawa, pero inilihim nila ito sa publiko.

Lumabas ang balitang sila na nga nang maiulat sa isang tabloid at sa PEP.ph ang litrato nina John Lloyd at Ruffa nang magbakasyon sila sa Beverly Hills, California noong June 30, 2009.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nanatiling tikom ang bibig ng dalawa hanggang sa matuldukan ang kanilang relasyon noong February 2010.

Sa panayam ng Paparazzi Showbiz Exposed noong November 2011, ibinahagi ni Ruffa na bandang huli ay on-and-off ang relasyon nila ni John Lloyd dahil tutol daw dito ang ABS-CBN management.

Hanggang sa may iba na raw naging karelasyon ang aktor, si Shaina Magdayao.

Read: PART 1. Ruffa Gutierrez explains why her relationship with John Lloyd Cruz ended

BACK ON GOOD TERMS

Sa kabila ng mga kinasangkutang kontrobersiya, minsang nasabi ni Ruffa na maayos sila ni John Lloyd.

"Ano naman, 'Hi, hello.' I see him naman, okay siya," sabi ni Ruffa sa Gandang Gabi Vice noong February 2020.

Noong panahong iyon ay naka-save pa raw ang number ni John Lloyd sa mobile phone ni Ruffa, at isang beses sa isang taon ay nagkakapalitan daw sila ng mensahe.

"Minsan siya, minsan ako. Siyempre pag nagti-text siya, sasagot ako. Kung mag-text ako, sasagot naman siya."

Sa ngayon ay tila parehong masaya sa kani-kanilang love life sina John Lloyd at Ruffa.

Si Ruffa ay may "mature relationship" sa dating House Arrest of Us co-star na si Herbert Bautista, habang si John Lloyd ay nauugnay sa artist na si Isabel Santos.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez to ex-boyfriend John Lloyd Cruz: "Hello, JL! I hope you're happy!"
PHOTO/S: It's Showtime / @johnlloydcruztm Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results