James Reid reacts to viral video of him kissing guy friend on the cheek

by Melba R. Llanera
Jun 24, 2022
James Reid, James Thomas
"That was my business partner, his name is also James, James Thomas. I was just, like, messing around, having fun. Brotherly love, ayun."
PHOTO/S: @james Instagram / CTTO

Hindi big deal kay James Reid ang viral video kunsaan hinalikan niya sa pisngi ang kaibigang lalaki.

READ: James Reid details how he got Liza Soberano as his talent

Pabiro ring ginantihan ang aktor ng smack sa pisngi ng kaibigan niya.

Nang kumalat ang video sa social media, may ibang netizens ang nagbigay-malisya sa kulitan ng dalawa.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni James na tinawanan lang niya ang isyu.

Aniya, "That was my business partner, his name is also James, James Thomas.

"I was just, like, messing around, having fun. Brotherly love, ayun."

Ano ang reaksiyon niya sa netizens na inisipan ng iba ang viral video?

Sagot ni James, "When I saw all the comments? It's the same old stuff. People like to take something out of context and make it look like something else.

"I thought it was hilarious."

ON BEING LINKED TO LIZA SOBERANO

Pinabulaanan din ni James ang pang-iintriga sa kanila ni Liza Soberano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkaroon kasi ng balitang break na si Liza at boyfriend na si Enrique Gil nang makitang nasa U.S. si Liza habang si Enrique ay kasama ng pamilya nito sa Spain noong Mayo.

Si James ang itinurong dahilan umano ng breakup dahil lamang magkasama sila ni Liza sa ilang Hollywood events sa Los Angeles, California.

"No, no, it's not the case," mariing tanggi ni James.

Sabi pa ni James, magkatrabaho lamang sila ni Liza.

Una nang ibinahagi ni Liza sa PEP.ph na pareho sila ng nobyong si Enrique na kinausap ni James para maging artist ng Careless Music.

Ang Careless Music ay music label at talent management na co-owned ni James.

Pero si Liza lamang ang lumipat sa Careless dahil may kontrata pa si Enrique sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Pero totoo bang posible pa ring sumunod si Enrique sa Careless?

Sagot ni James, "I don't think it's something I can discuss right now but we have been speaking to Enrique as well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I'd rather wait when everything is confirmed."

JAMES SAYS HE'S STILL SINGLE

Sa huli, tinanong si James kung may bago na ba siyang ng girlfriend.

Huli niyang nakarelasyon si Nadine Lustre, at noon pang huling bahagi ng December 2019 nang maghiwalay sila.

Sabi ni James sa status niya ngayon: "No, I'm really enjoying being single.

"I'm focusing on my career, and I'm also learning who I am along the way."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"That was my business partner, his name is also James, James Thomas. I was just, like, messing around, having fun. Brotherly love, ayun."
PHOTO/S: @james Instagram / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results