Barbie Imperial still keeps letters from ex-boyfriend Diego Loyzaga

by Rachelle Siazon
Jun 25, 2022
Barbie Imperial, Diego Loyzaga
Six months after their breakup, Barbie Imperial shows that she still has some letters and dried flowers given by Diego Loyzaga.
PHOTO/S: @msbarbieimperial Instagram / @diegoloyzaga Instagram

Hindi nailang si Barbie Imperial, 23, na ipakita ang ilang keepsakes mula sa ex-boyfriend na si Diego Loyzaga, 27.

Sa bedroom tour niya sa kanyang YouTube channel, inamin ni Barbie na hindi niya itinapon ang memory box na puno ng mga liham na natanggap mula kay Diego.

"Meron akong box dito. Ay, nandito pa pala 'to! Char!" kunwa'y nasorpresang sabi ni Barbie nang dukutin ang box sa cabinet malapit sa kanyang kama.

Sabay pag-amin niya, "Mahilig kasi ako mag keep ng notes galing sa loved ones ko.

"So, etong box na ito, mga letters from Diego before, mga flowers din na bigay niya sa akin."

Barbie Imperial

Continue reading below ↓

Napabuntung-hiningang sabi pa ng dalaga, "Hay naku, Diego..."

Natawa na lang si Barbie sa sariling reaksiyon, "Kinausap. Nanawagan."

Bago pa mag-isip ng kung ano ang kanyang viewers, may inihayag na disclaimer si Barbie na maayos ang hiwalayan nila ni Diego.

"Tsaka wala namang bad blood. So memories, di ba?

"Tsaka huwag feeling special [si Diego] kasi marami pa akong ibang ganito [memory box]. Hahaha! Joke lang, Diego!"

Naka-display naman sa ibabaw ng cabinet niya ang isang stuffed toy na Eric Cartman, isa sa karakter sa animated sitcom na South Park.

Ani Barbie, "Gift ito sa akin ni Diego, e, pero di ko ito itatapaon kasi favorite ko talaga si Cartman."

Barbie Imperial

Continue reading below ↓

Marami pang ibang pabirong hugot si Barbie tungkol sa breakup nila ni Diego, pero nilinaw niyang "masaya" na siya sa kanyang buhay ngayon.

Umabot ng isang taon ang relasyon ng dalawa bago sila naghiwalay ilang araw matapos ang kanilang anniversary noong December 2021.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Six months after their breakup, Barbie Imperial shows that she still has some letters and dried flowers given by Diego Loyzaga.
PHOTO/S: @msbarbieimperial Instagram / @diegoloyzaga Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results