Rita Daniela confirms pregnancy

by Jojo Gabinete
Jun 26, 2022
rita daniela pregnant
Kapuso singer-actress Rita Daniela confirms reports that she is pregnant during the June 26 episode of All-Out Sundays.
PHOTO/S: GMA Network

Pumatak ang luha ni Rita Daniela nang aminin nito ang kanyang pagbubuntis.

Ginawa ng Kapuso singer-actress ang announcement sa "Queendom" segment ng All-Out Sundays ngayong Linggo ng tanghali, June 26, 2022.

Read: Rita Daniela, may "life-changing revelation" sa All-Out Sundays

Ayon kay Rita, wala sa balak niyang ilihim ang kanyang kalagayan pero naghintay lamang siya ng wastong panahon.

“I am so, so happy and proud to say that I’m soon to be a mother. Happy Mother’s Day to me.

“Wala naman po akong planong ilihim ito. I just… naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life,” napaluhang rebelasyon ni Rita.

Lubos ang pasasalamat ni Rita sa home network niya na buong-buo ang suporta sa kanya.

“Thank you so much All-Out Sundays family and, of course, GMA Network for supporting me and for loving me.

“Akalain mo yung, di ba, nagsimula ako dito sa GMA? I was just 10 years old and now, soon I will have a ten years old also and dito na talaga ako.

Continue reading below ↓

“Yung journey sa buhay ko, talagang nagsimula sa GMA. Maraming-maraming salamat GMA Network,” ani Rita.

Nag-umpisa ang showbiz career ni Rita nang sumali siya at tanghaling grand champion ng Popstar Kids, ang singing competition na napanood sa defunct TV network na QTV mula November 2005 hanggang July 2007.

Si Julie Anne San Jose ang isa sa mga katunggali ni Rita sa Popstar Kids, at kapwa sila nagkaroon ng successful showbiz career nang magdalaga sila.

Nagbigay ng mensahe si Julie Anne para kay Rita at nangakong susuportahan niya ang bagong kabanata sa buhay ng kanyang kaibigan.

Sabi ni Julie Anne, “Rita, alam mo actually, nagulat kaming lahat. Talaga ba?

"We’re so, so very, very happy for you and we’re very, very proud of you.

“We all know that you’re going to be a great mother and palagi lang kaming nandito para sa 'yo.

"Kung may kailangan ka, nandito lang kami and, of course, gusto lang namin na maging masaya ka so we support you.

Continue reading below ↓

"We support your happiness and your baby."

Ang pagbubuntis lamang ang isiniwalat ni Rita sa publiko dahil hindi niya sinabi ang pangalan ng ama ng sanggol na kanyang dinadala at kung kailan siya magsisilang.

“Masaya. I am super happy and proud. At least I can wear na the dress that I want to wear at hindi ko na kailangan… you know.

"I’m so happy. Ang sarap sabihin,” dagdag na pahayag ni Rita sa backstage ng All-Out Sundays pagkatapos ng kanyang rebelasyon.

Mapapansing magandang-maganda ngayon si Rita kaya marami ang nagsasabing baka babae ang kasarian ng sanggol na kanyang ipinagbubuntis.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso singer-actress Rita Daniela confirms reports that she is pregnant during the June 26 episode of All-Out Sundays.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results