Watch Now

Marjorie Barretto hopes ex-husband Dennis Padilla will protect their children at all times

by Bernie V. Franco
Jun 27, 2022
marj barretto dennis padilla
Marjorie Barretto has a brief reaction about ex-husband Dennis Padilla's issue with their kids. Dennis recently took to social media about not getting Father's Day greeting from Julia, Claudia, and Leon.
PHOTO/S: @marjbarretto and @dennisastig on Instagram

May reaksiyon si Marjorie Barretto kaugnay ng isyung kinasasangkutan ng kanyang ex-husband na si Dennis Padilla at ng kanilang tatlong anak.

Ang anak nina Marjorie at Dennis ay sina Julia, 25, Claudia, 22, at Leon, 19.

Kahapon, June 26, 2022, isang open letter ang ipinost ni Leon sa Instagram bilang sagot sa posts ni Dennis tungkol sa hindi pagbati sa kanya ng mga anak nila ni Marjorie noong Father’s Day.

Sa kanyang open letter, kinastigo ni Leon ang ama dahil idinadaan daw nito sa presscons, interview, at social media ang dapat sana'y usapang pamilya.

Pero bago pa man gawin ni Leon ang kanyang open letter, may maiksing reaksiyon na si Marjorie na ibinahagi ni Ogie Diaz.

MARJORIE'S REACTION

Tinalakay ni Ogie sa kanyang vlog ang isyu ni Dennis at ng mga anak nito noong June 24, 2022.

Binanggit ni Ogie na nakausap niya si Marjorie at nagbigay ito ng reaksiyon kaugnay ng isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Ogie, “In time o darating din yung oras, o yung panahon na magsasalita rin siya [Marjorie] para mas maintindihan ng mga tao ang totoong sitwasyon.

“At umaasa rin si Marjorie na poproteksiunan pa rin ni Dennis ang kanilang mga anak sa lahat ng pagkakataon.”

Two days after, naglabas ng open letter si Leon.

Pagkastigo ni Leon kay Dennis: "Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public?

"Why do you keep posting cryptic posts about us and allow people to bash us on your own Instagram page?”

Pakiusap pa ni Leon sa ama, huwag itong mag-resort sa “public shaming” sa kanilang magkakapatid kapag hindi raw nasusunod ang gusto ni Dennis.

Sa tuwing makikipag-usap daw silang magkakapatid sa ama para maresolbahan ang kanilang mga isyu, idinadaan daw ito ni Dennis sa “shouting, cursing, and using hurtful words that traumatize us.”

Kinuwestiyon din ni Leon ang ama kung mas importante ba sa kanya ang “public sympathy” kesa sa mga anak niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasasaktan din daw ang kanyang mga kapatid na babae dahil sa “false narratives” ni Dennis.

Makalipas ang ilang oras ay nag-post si Dennis sa Instagram para humingi ng sorry kay Leon.

Bahagi pa ng kanyang post, “Miss ko lang kyo.”

Pero tanong niya kay Leon: “Just want to know what false narrative I said in public? I been reaching out to all of your for 15years in private.”

Sa kabilang banda, burado na ang post ni Dennis na mensahe kina Julia at Claudia na nakalimutan siyang batiin ng dalawa noong Father’s Day.

Bukod sa post ni Leon, walang reaksiyon sa kanilang social media accounts sina Marjorie, Julia, at Claudia, kaugnay ng isyu kay Dennis.

Mixed naman ang reactions ng netizens sa isyu ng mag-aama.

Nabatikos ang magkakapatid sa hindi nila pagbati sa amang si Dennis.

Ang iba, pinuna rin si Julia na nakapag-post daw ng Father’s Day greeting para sa boyfriend niyang si Gerald Anderson noong June 19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay ang pagiging “ama” ni Gerald sa kanyang mga alagang aso.

julia barretto gerald anderson

Marami naman ang kumastigo kay Dennis na idinadaan sa social media ang isyu nilang mag-aama dahilan para raw lalong ma-bash ang kanyang mga anak.

Samantala, ngayong June 27, isang handwritten letter ang ipinost ni Dennis kaugnay ng kanyang pagiging ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahihinuhang mensahe niya ito para sa kanyang mga anak kay Marjorie.

Sa kabuuan, sinabi ni Dennis na ang gusto lamang niya ay magkaroon siya ng oras para sa kanyang mga anak.

Read: Dennis Padilla writes open letter addressing conflict with Barretto children

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marjorie Barretto has a brief reaction about ex-husband Dennis Padilla's issue with their kids. Dennis recently took to social media about not getting Father's Day greeting from Julia, Claudia, and Leon.
PHOTO/S: @marjbarretto and @dennisastig on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results