Watch Now

Nadine Lustre no problem working with James Reid; happy with current beau

by Melba R. Llanera
Jun 28, 2022
Nadine Lustre, James Reid
Nadine Lustre on being part of Careless Music owned by ex-boyfriend James Reid: "I think that everything that we're planning for is finally happening. Kasi before, it started as a dream, but now it's flourishing."
PHOTO/S: Mike Gella (Nadine and James at Careless trade launch) / @nadine Instagram

Nauwi man sa hiwalayan ang relasyong James Reid at Nadine Lustre, na ikinalungkot nang husto ng JaDine fans, bukas pa rin ang aktres na magkapareha muli sila ng ex-bofriend sa isang acting project.

Ilan sa mga pelikulang pinagtambalan ng dalawa ay ang Diary Ng Panget, Talk Back And You're Dead, This Time, at Never Not Love You. Nagtambal din sila sa defunct Kapamilya prime-time series na On The Wings Of Love at Till I Met You.

"Let's see what will happen. Kami naman, we're very collaborative, so let's see," saad ni Nadine sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa trade launch ng Careless Music noong June 21, 2022.

Ang Careless Music ay ang music label at talent management company na pag-aari ni James Reid.

Si Nadine ay isa sa pioneer talents ng Careless.

Sabi pa niya sa trabaho nila ni James, "I mean, we're working together now, so yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Let's see. Hindi ko kayang magsalita nang patapos because there are so many possibilities."

Bilang isa sa mga naunang artist ng Careless Music, itinuturing ni Nadine na achievement na makitang lumalago ang roster of talents ng kumpanyang kasama siya sa nagbuo.

"I think that everything that we're planning for is finally happening. Kasi before, it started as a dream, but now it's flourishing.

"We have a lot of new artists, we're gonna have shows soon. It's really just exciting."

Ano ang nais niyang tutukan sa kanyang career?

Sagot ni Nadine, "Definitely music. All of the things I'm passionate about. It's one thing that I enjoy.

"I enjoy performing also, so sana with our events next year and this year, magpe-perform uli kami because I love performing in front of the crowd."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matalinhaga naman ang tinuran ni Nadine nang usisain sa pagiging risk taker niya.

Aniya, "My whole life is a big risk. Everything I am doing is a risk.

"I think what's risky about me is my mindset because I don't like boxing myself in.

"I like doing things that are out of my comfort zone. I would say na yun ang pinaka-risk na nagawa ko. Just doing things that I am not comfortable with."

nadine lustre ON LIZA soberano AND ISSA pressman

Sa kabilang banda, masaya si Nadine na nadagdag sa pamilya ng Careless Music sina Liza Soberano at Issa Pressman.

"I'm really excited to see where this is gonna take us. Fresh ideas, new experiences, new artists.

"They're both my friends also, so excited ako. I was excited, at least, I know that another artist is kind of taking charge of her career, I guess.

"And wanting to be committed, and wanting do all the projects she wants to do and she's taking control. It's pretty interesting," saad ni Nadine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong si Nadine kung nagsabi ba sa kanya si Liza sa desisyon nitong paglipat sa Careless Music.

May pinagsamahan kasing proyekto ang dalawa para sa isang online platform na naglalayong magsulong ng mental health.

Sabi ni Nadine, "Not really because when Liza came in kasi on the team, I wasn't really around much because I was always in Siargao.

"I'm not really sure how that happened but I am so glad that we're all here together."

Careless Music

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NADINE'S NON-SHOWBIZ BOYFRIEND

Nang kumustahin ng PEP.ph ang relasyon nila ng foreigner businessman boyfriend na si Christophe Bariou, sinabi ni Nadine na masaya siya ngayon sa estado ng puso niya.

"I'm good, I'm happy. It's different.

"I wouldn't say mas okay or mas di okay, but it's different," simpleng saad niya.

Nadine Luste, Christopher Bariou

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Madalas na nasa Siargao si Nadine kasama ang kasintahan na may pag-aaring restaurant sa nasabing probinsiya.

Nang kumustahin ang lagay ng lugar pagkatapos nitong sirain ng bagyong Odette nung 2021, sinabi ni Nadine na paunti-unti ay nakakabangon na ito.

"Getting better, but I wouldn't say it was completely restored.

"Marami na uling tourists ang nagpupunta which is good. A lot of resorts, restaurants are still destroyed, so slowly bumabangon."

ON MENTAL HEALTH

Natanong din si Nadine kung ano ang mapapayo niya sa ibang tao para magkaroon ng kapayapaan sa sarili.

"Be kind to yourself. Take care of yourself. That's one of the things that people forget.

"Because there are so many things that we are working on, so many things that we're doing that we kinda forget to take care of ourselves. It's easy to have a one day break in a week and just do things you love doing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Spend time with yourself. You know, take yourself out on a date. It's okay if you're alone. It doesn't matter as long as you are enjoying your own company."

on having her own PLANT SHOP

Sa ngayon ay abala rin si Nadine sa plant shop business na pinapatakbo ng kanyang ina.

Ayon sa aktres ay mahilig talaga siya sa paghahalaman noon pa man.

"Yeah, it's fun. It's really something I love doing. I love plants. I'm very passionate about the environment also.

"So, ang hirap kasi bago [sa business], e. Medyo may challenges when working in business, but slowly learning so okay naman," sabi ni Nadine.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Lustre on being part of Careless Music owned by ex-boyfriend James Reid: "I think that everything that we're planning for is finally happening. Kasi before, it started as a dream, but now it's flourishing."
PHOTO/S: Mike Gella (Nadine and James at Careless trade launch) / @nadine Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results