Watch Now

Claire Castro defends sister Raffa against malicious comment of basher

by Arniel C. Serato
Jun 28, 2022
Claire Castro defend sister Raffa against rude basher
Kapuso star Claire Castro (left) confronts rude basher over nasty comments about her younger sister Raffa Castro (right) and Joaquin Domagoso (center). It has been confirmed that Raffa ang Joaquin are now parents to a two-month-old baby boy.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Hindi pinalampas ng Kapuso actress na si Claire Castro ang below-the-belt comments ng isang basher sa nakababatang kapatid niya na si Raffa Castro.

Laman ng balita ngayon si Raffa dahil sa kumpirmasyong siya ang ina ng two-month-old son ni Joaquin Domagoso, anak ni outgoing Manila Mayor Isko Moreno.

Read: Joaquin Domagoso, may two-month-old son na sa kapatid ni Claire Castro

Sa Instagram kahapon, June 27, 2022, nag-post si Raffa ng larawan niya na nasa loob ng kotse.

Nakalagay sa caption: “Addicted to car selfies [ok hand emoji]”

View this post on Instagram

A post shared by Raffa Castro (@elluhh.bear)

Allowed ang comments sa Instagram posts ni Raffa kahit lumabas na ang balita tungkol sa kanila ni Joaquin.

Isang bastos na netizen, na hindi tiyak kung ano ang kasarian, ang nagkomento ng malalaswang salita tungkol kina Raffa at Joaquin.

Claire Castro defends sister Raffa from rude basher

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Claire Castro defends sister Raffa from rude basher

Hindi ito nakalusot sa kapatid ni Raffa na si Claire.

Buwelta ng Kapuso actress sa basher: “Bastos ka”

Claire Castro defends sister Raffa from rude basher

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman sumagot dito si Raffa.

Kahapon, inilabas ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang ilang detalye ukol sa pagkakaroon ng baby nina Raffa at Joaquin.

Unang naging laman ito ng blind item sa Cabinet Files noong January 27, 2022.

Nakasaad sa istorya na may isang young actor na nabuntis ang kanyang girlfriend na kapatid ng isang aktres, at magiging ganap na ama ang young actor sa April 2022.

Read: Young actor, nabuntis ang girlfriend na kapatid ng isang aktres

Pagkalipas ng limang buwan, pinangalanan na ang mga karakter sa istorya—sina Joaquin at Raffa.

Sina Raffa at Claire ay mga anak ng actor-turned-broadcaster na si Diego Castro.

Isinilang ni Raffa ang anak nila ni Joaquin na si Scott Angelo Domagoso sa FEU Medical Center, Quezon City, noong April 28, 2022.

Hanggang ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ng dalawa ukol dito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso star Claire Castro (left) confronts rude basher over nasty comments about her younger sister Raffa Castro (right) and Joaquin Domagoso (center). It has been confirmed that Raffa ang Joaquin are now parents to a two-month-old baby boy.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results