Kelley Day slams basher who called her "kabit": "Pls let me heal in peace."

by Bernie V. Franco
Jun 28, 2022
kelley Day
Kapuso celebrity Kelley Day cries foul after a basher called her "kabit." She also slammed bashers who continue to believe "unreliable chismosa columnists" for their information.
PHOTO/S: @itskelleyday on Instagram

Inalmahan ng actress-beauty queen na si Kelley Day ang patuloy na pagdadawit sa kanya sa kontrobersiya.

Tinawag na “kabit” ng isang basher si Kelley, dahilan para mag-react ang Kapuso actress sa dating isyung kinasangkutan.

Hindi nagbigay ng detalye si Kelley tungkol sa sinasabing isyu, pero pinagbintangan siya na diumano’y third party sa hiwalayang Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Mariing itinanggi ni Kelley ang akusasyon at sinisi ang veteran entertainment columnist na si Cristy Fermin dahil daw sa blind item nitong malinaw na tinutukoy si Kelley bilang third party sa isyu nina Tom at Carla.

“The blind item of Cristy Fermin was directed at me," saad ni Kelley sa isang online interview noong March 2022.

Nagkatrabaho sina Tom at Kelley sa The World Between Us na umere sa GMA-7 noong July 2021-January 2022.

Related article: Kelley Day on being alleged third party in Carla Abellana-Tom Rodriguez marital issue: "Tom messaged me."

Continue reading below ↓

KELLEY DAY BLASTS “BRAINWASHED BASHERS”

Recently, nag-post si Kelley kung sana inamin niyang nagkaroon siya ng mental health issue.

Noong June 12, 2022, isang mahabang post ang ginawa ng aktres ukol sa pinagdaanang “fear/panic/anxiety, adjustment disorder.”

Ibinahagi ni Kelley na halos hindi na niya kayanin ang pinagdaanang “mental illness” kaya’t humingi siya ng professional help.

Gusto raw niyang ibahagi ang kanyang karanasan para makatulong sa sinumang may ganito ring pinagdadaanan.

Kamakailan ay isang basher ang nagkomento sa IG post na ito ni Kelley.

Malinaw ring kinukutya ng basher ang pinagdadaanan ni Kelley.

Komento ng basher: “Mahirap talaga maging kabet. Kaya mo yaaan [fire emoji]”

Ipinagtanggol ng ibang netizens si Kelley pero nagkomento pa ang basher na “dasurvvvv” [deserve] daw ni Kelley ang pinagdaraanan nito.

Nag-react dito si Kelley ngayong Martes, June 28, 2022.

Ipinost niya sa IG Story ang screenshot ng kanyang IG post na sakop ang komento ng basher na tinawag siyang "kabet."

Continue reading below ↓

Maanghang ang pinakawalang pahayag ni Kelley laban sa basher at lahat ng mga kagaya nitong naniniwala sa “unreliable chismosa columnists” at hindi sa facts.

Aniya (published as is): “Losing hope for ppl like this… brainwashed bashers who think they know shit but actually have no idea..

“they trust unreliable chismosa columnists, vs. actual facts.”

Ikinalulungkot daw niya ang sinasapit ngayon ng social media na ang pinaniniwalaan ay "fake news."

Wala rin daw kinalaman ang kanyang pinagdaraanan sa dating isyu.

Ani Kelley: “This is a microcosm of our socmed society today, and it’s sad. Hasn’t #fakenews trended enough by now?

“What I’m going thru has no relation that bs. Pls let me heal in peace [face palm]”

ig story

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso celebrity Kelley Day cries foul after a basher called her "kabit." She also slammed bashers who continue to believe "unreliable chismosa columnists" for their information.
PHOTO/S: @itskelleyday on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results