Does Ramon Christopher approve of Paulo Avelino for Janine Gutierrez?

by Melba R. Llanera
Jun 29, 2022
Ramon Christopher de Leon, Janine Gutierrez, Paulo Avelino
Ramon Christopher on daughter Janine Gutierrez being linked to Paulo Avelino: "Sila naman, they are of the right age. Kung saan sila happy, happy na rin ako."
PHOTO/S: Janine Gutierrez YouTube / Instagram

May tiwala si Ramon Christopher na kaya ng anak na si Janine Gutierrez ang sarili pagdating sa usaping pag-ibig.

Hindi kaila na nauugnay si Janine sa Ngayon Kaya leading man nitong si Paulo Avelino, at tila suportado ni Ramon Christopher sakaling magkarelasyon nga ang dalawa.

Dumalo si Ramon Christopher sa premere night ng Ngayon Kaya sa Cinema 1 ng SM Megamall noong June 21, 2022.

Dito tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung boto siya kay Paulo para sa anak.

"Sila naman, they are of the right age. Kung saan sila happy, happy na rin ako," bungad ni Ramon Christopher.

Natutuwa raw siyang bukas ang anak pagdating sa love life nito, pero aniya, "Hindi ko pinanghihimasukan yung mga love-love na iyan."

Ang mahalaga raw sa kanya ay basta alagaan ang kanyang anak.

Tinanong din ng PEP.ph si Ramon Christopher kung pormal na bang naipakilala sa kanya ni Janine si Paulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simpleng sagot niya, "Kilala ko naman si Paulo. Minsan kumakain pa kami sa labas. Very nice, mabait."

RAMON CHRISTOPHER PROUD OF JANINE'S ACHIEVEMENTS

Sa kabilang banda, proud daddy si Ramon Christopher dahil maganda raw ang pagkakagawa ng pelikulang pinagbidahan ng anak.

"Parang nag-aabang ka pa kung may kasunod pa. Baka may sequel ito. Actually, nasabi na sa akin na maganda yung movie," aniya.

Pati ang iba pang achievements ni Janine sa showbiz career nito ay ipinagmalaki rin ng beteranong aktor.

"Very proud, yung mga pinaghirapan niya, yung dedication niya sa trabaho... Magaling, seryoso kasi talaga si Janine pagdating sa trabaho.

"Payo? Mas magaling na sila sa akin, hindi na siguro nila kailangan ng payo. Siguro sa payo, alam na nila what's best to be done."

Minsan nang nabanggit sa isang TV interview ng mga anak na si Ramon Christopher ang tipo ng ama na kahit madaling-araw na, basta kinailangan siya ng mga ito ay agad siyang dumarating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre yun ang role natin, saka ganun talaga ako. Little things—kung ano ang kailangan, kung ano ang kaya ko, ginagawa ko para sa kanila," sabi niya.

Si Ramon Christopher ay 13 taong kasal kay Lotlot de Leon bago sila naghiwalay noong 2004.

Sa kabila nito ay maayos ang co-parenting set-up ng mag-asawa sa kanilang apat na anak na sina Janine, Jessica, Maxine at Diego.

Sina Janine at Diego ay parehong aktibo sa showbiz bilang Kapamilya stars.

READ: The "we are parents first" set-up of Lotlot de Leon and Ramon Christopher

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ramon Christopher on daughter Janine Gutierrez being linked to Paulo Avelino: "Sila naman, they are of the right age. Kung saan sila happy, happy na rin ako."
PHOTO/S: Janine Gutierrez YouTube / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results