Watch Now

Mariel Rodriguez recalls husband Robin Padilla's hardships during election campaign

by Arniel C. Serato
Jun 29, 2022
Mariel Rodriguez assures public not to be "epal" when Senator Robin Padilla assumes post
TV host Mariel Rodriguez on husband Robin Padilla topping the senate race: "My prayer talaga was sana hindi siya madaya. And then, never in our wildest dreams na nag-hope kami, na nag-expect kami na magna-number one siya, so it was really such a surprise.”
PHOTO/S: Courtesy: @marieltpadilla on Instagram

Magsisimula na si Robin Padilla sa kanyang tungkulin bilang halal na mambabatas na bukas, June 30, 2022.

Si Robin ang idineklarang number one senator, na may botong 26.4 milyon, sa katatapos lamang na 2022 national and local elections.

Bago ito, sumalang ang asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez sa PEP Exclusives interview, kasama ang editors at staff writers ng Philippine Entertainment Portal PEP.ph), kahapon, June 28.

Mariel Rodriguez role once Robin Padilla assumes post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito ay nagkuwento ang maybahay ni Robin tungkol sa hirap na dinaanan nila nitong nakaraang kampanya.

Kahit na sikat na artista si Robin, hindi pa rin daw makapaniwala si Mariel na nag-number one ang asawa sa botohan.

Ang tanging dasal lamang daw nila ay huwag itong madaya at makapasok sa Magic 12.

“You know, I was in the airplane. Kasi right after voting, pinalipad na kami, pumunta na kami sa Spain," kuwento ni Mariel tungkol sa pagpasok ng mga boto, gabi ng May 9.

“So, I was in the plane, so many people are messaging me, that Robin was number one.

“Alam mo, ganun pala yun, yung mapapaiyak ka talaga, as in para akong sira-ulo sa plane, umiiyak ako.

“Because I was just so happy and so touched. I mean, my thinking was, ang prayers ko lang was huwag madaya si Robin.

"Kasi, alam ko naman na mahal siya ng tao, alam ko 'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“My prayer talaga was sana hindi siya madaya.

"And then, never in our wildest dreams na nag-hope kami, na nag-expect kami na magna-number one siya.

"So, it was really such a surprise.”

Nag-alala rin daw sila sa mga unang bugso ng surveys dahil nasa malayong puwesto ang asawa.

Saad ni Mariel, “You know, ha, when we started, wala kami sa survey, ha, nasa 20-plus kami.

"Kung noong 2019 siya tumakbo, ang taas, ang ganda na ng number niya sa survey. Ito, nag-start kami nasa 20-plus kami, talagang ginapang namin yun.”

LACK OF FUNDS, RESOURCES, STAFF

Hirap din sila pagdating sa pondo at mga tauhan. Wala raw talaga silang team na magkakabit ng mga tarpaulin at campaign materials.

Lahad ni Mariel, “Oo, wala talaga kaming funds. Meron lang kaming few friends, yung mga endorsements niya, yung mga talagang...

"Meron kaming volunteers, ang dami naming... karamihan sa kanila, volunteers. Kaya yung pagkapanalo ni Robin, kasama na sila doon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Volunteers daw lahat mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga nagkakabit ng campaign posters ng asawa.

Kung bumili naman sila ng tarpaulin ay mangilan-ngilan lamang.

Balik-tanaw pa nito, “Alam mo, pag bumibili kami ng tarpaulin, pailan-ilang piraso lang, never nangyari yung kunyari 100,000 copies.”

Isa rin daw sa mga hirap na dinanas ni Robin ay ang logistics nito. Wala raw kasi itong pondo katulad ng ilang senatoriables na may eroplano o chopper o kayang magrenta ng mga ito at iba pang sasakyan sa mga lugar na kanilang pinupuntahan.

Kuwento ni Mariel, “Sa Mindano yun, parang tatlo o apat na sorties na pupuntahan, sa isa lang si Robin nakapunta because hindi siya umaabot.

“Because siya lang yung nagta-travel by land. Imagine that he couldn’t go to all because... until eventually yung ibang mga kapwa senatoriables pinapasakay na siya.

“Pero nagsimula talaga kami na nagla-land lang siya na hindi siya umabot sa ibang lugar.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natatawa pa niyang kuwento, nag-drive ang asawa mula Maynila papuntang Ilocos Norte para sa kampanya ng UniTeam sa nasabing lugar.

Ang UniTeam ay ang grupo nina President-elect Ferdinand Marcos Jr. at Vice President-elect Sara Duterte.

Aniya, “Even the one in Ilocos, the big one in Ilocos, nung nakita niya si PBBM, kasi pinapunta siya ni VP Sara doon, Robin drove himself.

“People couldn’t believe it, asan na daw yung team niya. Wala siyang team, siya mismo nag-drive sa sarili niya sa Ilocos to be there.”

Wala rin daw driver ang asawa.

Ayon kay Mariel, nitong nakaraang June 16, sa oath taking ng asawa sa Malacañang na pinangasiwaan ni outgoing President Rodrigo Duterte, si Robin pa rin ang nagda-drive ng kanilang sinakyan.

Sabi ni Mariel, “Things have not changed, ha, pero dapat kahit papa'no magkakaroon na ng konting change.

“When we were in Malacañang for his oath taking, feeling ko gulung-gulo yung mga PSG [Presidential Security Group], gulung-gulo yung mga guards, kasi si Robin lang yung nag-drive sa sarili niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Mariel Rodriguez, daughters attend Senator-elect Robin Padilla's oathtaking in Malacañang

DOUBTS ON HUSBAND’S CAPABILITY AS LAWMAKER

Mula nang inanunsiyo ni Robin ang kanyang kandidatura pagkasenador, nagsulputan agad ang mga kritisismo kung ano ang kaya nitong gawin sa Senado.

Pero panigurado ni Mariel, maraming magagawa ang asawa bilang mambabatas.

Aniya, “Iniisip ko na kasama talaga yun. Ang ano ko lang, alam ko kasi gagawa, e. Alam ko gagawa siya, na hindi ako mapapahiya.

“Like right now, so busy, every day, he’s doing all this meeting. Inuupuan niya lahat ng mga kailangan niyang gawin, yung mga deadlines na kailangan niyang i-meet.

“Hindi na siya halos natutulog, kailangan niya basahin. Sobra niyang dedicated.

"So, alam ko na ganyan siya. So, I didn’t doubt na, ‘Sige lang, sabihin niyo lang 'yan, okay lang 'yan kasi gagawa siya, si Robin.’”

Kahit sobrang abala, gumagawa pa rin daw si Robin ng paraan para mapunan ang kulang na oras sa dalawa nilang anak na sina Isabella at Gabriella.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naintindihan daw ito ni Mariel dahil buong pamilya silang nagdesisyon tungkol sa kanyang pagtakbo.

Aniya, “No, no, no, no. Ang lagi naming... ang desisyon na ito, we did as a family. So, alam namin na ganito yung mangyayari.”

“HINDI TAYO EPAL”

Bilang asawa ng isang senador, ang tanging magiging ambag daw ni Mariel sa asawa ay alagaan ang mga anak nila.

Ayaw raw niyang makidagdag pa sa sakit ng ulo ni Robin.

Saad niya, “Alam mo, ang lagi ko lang sinasabing biggest role ko is huwag makidagdag sa sakit ng ulo. Di ba, that is a big role?

“Kasi that alone, meron na siyang peace of mind na alam niya na inaalagan ko yung kids namin, yung family namin, okay?

“At least, hindi ka na nakakadagdag. Kasi every day, ang dami niyang iniisip. Feeling ko, yun yung biggest help that I can give him.

“Kasi wala naman akong alam sa, of course, kung iimbitahan ako, may mga kailangan akong gawin, sasalo ako for him kung kinakailangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero my main role is still, of course, to take care of our family. And it’s one less thing that he has to worry about.”

Pangako pa ni Mariel, hindi siya magiging epal na asawa ng isang pulitiko.

“Hindi tayop epal, ayaw natin 'yan. Pupunta lang tayo pag kailangan tayo doon,” sabi ni Mariel.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV host Mariel Rodriguez on husband Robin Padilla topping the senate race: "My prayer talaga was sana hindi siya madaya. And then, never in our wildest dreams na nag-hope kami, na nag-expect kami na magna-number one siya, so it was really such a surprise.”
PHOTO/S: Courtesy: @marieltpadilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results