Ruru Madrid on relationship with Bianca Umali: “It's not that gusto naming ilihim ito sa mga tao.”

by Arniel C. Serato
Jun 29, 2022
Ruru Madrid opens up about relationship status with Bianca Umali for the first time
Ruru Madrid on Bianca Umali: "Totoo yung sinasabi ng mga tao na bawat... kaunting kibot mo, may masasabi at masasabi sila. It's not that gusto naming ilihim ito sa mga tao. But sometimes, ito na lang yung natitirang bagay for me na maku-consider ko na sa akin lang."
PHOTO/S: Courtesy: @rurumadrid8 on Instagram

Sa unang pagkakataon, naging bukas si Ruru Madrid, 24, na pag-usapan ang tunay na estado ng relasyon niya kay Bianca Umali, 22.

Matagal nang mailap si Ruru, maging si Bianca, na matanong ukol sa kanilang tunay na ugnayan.

Sino nga ba si Bianca sa buhay niya?

“I would consider her bilang isang tao na maraming nagagawa for me,” sabi ni Ruru sa panayam niya para sa "Chika Minute" ng 24 Oras.

Aniya, hindi naging madali ang pinagdadaanan nila ni Bianca dahil pareho silang nasa limelight.

Pahayag ng Lolong star, “It's hard, sobra, sobrang hirap.

"Kasi totoo yung sinasabi ng mga tao na bawat... kaunting kibot mo, may masasabi at masasabi sila.

"It's not that gusto naming ilihim ito sa mga tao. But sometimes, ito na lang yung natitirang bagay for me na maku-consider ko na sa akin lang."

Mahigit tatlong taon nang napapabalitang may relasyon sina Ruru at Bianca.

Noong October 2018, nagpalagay umano sila ng matching rose tattoos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

November 2018 naman, namataan ang dalawang Kapuso stars na nagbakasyon sa Siargao.

Noon namang 2019, may mga lumabas ding video kunsaan nagdu-duet sila ng love songs sa private gatherings kasama ng kanilang malalapit na mga kaibigan.

Noong March 2020, nag-post si Ruru ng litrato kunsaan makikitang sweet sila ni Bianca na magka-holding hands at nakasuot ng matching white sneakers.

Nitong 2021, tinawag pa niya si Bianca sa Instagram na “my-hal.”

Walang sinabing explanation si Ruru sa kanyang comment pero ito ay mukhang word play sa mga salitang “my” at “mahal.”

Read: Ruru Madrid calling Bianca Umali "my-hal" brings kilig to Instagram followers

“NA-OVERWHELM AKO”

Dagdag pa sa ulat, may dinaanan ding pagsubok si Ruru sa kanyang karera dahil halos hindi natuloy ang malalaki sana niyang proyekto nitong mga nagdaang taon.

Pag-amin niya, lumaki kasi ang ulo niya.

Dahil daw sa pangyayari, natuto siyang magpakumbaba.

Kuwento pa niya sa panayam ni Nelson Canlas ng GMA News, “Palo rin siya sa akin, e, na lumaki ang ulo ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"When I was doing Encantadia, I felt na wala nang makakapigil sa akin.

“Everyone was saying na, 'You're gonna be the next Dingdong Dantes.'

“Feeling ko kasi noong mga panahon na yun, lahat nabigay sa akin. Yung mga pangarap ko dati, sabay-sabay siyang nangyari sa isang moment.

"Na-overwhelm ako.”

Sa July 4, mapapanood na ang pinagbibidahan niyang action-adventure na Lolong pagkatapos ng 24 Oras.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid on Bianca Umali: "Totoo yung sinasabi ng mga tao na bawat... kaunting kibot mo, may masasabi at masasabi sila. It's not that gusto naming ilihim ito sa mga tao. But sometimes, ito na lang yung natitirang bagay for me na maku-consider ko na sa akin lang."
PHOTO/S: Courtesy: @rurumadrid8 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results