Sharon Cuneta teaches daughter Frankie the value of hard work

by Archie de Calma
Mar 10, 2008
"Gusto niya, magkaroon na siya agad ng guitar na talagang gusto niya. Sabi ko, if that's the case, she should learn how to acquire it through her means. I want them to value the money that we, their parents, are working hard for, " explains Sharon Cuneta on why her daughter Frankie (inset) thought of selling turon and banana cue at the Senate.

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kagustuhan ni Sharon Cuneta na maging regular student. Kapag natapos niya ang Associate in Arts degree niya sa University of the Philippines, pursigido siyang mag-aral muli.



"Alam kong kaya ko, and I'm determined," sabi pa ni Sharon. "I love going to school. Gaya itong course ko, required kami in some instances to go to the classroom.



"Hindi lang ito puro modules, pero may time na kailangang may interaction din with some students. Doon ko naramdaman na mas gusto kong subukan ang maging regular student.



NOT EASY. "Some people think na mas madali ang maging gaya ko, sumasagot lang sa modules. You can even ask the regular UP students who are taking up the same course, mas mahirap yung mga pinapagawa sa amin.



"We are required to read different books. Minsan, literary classics pa na kailangang alam namin ang puno't dulo, kaya dapat talagang nagbabasa.

Continue reading below ↓



"Malaking tulong na yung ibang requirements, napag-aralan ko na sa IS [International School] noong nasa high school pa ako, kaya may background. But then, I have to review them," sabi pa ng Megastar.



Actually, nahihiyang ipamalita ni Sharon ang grades niya. Nang usisain siya ng PEP, nagulat nga kami dahil talagang matataas ito.



"Kaya masaya ako sa nangyayari, kahit nahihirapan din ako. Ganyan talaga ang pag-aaral, paghihirapan mo talaga yung maa-achieve mo, and so far, I'm doing okay.

"Noong last concert ko sa Araneta Coliseum, hanggang hindi tinatawag ang pangalan ko, I was in front of my laptop doing the remaining requirements.

"I really have to rush, 'cause under time pressure. By 12 midnight, magsasara ang site, at mamarkahang late na ang isa-submit na modules. Ang masama pa, baka hindi na i-consider, sayang ang paglalamay at pinaghirapan. Kaya talagang determined ako to comply," napapailing na sabi pa ni Sharon.



WHAT MEGA REALLY WANTS. Tanging ito na lang ang frustration ni Shawie sa buhay. She made it big as a showbiz personality. Pero, parang may kulang pa rin.

Continue reading below ↓

"I want a degree," sabi pa ni Sharon.

"Actually, nai-inspire ako sa kuwento ng iba pang estudyanteng nami-meet ko. Meron nga, mga 60 years old na, and I came to her and asked, ‘Bakit ka pa nag-aaral?'

"Ang sabi niya, napagtapos na niya ang kanyang mga anak. It's about time na siya naman ang magka-diploma, hanggang may panahon pa siya.

"Kung sila nga, nagagawa nila yun, ako pa kaya? I am still very busy, pero kung iisipin, I can command my own time. I have given this opportunity for others to wait for my availability, pero ang pag-aaral, by this time, ito na ang pagkakataon na talagang kailangang ma-accomplish ko na.

"It's now or never. Besides, hindi naman ako nagmamadali. Pakonti-konting units, pasasaan ba't makakatapos din ako," very positive na pahayag ni Sharon.

THE SENATE TURON-BANANA CUE VENDOR. Sa totoo lang, hindi lang yung pagiging Megastar ang hahangaan kay Sharon. Ito na yung positive values that she has been imparting to her followers and the public.

Continue reading below ↓

Bukod sa pagsisikap na magkaroon ng college degree, napakaganda rin ng pagpapalaki ni Sharon sa mga anak. Isang halimbawa na lang, yung kuwento niya tungkol sa anak na si Frankie.

"She told me she wanted to buy a guitar," sabi ni Sharon. "Gusto lang niya. It costs around 800 pesos lang naman. I told her, wala namang okasyon para ibili ko siya kaagad ng ganoon.

"Gusto niya, magkaroon na siya agad ng guitar na talagang gusto niya. Kung gugustuhin ko, puwede ko siyang ibili kahit isang dosenang gitara, pero hindi yun ang point doon.

"Sabi ko, if that's the case, she should learn how to acquire it through her means. She thought of selling turon and banana cue sa Senate just to earn the 800 pesos for the guitar which she really wanted to buy.

"I told her, sige. Isinama siya ni Kiko [Pangilinan] sa isang Senate meeting. Nagbenta siya ng turon at banana cue for merienda sa mga tao roon, and she earned like 400 pesos.

Continue reading below ↓

"She told me about it. Kulang pa raw. Next session daw, she still wanted to sell. Ang sabi ko, 'That's just fine, Frankie. I'll give you the remaining 400 pesos so that you can have your guitar na.'

"Nakita ko kasi yung pagsisikap ng bata. And it's more than enough for me. I want them to value the money that we, their parents, are working hard for. Gusto kong maramdaman nila na bawat nakukuha namin, pinaghihirapan din namin," nakatutuwang kuwento ni Sharon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Gusto niya, magkaroon na siya agad ng guitar na talagang gusto niya. Sabi ko, if that's the case, she should learn how to acquire it through her means. I want them to value the money that we, their parents, are working hard for, " explains Sharon Cuneta on why her daughter Frankie (inset) thought of selling turon and banana cue at the Senate.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results