Mariel Padilla says friendship with Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez remains strong despite differences

by Bernie V. Franco
Jun 30, 2022
mariel toni bianca friendship
Mariel Rodriguez on friendship with Toni Gonzaga and Bianca Gonzalez: “Sa lahat ng aspeto, we are always different. Kami-kami iba, pati personality namin, the way we dress, everything… iba-iba talaga to begin with."
PHOTO/S: Instagram

Ipinost ni Mariel Rodriguez ang larawan nila ni Toni Gonzaga sa Instagram ngayong Biyernes, June 30, 2022.

Base sa IG post ni Mariel, tila kuha ito sa isang hotel room habang inaayusan ang dalawa.

Mahihinuhang nagkasama ang dalawa sa inagurasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa National Museum ngayong araw.

“Tayo parin sa finish line @celestinegonzaga,” makahulugang caption ni Mariel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ni-repost din ni Mariel sa IG Story ang kuha nila ni Toni mula sa isang entertainment vlog na ang caption ay “Bff goals!”

mariel padilla toni gonzaga

Matagal nagkasama sina Toni at Mariel bilang original Pinoy Big Brother (PBB) hosts ng ABS-CBN, kasama si Bianca Gonzalez.

Pero sa kanilang tatlo, si Bianca na lamang ang natitirang original PBB host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MARIEL ON FRIENDSHIP WITH TONI, BIANCA

Eksklusibong nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Mariel noong Martes, June 28, 2022.

Tinanong namin siya tungkol sa friendship nilang tatlo sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba.

Nito lamang nakalipas na presidential election, ang sinuportahan nina Mariel at Toni ay si Ferdinand Marcos Jr., samantalang vocal supporter si Bianca ni former Vice President Leni Robredo.

Asawa ni Mariel si newly elected Senator Robin Padilla na pro-government din.

Pero ayon kay Mariel, mas matibay ang pagkakaibigan nilang tatlo kesa sa pagkakaiba-iba nila ng paniniwala sa pulitika.

Saad niya, “Hindi naman talaga lahat magiging the same, di ba?

“Sa lahat ng aspeto, we are always different. Kami-kami iba, pati personality namin, the way we dress, everything… iba-iba talaga to begin with.

“And just like in any family, ganun talaga. Hindi lagi parehas.

“Hindi naman porke’t hindi kayo parehas, hindi na kayo magkapatid, hindi na kayo magkaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, parang hindi naman sila yung masasabi mong showbiz friends.

“Umabot na kami doon sa friendship na hindi showbiz yung friendship namin.

“Magkakaibigan talaga kami.”

Ang deal-breaker lang daw kay Mariel pagdating sa pagkakaibigan ay kapag may sinabing masama tungkol sa asawang si Robin.

“Sa akin lang siguro, honestly, if for example it was against Robin, it would be different for me.

“Kasi asawa ko yun, e, di ba? Personal iyon sa akin kasi asawa ko iyon.

“Ngayon, kung kunwari may sinabi kayong masama tungkol doon sa asawa ko, ibang usapan na iyon.”

Kung may kaibigan daw siyang may sinasabi tungkol sa ibang tao ay mapapalampas niya iyon.

“Pero kung yung asawa ko may isyu kayo, ah, hindi tayo puwedeng maging magkakaibigan niyan, kasi asawa ko iyon. Iba iyon,” sabi ni Mariel.

STILL COMMUNICATING WITH BIANCA, TONI

Sa interview, nabanggit din ni Mariel na may komunikasyon pa rin siya sa dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Of course, yes, yes. Lalo na si Toni. Also si Bianca...

“Si Bianca, I spoke with siguro mga three days ago. Si Toni kanina lang.”

Sa katunayan, nang i-post sa IG si Mariel ang larawan nila ni Toni ngayong Huwebes, nagkomento si Bianca ng tatlong heart emojis.

As expected, inintriga ng bashers ang komentong ito ni Bianca, partikular ang kanilang pagkakaiba ng political views.

Pero katuwiran ng supporters ng tatlong host, nananatiling matibay ang pagkakaibigan nila sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba.

Read also:

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mariel Rodriguez on friendship with Toni Gonzaga and Bianca Gonzalez: “Sa lahat ng aspeto, we are always different. Kami-kami iba, pati personality namin, the way we dress, everything… iba-iba talaga to begin with."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results