Watch Now

Did Raffa Castro confirm giving birth “late April” this year?

by Arniel C. Serato
Jul 1, 2022
Raffa Castro reveals "April" is her favorite month this year
Raffa Castro tells her follower that her favorite day is "late April" this year, the same date she reportedly gave birth to her son with boyfriend Joaquin Domagoso.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Hanggang ngayon ay wala pa ring tuwirang kumpirmasyon mula sa kampo nina Raffa Castro at Joaquin Domagoso tungkol sa balitang sila ay ganap nang magulang.

Nananatiling tikom ang bibig ng dalawa kahit marami na ang nagpapatotoong mayroon na silang two-month-old son na isinilang ni Raffa sa FEU Medical Center, sa Quezon City, noong April 28, 2022.

Pinangalanan nila itong Scott Angelo Domagoso, sunod sa Scott na dating palayaw ni former Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, ama ni Joaquin.

Read: Joaquin Domagoso, may two-month-old son na sa kapatid ni Claire Castro

Sa Instagram Stories kagabi, June 30, nagpaunlak si Raffa ng mga katanungan mula sa kanyang followers.

“Send me anonymous message!” paanyaya pa niya sa kanila.

Isa sa mga ibinatong tanong sa kanya ay tungkol sa negative comments.

Paano niya hina-handle ang mga negatibong komento?

Sagot ni Raffa, “Just know that they have nothing else to do but be jealous of ur life.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Raffa Castro reveals her favorite month, day

Payo pa ng isang netizen sa kanya: “Always look on the bright side of life ate! You don’t deserve to be hated po, we’re always here for you.”

Tugon ni Raffa: “Been getting a lot of good and bad comments so yeah imma look on the bright side.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Raffa Castro reveals her favorite month, day

Isa marahil sa negatibong komento ay nang pagsalitaan siya ng bastos ng isang basher.

Kanya naman itong ipinagkibit-balikat ngunit ipinagtanggol siya ng nakatatandang kapatid na si Kapuso star Claire Castro.

Read: Claire Castro defends sister Raffa against malicious comment of basher

Dahil dito, tinanong siya ng isang netizen kung close ba sila ni Claire dahil wala raw silang maraming larawang magkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Raffa, “Yeah we are.”

Raffa Castro reveals her favorite month, day

BEST DAY, FAVORITE MONTH

Naitanong din kay Raffa ng ilang followers ang tungkol sa pinakapaborito niyang araw at buwan ngayong taong 2022.

Tanong ng isang netizen: “What was the best day so far this year?”

Makahulugang tugon ni Raffa, “Late April. Won’t give exact date hehe.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Raffa Castro reveals her favorite month, day

Sabi naman ng isang follower, “Favorite month this year?”

“April [heart emoji],” sagot ni Raffa.

Raffa Castro reveals her favorite month, day

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung aanalisahing mabuti, April 28, 2022 ang napaulat na nanganak si Raffa.

Ang “late April” kaya na sinasabi niya ay ang “April 28” na araw kung kailan siya nagsilang ng anak nila ni Joaquin?

Ito kaya ang dahilan kaya "April" din ang paborito niyang buwan?

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig nina Raffa at Joaquin ukol sa isyung ito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raffa Castro tells her follower that her favorite day is "late April" this year, the same date she reportedly gave birth to her son with boyfriend Joaquin Domagoso.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results