Glaiza de Castro takes insults as challenges

by Archie de Calma
Mar 10, 2008
"Mas importante sa akin yung trabaho. Binibigyan ako ng trabaho, therefore, I have to put my heart and soul into it. Kaysa ubusin ko ang energy ko sa pag-iisip sa mga panlalait sa akin," says Glaiza de Castro regarding insults from her detractors.

Mukhang nabusalan ni Glaiza de Castro ang bibig ng kanyang mga detractor na nangmamata sa kakayahan niya. Kesyo starlet lang daw siyang hindi sisikat. Pero ano na kaya ang masasabi ng mga kumokontra na consistent sa pagtaas ang ratings ng Kaputol ng Isang Awit sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7?

"Sabi ko nga, I will just have to prove my worth. Wala naman akong maipagmamalaki sa kanila. Let time reveal what's really in store for me, kung karapat-dapat nga ako sa break na ibinigay ng GMA-7 sa akin," nasabi na lang ni Glaiza.

NO TIME FOR INSULTS. Ang love team nila ni Marky Cielo sa Kaputol ng Isang Awit ang binibigyang interes ngayon ng bigating movie producer na si Mother Lily Monteverde. Tampok nga sila at iba pang love teams ng GMA-7 sa proyektong Ultraelectromagnetic Love na tampok ang mga pinasikat na awitin ng bandang Eraserheads.

"Isasama raw kami sa second episode, yung ‘Tindahan ni Aling Nena.' Super-thankful talaga ako kay God sa magagandang nangyayari sa career ko ngayon, sa tulong siyempre ng manager kong si Manny Valera.

Continue reading below ↓

"Nagpapasalamat talaga ako roon sa mga naniniwala sa akin, sa mga ginagawa ko. Kasi, pinaghihirapan ko naman ito. Hindi lang ito basta ibinibigay sa akin.

"Tumahimik na lang talaga ako sa mga panlalait nila tungkol sa akin, kasi, ano rin ba ang buting magagawa kung magre-react ako? I just take them as challenges. Ganoon talaga. Mayroong hindi naniniwala, mayroon din namang nagtatanggol," nangingiting sambit pa ni Glaiza.

Para kay Glaiza, kaya niyang tanggapin ang anumang uri ng panlalait. Open siya sa kung anu-anong opinyon.

"Mas importante sa akin yung trabaho. Binibigyan ako ng trabaho, therefore, I have to put my heart and soul into it. Kaysa ubusin ko ang energy ko sa pag-iisip sa mga panlalait sa akin," nasabi na lang ni Glaiza.

WORKING WITH LOVI. Kailangan talagang pagbutihan ni Glaiza, kasi marami rin ang nagsasabing kitang-kita ang improvement ni Lovi Poe sa nabanggit na teleserye.

"Hindi kami nagpapatalbugan ni Lovi," sabi pa ni Glaiza. "Yun ang maganda sa amin, walang intrigahan. May times na kailangang saktan niya ako physically, talagang tinatanong pa niya ako kung paano ako itutulak.

Continue reading below ↓

"Sabi ko nga sa kanya, gawin niya kung ano ang nararapat sa eksena. Kahit masaktan pa ako, okey lang, kasama yun, e.

"Maganda ang team-up namin ni Lovi, nagbibigayan. Kaya siguro maganda ang napapanood ng mga tao, kasi, trabaho lang itong ginagawa namin at walang personalan, kaya walang tensiyon. We're both happy working that way," tuluy-tuloy na nasabi pa ni Glaiza.

Sa nangyayari, alam ni Glaiza na hindi na biro ang pagkatuwa ng GMA-7 sa kanila ni Lovi dahil sa outstanding results at feedback na natatanggap ng Kapuso network sa lakas ng nabanggit na teleserye.

"Mas naka-focus ako ngayon, nararamdaman ko," sabi pa ni Glaiza. "Hindi lang kasi GMA-7, pati ang Regal Films, pinapirma na ako ng 8-picture contract, at may movie na ngang uumpisahan.

"Minsan nga lang, nararamdaman ko rin yung pagod. Pero, 'di ba, kasama na rin yun sa magagandang opportunities na dumarating? Pagtatrabahuan mo talaga at pagpapaguran.

Continue reading below ↓

"All the more na kailangan kong pagbutihan at maging mas dedicated pa," pahayag ng aktres.

GLAIZA'S GOAL. Wish ni Glaiza na magpatuloy sa ganito ang takbo ng career niya dahil nagbabalak-balak na silang lumipat ng bahay.

"Sa Valenzuela pa rin sana, pero hindi na roon sa lugar namin ngayon na masikip talaga ang kalye at talagang lalakad ka pa ng malayo just to reach the house.

"Yun ang pinagsisikapan kong magkaroon. Nakatagal naman kami roon, pero hindi mo naman maiaalis sa akin na mangarap ng mas presentableng matitirahan, lalo na ngayon.

"Gusto ko yung place na hindi masyadong crowded, hindi ma-traffic, medyo mas maayos," nasabi pa ni Glaiza.

Gusto nga niya ay malapit na sa highwhay, o kung kakayanin, sa loob na ng isang subdvision.

Sa sipag at tiyaga ni Glaiza, siguro nama'y maaabot din niya ang pangarap niyang ito, lalo't marami ang sumusuporta sa kanya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mas importante sa akin yung trabaho. Binibigyan ako ng trabaho, therefore, I have to put my heart and soul into it. Kaysa ubusin ko ang energy ko sa pag-iisip sa mga panlalait sa akin," says Glaiza de Castro regarding insults from her detractors.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results