Watch Now

Former Manila Mayor Isko Moreno shares family bonding photo on first day as private citizen

by Arniel C. Serato
Jul 2, 2022
Isko Moreno bonds with family on first day of being "Citizen Isko"
Former Manila Mayor Isko Moreno to focus on family after 24 years of public service: "Para kay Dynee, Patrick, Frances, Joaquin, Franco at Drake: Papa is here to love and care for all of you. Thank you for your understanding. I love you so much.”
PHOTO/S: Courtesy: Isko Moreno Domagoso on Facebook

“Citizen Isko” na si former Manila Mayor Isko Moreno Domagoso simula kahapon, July 1.

Ngayong wala na siya sa public service, pagtutuunan daw niya ng kanyang oras at atensiyon ang kanyang pamilya.

Umabot daw kasi sa dalawampu’t apat na taon ang naipagkait niya sa kanyang pamilya dahil sa kanyang buong tutok na serbisyo bilang public servant.

Sabi niya sa kanyang Facebook post kahapon din, “Ngayong araw ang umpisa ng pagbabalik ko sa pribadong buhay.

“Sa 24 na taong paglilingkod ko sa bayan, naisantabi ko ang aking responsibilidad bilang ama sa aking pamilya dahil inuna kong tugunan ang mandato na ipinagkaloob sa akin ng taumbayan.

“Ngayong tapos na aking termino, makababawi na ako sa lahat ng sakripisyo na buong-puso at walang pagtutol na pinagdaan ng aking pamilya.

“Para kay Dynee, Patrick, Frances, Joaquin, Franco at Drake: Papa is here to love and care for all of you. Thank you for your understanding. I love you so much.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsilbi si Moreno sa iba’t ibang kapasidad sa gobyerno. Ang pinakahuli nga ay bilang alkalde ng Lungsod ng Maynila mula 2019 hanggang 2022.

ISKO'S FAILED PRESIDENTIAL BID

May dalawa pa sana siyang termino na maaring takbuhan ngunit mas pinili niyang lumaban sa pampanguluhan nitong nakaraang halalan.

Read: 2022 PRESIDENTIABLES | Isko Moreno: From basurero in Tondo to Manila mayor

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi siya pinalad na manalo bilang presidente nitong 2022 national and local elections dahil pangatlo lamang siya sa bilangan ng mga boto sa mga tumakbo.

Ang nanalo ay si President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.—kilala rin sa tawag na BBM—sa botong lagpas sa 31M.

Malugod naman niyang tinanggap ang pagkatalo at isa siya sa unang nag-concede.

Sabi pa niya sa kanyang Facebook post noong May 10, 2022: “Maliwanag na ang pinili ng higit na nakararami sa ating mga kababayan ay si dating senador, at ngayon ay President-elect Ferdinand Marcos, Jr. at ganun din si Vice President-elect Sara Duterte. Malugod ko pong binabati ang mga bagong halal na pinuno ng ating bansa."

Nanawagan siya sa kanyang mga tagasuporta na suportahan ang nagwagi sa halalan dahil sila ang pinili ng karamihan.

Dagdag pa niya, "Sa aking mga tagasuporta, mga bumoto sa akin, at sa ating mga kababayan, ito ang panawagan ko: kailangan nating magkaisa at tulungan ang bagong pinili ng ating mga kababayan. Kailangan nating magtagumpay pare-pareho. Hindi po magtatagumpay ang mga bagong halal ng bayan kung tayong mga mamamayan ay hindi makikiisa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako ay nananawagan, huwag tayong makikibahagi sa anumang gulo, anumang alingasngas, at dapat nating bigyan ng pagkakataon ang bagong administrasyon para pamunuan ang bansa.

"Kailangan tayong magkaisa bilang mamamayan para magtagumpay ang ating bayan. Katulad nga po ng paulit-ulit kong sinasabi, walang magmamalasakit sa ating bansa at magtutulungan kundi tayo ring mga kapwa Pilipino.

"Pagpalain nawa ng Diyos ang ating bansa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Manila Mayor Isko Moreno to focus on family after 24 years of public service: "Para kay Dynee, Patrick, Frances, Joaquin, Franco at Drake: Papa is here to love and care for all of you. Thank you for your understanding. I love you so much.”
PHOTO/S: Courtesy: Isko Moreno Domagoso on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results