May nakakatawang rebelasyon si Ellen Adarna noong nahawaan sila ng asawang si Derek Ramsay ng COVID-19 dahil sa Omicron variant noong kasagsagan ng pandemic.
“Best in OA [overacting]” at “best in panic attack” daw kasi si Derek na humantong na sa pagsasabing nais na daw niyang ilipat ang kanyang yaman at ari-arian kay Ellen dahil ramdam daw nito na mamatay na siya.
Sa “Ask me a question” ni Ellen sa Instagram ngayong araw, July 2, may nagtanong sa kanya kung ano daw ang nangyari at ginawa nila noong nahawaan sila ng COVID-19.
Dito na kaswal na nagkuwento si Ellen tungkol sa mga nakakatawang ginawa ni Derek noong panahong iyon.
Sabi niya, “‘Day kay ako, kalma ra ko, but siya, best in OA, ‘I want to die,’ ana, all the drama, ‘Me dying, I’m dying, I’m dying,’ ana niya.”
[“’Day kay ako, kalma lang talaga, but siya, best in OA, ‘I want to die,’ ganyan, all the drama, ‘Me dying, I’m dying, I’m dying,’ ganun siya.”]
Dagdag pa niya, “So dungan me niya, na tog me, pahuway. Kalima ko niya gipukaw, just to tell me… kalima ko niya gipukaw to tell me, ‘I’m dying,’ matay na kuno siya, balhin na kuno niya iyang kuwarta ug assets niya.”
[“So sabay kami, natulog kami, nagpahinga. Limang beses niya ko ginising, just to tell me… ‘I’m dying,’ mamatay na daw siya, ililipat na daw niya ang kanyang pera at assets.”
Kulang na lang daw ay gumawa ito ng kasulatang sulat-kamay.
Ani Ellen, “Kulang na lang muhimo ug holographic will na, ‘I’m dying, I’m dying,’ na siya, panic attack na siya, niya ako sad, sakit sad akong pamati. ‘Ug mugara gyud ka balik ma-COVID ta, motawag na gyud kog ambulance bahala gyud.’”
[“Kulang na lang gumawa ng holographic will na, ‘I’m dying, I’m dying,’ na daw siya, panic attack na siya, ako naman, masama din ang pakiramdam ko. ‘Kung mahawaan tayo ulit ng COVID, tatawag na talaga ako ng ambulansiya bahala na.’”
ALCOHOL OR COVID?
Dagdag pa ni Ellen, “Niya convince kay to nga mamatay na gyud siya kay best in panic, best in OA reaction nis Derek. So niya karon, golf-golf, buhi pa kaayo siya. Pukawon ko niya 5 times, hasulon ko niya 5 times.”
[“Pakiramdam niya talagang mamatay na siya kay best in panic, best in OA reaction itong si Derek. Tingnan mo ngayon, golf-golf, buhay pa siya. Gisingin niya ako 5 times, ginugulo niya ako 5 times.”]
May nagtanong naman sa kanya kung ano ang gagawin kung may hang-over.
Tugon niya, “Ambot ‘Dai kasi since January 1, 2022, twice ra ko nakainom, ‘di na ko party girl. Niya ni akong hang over, tag 3 days, na-COVID ko, 24 hours ra ko down so mas pilion pa nako.
[“Ewan ko ‘Dai kasi since January 1, 2022, dalawang beses lang ako nakainom, di na ako party girl. Ang hang-over ko, tatlong araw akong down, na-COVID ko, 24 hours lang ako down so mas pillion pa nako.
“So, after ko na-COVID, akong realization, Omicron, down ra kug 24 hours, hang-over, three days, mas pillion pa nakong ma-Omicron kaysa hang-over.”
[So, after nagka-COVID, na-realize ko, Omicron, down ako ng 24 hours, hang-over, three days, mas pipiliin ko pang ma-Omicron kaysa hang-over.”]