Ejay Falcon's dad moved to tears during actor's inauguration as vice governor

Ejay Falcon pays tribute to adoptive father for supporting him no matter what.
by Rachelle Siazon
Jul 3, 2022
Ejay Falcon, Jana Roxas
Ejay Falcon pays tribute to adoptive father Ernesto "Erning" Falcon: "Nung nakapasok siya sa PBB, mabait ang Diyos. Hindi lang ako ang pinanalo niya, big winner din siya. Maraming-maraming salamat po sa suporta niyo sa akin, sa pagpapalaki sa akin nang maayos, sa aking nanay at tatay."
PHOTO/S: Jan Enriquez

May kurot sa puso ang pinakaunang talumpati ni Ejay Falcon, 32, bilang bise gobernador ng Oriental Mindoro.

Naganap ito sa kanyang oath-taking noong June 28, 2022.

Binalikan ni Ejay ang simula ng kanyang karera nang sumali siya sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus kunsaan tinanghal siyang Big Winner noong 2008.

Nagbigay-pugay siya sa paggabay sa kanya ng adoptive father na si Ernesto Falcon, na noong una ay tutol sa kanyang desisyong sumali sa PBB.

"Isang pakiusap niya noong mga panahon na iyon na ayaw niya ako pumasok sa PBB dahil hindi niya alam ang PBB.

"Wala pang kuryento noon nung umalis ako. Walang kalsada. Wala pang signal ng cellphone.

"Kinausap ko siya mabuti. Sabi ko, papasok ako sa PBB pero ang kondisyon nito kasama ka.

"Hindi po siya pumayag. Ayaw niya talaga."

Patuloy na balik-tanaw ni Ejay, "Ilang linggong pakiusapan iyon hanggang napilit ko siya.

"Nung nakapasok siya sa PBB, mabait ang Diyos. Hindi lang ako ang pinanalo niya, big winner din siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maraming-maraming salamat po sa suporta niyo sa akin, sa pagpapalaki sa akin nang maayos, sa aking nanay at tatay."

Naiyak ang ama ni Ejay na nakaupo sa unang hanay sa audience habang nasa stage ang bagong halal na bise gobernador.

Totoo raw kasi na hindi niya gusto ang pagsali ni Ejay sa PBB noon. Pero lubos itong naging masaya noong naging matagumpay ang anak sa karera nito bilang aktor.

Ernesto Falcon

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ON PUBLIC SERVICE

Tila hindi akalain ni Ejay na mula sa pagsabak sa showbiz, ngayon ay ang pagsilbi sa bayan ang kanyang bagong misyon.

"Alam ko na pagpasok ko sa pulitika ay isang malaking desisyon, isang pagpapaalam na nung una talaga ay di ako pinayagan dahil alam nila na magiging magulo ang buhay pulitika.

"Pero sana ngayon ay maging proud kayo na nakatayo ako dito sa harapan, nakatayo at magsisilbi sa ating lalawigan."

Bukod sa amang si Ernesto, kasama rin ni Ejay sa oath-taking ang girlfriend of six years na si Jana Roxas.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ejay Falcon pays tribute to adoptive father Ernesto "Erning" Falcon: "Nung nakapasok siya sa PBB, mabait ang Diyos. Hindi lang ako ang pinanalo niya, big winner din siya. Maraming-maraming salamat po sa suporta niyo sa akin, sa pagpapalaki sa akin nang maayos, sa aking nanay at tatay."
PHOTO/S: Jan Enriquez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results