Ice Seguerra pays tribute to wife Liza Diño as she steps down as FDCP chair

by Arniel C. Serato
Jul 7, 2022
Ice Seguerra "still processing" as Liza Dino gets replaced as FDCP chair
Ice Seguerra on wife Liza Diño's replacement as Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson: "We're still processing things because we just found out through social media about Liza being replaced as FDCP Chair. Though her term is still good for another 3 years, we respect the decision of the President.”
PHOTO/S: Courtesy: @iceseguerra / @lizadino on Instagram

May bigat man sa kanilang kalooban, tanggap ni Ice Seguerra na papalitan na sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) bilang chairman ang asawang si Liza Diño.

Sa kanyang post sa Facebook kahapon, July 6, 2022, sinabi ng singer na pinuproseso pa nila ang lahat dahil alam niyang na-reappoint si Liza ng tatlo pang taon ni former President Rodrigo Duterte.

Ngunit noong Martes, July 5, lumabas ang balitang nanumpa na si Tirso Cruz III bilang bagong Chairperson at Chief Executive Officer (CEO) ng FDCP sa harap ni President Ferdinand Marcos Jr.

Read: Tirso Cruz III, itinalaga bilang bagong FDCP chairperson sa kabila ng reappointment ni Liza Diño

Saad ni Ice, "No matter how much you plan or prepare for the future, may mga pwedeng mangyari that will totally change the course of your life.

“We're still processing things because we just found out through social media about Liza being replaced as FDCP Chair.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Though her term is still good for another 3 years, we respect the decision of the President.”

Ayon kay Ice, nakita niya ang lahat ng hirap na pinagdaanan ng asawa noong pumasok siya sa FDCP.

Wala raw naniwala noong kakayanin nito ang responsibilidad.

“As someone who has been in the sidelines as my wife's cheerleader, shock absorber, assistant, and over-all supporter, I have witnessed many ups and downs during her term as Chairperson.

“Pumasok si Liza sa trabaho na 'to na halos walang naniniwala sa kakayanan niyang mamuno.

“’Sino ba siya at anong magagawa niya?’

“’Mas marami namang karapatdapat, bakit siya yung nilagay diyan?’”

Marami man daw ang tila walang bilib kay Liza, ipinagkibit-balikat lamang daw niya ito.

Pinag-aralan daw nitong mabuti ang nakaatang na mga responsibilidad sa kanya.

Lahad ni Ice, “Maraming skeptical sa simula pero kahit ganon, my wife used it to fan her passion to serve.

“Inalam niya lahat ng pwedeng malaman sa industriya natin, from cultivating an idea and developing it into a story, archiving, and everything in between.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“She went to different regions to empower our filmmakers dahil ang kwento ng Pilipinas ay hindi dapat manggaling lang sa Metro Manila.

“She democratized access to development programs, grants, financial support para masiguradong hindi lamang iilan ang makikinabang.

“Partnered with different international festivals to make sure we always have a platform to showcase the works of our amazing filmmakers.”

Kahit daw nitong nagkaroon ng pandemya, hindi kinalimutan ng asawa ang mga manggagawa sa industriya.

Ani Ice, “Ayuda sa pandemya, vaccinations para sa industriya...

“Pero para sa akin, ang pinakaimportanteng legacy na iiwanan niya ay ang pagsulong ng karapatan at proteksiyon ng audiovisual workers.

“Marami nang nagawa but marami pang kailangan gawin.

“Though Liza's term has come to an end, I have full trust in the capacity of the FDCP staff to continue all the programs that my wife has envisioned for all of us.”

“PLEASE TAKE GOOD CARE OF THEM”

May mensahe rin si Ice ang bagong FDCP chair at CEO na si Tirso na itinuturing na haligi ng industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pakiusap niya, alagaang maigi ang mga taong may malasakit sa film industry.

Saad niya, “Tito Pip, congratulations on your appointment! You will soon be working with the most dedicated, passionate, and hardworking people in government.

"They will help you achieve your goals and dreams for the film industry. Please take good care of them.”

Nagpasalamat naman siya sa mga nakatrabaho ng asawa.

Hindi raw nila pinagsisihang maglingkod sa gobyerno. Nagsilbi si Ice bilang chairperson ng National Youth Commission (NYC) mula August 2016 hanggang March 2018.

Sabi ni Ice, “I want to thank everyone who helped my Liza along the way. We are forever grateful.

“My Love, you have set the bar for what a government servant should be.

“Though it has caused us a lot of fights, pain, and tremendous sacrifices, seeing all the love and respect they have for you is all worth it.

“Thank you for being so selfless, to a fault. For giving your heart, soul, and life for the past 6 years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Thank you for your service, Liza. You are irreplaceable.

“Here's to new beginnings, my Love!”

Ang inaabangan naman ngayon ay ang transition sa FDCP office nina Liza at Tirso.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ice Seguerra on wife Liza Diño's replacement as Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson: "We're still processing things because we just found out through social media about Liza being replaced as FDCP Chair. Though her term is still good for another 3 years, we respect the decision of the President.”
PHOTO/S: Courtesy: @iceseguerra / @lizadino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results