Rica Peralejo posts no-filter video for netizens criticizing her looks

by Rachelle Siazon
Jul 8, 2022
Rica Peralejo
"Sana pag nag-jumprope kayo at pinapawisan kayo, e, ang ganda niyo pa rin. Yung sobrang ganda niyo mukha kayong sanggol na madi-deserve niyo na yung panlalait na ginawa niyo sa akin. Joke lang," Rica Peralejo says in between laughs in a TikTok video where she coolly responds to bashers criticizing her looks.
PHOTO/S: Rica Peralejo TikTok

Hindi nagpatinag si Rica Peralejo sa mga bumatikos sa kanyang hitsura sa nag-viral niyang TikTok video ng kanyang morning cardio exercise.

Noong June 28, 2022, idinaan ni Rica sa biro ang sagot niya sa bashers nang gumawa siya ng TikTok video kunsaan sobrang close-up ang kuha nito sa bawat anggulo ng kanyang mukha.

Pati ngala-ngala niya ay ipinakita niya para patunayang hindi siya mangingiming ipakita ang kanyang no-filter face.

May cover text iyon na: "NO FILTER. My nostrils, Esofagus, Pores, Pimple Marks."

Reply niya iyon sa isang commenter na nagsabing iwasan na raw ni Rica ang close-up shots sa TikTok para huwag nang mag-viral uli ang aktres.

Caption pa ni Rica: "Reuploading this kasi madami na ang umaaaway dun sa nagcomment.

"Di ko naman intensyon so instead takpan ang name nya pero ituloy ang mensahe na ok lang sakin magclose up.

"Mamaya iupload ko na din po ang aking xray [laughing emoji] di ako mahilig magtago ng akong tunay na anyo at kadalasan ayaw yan ng ibang tao [laughing emoji]

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"pero tenkyu po sa mga nakakaintindi. Happy lang always!!!"

Rica Peralejo

READ: Rica Peralejo teaches sons not to be dependent on kasambahay

RICA'S VIDEO THAT WENT VIRAL

Ang tinukoy ng netizen na video ni Rica na nag-viral ay iyong TikTok post niya noong June 5, 2022.

Sa video na iyon ay makikita ang close-up shot ng aktres dahil malapit ang mukha niya sa camera, at saka siya lumayo habang pawisan pero masayang nagdya-jump rope.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga pumuna na tila nasobrahan daw sa pagpapapayat si Rica at nag-iba ang hitsura.

Base sa comments section, ipinagtanggol si Rica ng karamihan sa kanyang followers na natuwa dahil no filter ang post ng aktres.

May mga nagsabi pang posibleng bad lighting lang o kaya matindi ang sinag ng araw kaya napa-squint si Rica.

Rica Peralejo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong June 7, 2028, kalmadong sinagot ni Rica ang mga bumatikos sa kanyang hitsura.

Ni-repost niya ang komento ng netizen na nagtanggol sa kanya at nagsabing: "grabe ung mga ibang comments ang sasakit mag salita. 'hala anong nangyari sa kanya'

"jusko guys tumatanda ang tao. normal lang yan. grabe kayo."

Sinamahan iyon ni Rica ng video message para sa mga nanlait sa kanya.

Masiglang pagbati ni Rica, "Hello to the perfect people of TikTok Philippines! Ayan finally makakausap ko na lahat ng magaganda at gwapo na tao na nagsasabi dito na pangit ako.

"Joke lang hindi kayo ang kinakausap ko.

"Actually kaya ko ito ginagawa dahil I want to thank people like Grace, as you can see in the comment, and many others out there na nagpaalala sa ibang tao na be respectful.

"Ang masasabi ko lang ay keep shining in a world full of darkness.

"At dun sa mga darkness, ang masasabi ko lang sa inyo ay sana maganda kayo. Sana pag nag-jumprope kayo at pinapawisan kayo, e, ang ganda niyo pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung sobrang ganda niyo mukha kayong sanggol na madi-deserve niyo na yung panlalait na ginawa niyo sa akin. Joke lang."

Rica Peralejo

ON HOW rica GUARDS HER MIND ABOUT SELF-WORTH

Sa kabila nito, napansin din ni Rica na marami ang humanga sa kanyang no-filter video at pag-aalaga sa sarili.

"Yung totoong second message ko, kasi if you browse through the comments section of my videos, you will see na some will say mukha akong matanda, na ang pangit ng ipin ko, na sobrang payat ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"On the other hand naman may mga nagsasabi na 'ang sexy niya, mukha pa rin siyang bata, wala pa ring siyang kupas.' So paano na lang besh?

"So ang point ko na lang talaga diyan, kung ibi-base natin ang ating worth or kumpiyansa sa ating sarili base sa comments sa atin for the day, paano na nga lang iyon? Kasi may nagsasabi na okay tayo, may nagsasabi na hindi rin."

Dito ipinunto ni Rica na ang tanging sukatan niya ng kanyang self-worth ay ang pananampalataya niya sa Diyos.

"Ang solusyon ko diyan kaya di ako naapektuhan sa pinagsasabi sa akin ng tao ay si God.

"Because God sees me when I'm beautiful, God sees me when I am ugly, and he will love me just the same.

"So paalala ko lang iyan sa inyong lahat dahil di lang ako ang naba-bash sa panahon na ito.

"Lahat tayo na may social media na may handles ay nakatikim na ng panlalait at mga di magandang salita mula sa iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tandaan niyo, si Lord lang makakapagsabi ng totoo sa inyo. Totoo at maganda at in a very kind and respectful way."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sana pag nag-jumprope kayo at pinapawisan kayo, e, ang ganda niyo pa rin. Yung sobrang ganda niyo mukha kayong sanggol na madi-deserve niyo na yung panlalait na ginawa niyo sa akin. Joke lang," Rica Peralejo says in between laughs in a TikTok video where she coolly responds to bashers criticizing her looks.
PHOTO/S: Rica Peralejo TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results