Sandiganbayan affirms conviction of Joey Marquez on charges of graft

by Rommel R. Llanes
Mar 12, 2008
Former Parañaque mayor Joey Marquez and three others are once again found guilty of charges of graft.

Sa pangalawang pagkakataon, kinumpirma ngayong araw ng Miyerkules, March 12, ng Sandiganbayan Fourth Division ang hatol na "guilty" sa aktor at dating mayor ng Parañaque na si Joselito "Joey" Marquez at tatlong iba pa sa kasong graft.

Nauna nang nahatulan ng guilty sa parehong kaso sina Joey, Silvestre de Leon (city treasurer), Marilou Tanael (city accountant), at Ofelia Caunan (officer-in-charge, general services section) noong Agosto 30, 2007, base sa resulta ng imbestigasyong ginawa ng Commission on Audit (COA) sa bilihan ng mga walis-tingting para sa general services department ng Municipal Government of Parañaque. Naganap ang bilihan mula January 1996 hanggang September 1997. Mayor ng Parañaque si Joey mula 1995 hanggang 1998.

Ayon sa pag-iimbestiga ng COA, lumalabas na overpriced ng P462,708 ang 31,334 na "extra-sized" at 24,098 na "extra-large" na walis-tingting. Dinagdagan ng P4 ang presyo ng "extra-sized" habang P14 naman ang itinaas ng presyo ng "extra-large." Hindi rin diumano dumaan sa regular na proseso ng public bidding ang bilihang nangyari, ayon pa sa COA.

Continue reading below ↓

Ang kasong graft ay may kaparusahang anim hanggang sampung taon na pagkakabilanggo at pagbabayad sa nawaldas na pera ng gobyerno. May limang bilang ng graft ang bawat isa nina Joey at mga kasama niya.

Nakapag-post agad ng bail na P240,000 si Joey noong unang ibaba ang hatol sa kanya noong nakaraang taon at umapila pa sa Sandiganbayan for motion of reconsideration.

PAHABOL. Last year, matapos babaan ng hatol ng Sandiganbayan Fourth Division, humabol pa ng panibagong kaso ng walong bilang naman ng graft ang COA sa Sandiganbayan Second Division.

Parehong mga tauhan din ang kinasuhan sa division na ito ng anti-graft court at ang bentahang naganap naman noong March 1997 ang pinagmulan ng pagsasampa ng kaso. Overpriced by P120,000 ang lumalabas sa imbestigasyon ng COA para sa kasong ito.

Agad na nag-file ng demurrer to evidence si Joey at ang attorney niyang si Noel Malaya at hiniling sa Sandigan na ipawalang-halaga at ibasura ang walong kaso ng graft na ito.

Continue reading below ↓

Ayon sa thefreedictionary.com, ang demurrer to evidence ay " an exception taken by a party to the evidence offered by the opposite party, and an objecting to proceed further, on the allegation that such evidence is not sufficient in law to maintain the issue, and a reference to the court to determine the point."

CONFLICT OF INTEREST. Noong September 28, 2007, dininig ng Sandiganbayan ang motion to reopen the proceedings ni Joey at ni Atty. Malaya.

Ayon kina Joey at Atty. Malaya, maaaring may mga bagay at pangyayaring naganap sa pinasok nilang transaksyon na hindi naisama sa pag-iimbestiga ng COA at sa pag-aaral ng Sandiganbayan sa kaso niya at ng tatlo pang akusado.

Hiniling din nilang i-inhibit o alisin sa proceedings si Associate Justice Gregory Ong dahil sa conflict of interest. Idinemanda kasi ng asawa ni Ong ang misis ni Joey noon na si Alma Moreno ng kasong estafa. Hindi umano binayaran ni Alma ang utang na pera nito sa asawa ni Ong.

Continue reading below ↓

Matapos ang ilang pagdinig, muli ngang hinatulan at kinumpirmang guilty si Joey at tatlo pa niyang kasama sa kaso ng Sandiganbayan Fourth Division.

Read Next
Read More Stories About
Joey Marquez, Alma Moreno
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Parañaque mayor Joey Marquez and three others are once again found guilty of charges of graft.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results