Sid Lucero injures legs in "Kung Fu Kids" fight scene

by Rommel R. Llanes
Mar 12, 2008
Award-winning actor Sid Lucero gets injured in a fight scene as kung fu master Krung Krung in ABS-CBN's Kung Fu Kids. Professional actor that he is, Sid went back instantly to work after receiving treatment.

Hindi maiiwasan sa mga eksenang maaaksyon na may mangyayari talagang aksidente. Lalo na kung ang ang gumaganap ay yung tipong ayaw magpagamit ng stunt double.

Kagaya na lang nitong si Sid Lucero. Mahusay na aktor at kilala ng mga nakakatrabaho niya na super seryoso sa kanyang trabaho, kaya hindi ito pumapayag na magpagamit ng stunt doubles sa kanyang maaaksyong eksena.

Pero kapalit ng dedikasyon niyang ito ay ang mapahamak sa isang eksena nila sa taping ng Kung Fu Kids sa Mount Banahaw kamakailan lang.

Nangyari ang aksidente sa fight scene ni Sid sa mga ninja na kalaban niya. Ginaganapan ni Sid ang papel na Krung Krung, ang misteryosong kung fu master ng Kung Fu Kids.

Ayon sa mga nanonood ng taping ng top-rating ABS-CBN primetime show, nasa maling posisyon ang mga binti ni Sid habang nasa kainitan ng eksena niya with the ninjas. Aksidente tuloy na nabagsakan ng isa sa mga stuntmen na gumaganap na ninjas ang mga binti ni Sid.

Continue reading below ↓

Isinugod agad sa pinakamalapit na ospital sa lugar si Sid at nilapatan ng lunas. Nagpapagaling ngayon ang aktor habang nakasuot sa kanya ang leg immmobiliser na inilagay ng mga gumamot sa kanya. Naka-schedule na ring mag-undergo ng MRI (magnetic resonance imaging, isang medical procedure na hawig sa X-ray at CAT scan) para malaman kung ano na ang tunay na kondisyon ng kanyang mga binti.

Ayon sa isang staff member ng Kung Fu Kids, very professional si Sid at gusto na agad bumalik sa pagtatrabaho sa show, pero hindi na nga lang muna masusunod yung gusto niyang hindi magpagamit ng stunt doubles sa kanyang action scenes.

Read Next
Read More Stories About
Sid Lucero
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Award-winning actor Sid Lucero gets injured in a fight scene as kung fu master Krung Krung in ABS-CBN's Kung Fu Kids. Professional actor that he is, Sid went back instantly to work after receiving treatment.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results