Watch Now

Did Trina Candaza hint that ex-BF Carlo Aquino is clueless about commitment?

by Bernie V. Franco
Jul 9, 2022
trina candaza
A netizen asked Trina Candaza if she was also at fault in her breakup with ex-boyfriend Carlo Aquino: “Of course meron din ako pagkakamali or pagkukulang, but meron laging pinag sisimulan ng problema.”
PHOTO/S: @trinacandaza on Instagram

Naglabas ng mga pahayag si Trina Candaza, 26, tungkol sa failed relationship nila ni Carlo Aquino, 36.

Sinagot ni Trina ang mga personal questions ng mga netizens nang magsagawa siya ng anonymous question-and-answer activity sa Instagram nitong Biyernes, July 8, 2022.

Bukod sa pagbubunyag kung bakit sila naghiwalay ni Carlo, nagbigay ng pahayag si Trina ukol sa co-parenting nila ng Kapamilya actor.

Read: Did Trina Candaza just hint at co-parenting setup with Carlo Aquino?

Kapansin-pansin na tinatakpan ni Trina ang bahagi ng mga tanong na naglalaman ng pangalan, pero sumasagot siya sa tuwing tinutukoy ang lalaki gamit ang letter “C” at ama ng anak ni Trina.

Malinaw na si Carlo ang tinutukoy ng netizens.

Tanong ng isa kay Trina, bakit hindi pa niya tinatanggal ang photos ni Carlo sa kanyang Instagram account?

Sagot ni Trina (published as is): “PARA PAG LAKI NI MITHI MAY BABALIKAN SIYANG MEMORIES NAMIN NG PAPA NIYA.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

comment

Si Mithi ay ang one year and 10 months old na anak nina Trina at Carlo.

Usisa ng isa pa, ano ang sasabihin ni Trina kay Mithi kapag nagtanong ito kung bakit hiwalay ang kanyang mga magulang?

Diretsong sagot ni Trina: “[B]ecause one of us wasn’t sure and didn’t understand the commitment of starting a family.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana raw ay tamang lalaki ang mapili ni Mithi kapag lumaki na ito at nagdesisyong magkapamilya.

Dugtong ni Trina: “So when the time comes to choose the dad of her future kids, I hope she chooses someone who has good values, believes in marriage, and loves her more than she loves him, so her child will not be in the same situation that she is.”

IG comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hirit naman ng isang netizen, baka kasalanan ni Trina kaya sila naghiwalay ni Carlo?

“Of course meron din ako pagkakamali or pagkukulang, but meron laging pinag sisimulan ng problema.”

IG comment

Tiniyak naman ni Trina na nag-uusap pa sila ni Carlo para sa co-parenting ng kanilang anak.

IG comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Trina Candaza says reconciliation with Carlo Aquino not happening because...

TRINA ANSWERS QUESTIONS ABOUT CHEATERS

May mga tanong ding sinagot si Trina pagdating sa panloloko sa relasyon.

Tinanong siya kung magaling daw ba siyang manghuli ng manloloko.

“Dahil siguro sa mga naiiwan na ebidensya kaya nasisimulan yung imbestigasyon. Haha.

“Pero malakas intuition ko,” sagot niya.

instagram cooment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong ng isa pa, “Do cheaters deserve second chances?”

“For me, second chance yes pero third no.

“Pero depende din sa situation, kung may family na and ikaw yung tipo ng partner na makikipag patayan wag lang masira yung pamilya mo diba?”

instagram comment

Sa mga previous post naman ni Trina, may mga pahaging siya na pambabae ang isa sa mga naging mitsa kung bakit sila naghiwalay ni Carlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, sinabi rin ni Trina na wala siyang idine-date sa ngayon.

Read also: Is Trina Candaza alluding to Carlo Aquino in "may pinuntahan agad na babae" post?

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A netizen asked Trina Candaza if she was also at fault in her breakup with ex-boyfriend Carlo Aquino: “Of course meron din ako pagkakamali or pagkukulang, but meron laging pinag sisimulan ng problema.”
PHOTO/S: @trinacandaza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results