Watch Now

Paolo Contis thanks “my chef” for his everyday baon; is it Yen Santos?

by James Patrick Anarcon
Jul 10, 2022
Paolo Contis
Is Yen Santos (not in photo) the unnamed chef that Paolo Contis thanked for his everyday baon?
PHOTO/S: Facebook account of Paolo Contis

Nagpasalamat si Paolo Contis sa tinatawag niyang “my chef” para sa araw-araw niyang baon sa kanyang tapings.

READ: Paolo Contis, Yen Santos exchange sweet banter after she cooked kaldereta for him

Sa Facebook post ni Paolo noong Biyernes, July 8, 2022, nag-post si Paolo ng apat niyang selfie kasama ng kanyang mga baon.

Makikitang mayroon siyang baong adobo, sausage, at chicken curry.

Sabi ni Paolo sa caption niya dito (published as is), “Everyday shoot… Everyday baon… thanks to my chef..!!”

Naka-set sa public ang post na ito ni Paolo sa Facebook.

Paolo Contis

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi man binanggit ni Paolo ang pangalan ng kanyang “chef,” pero matatandaang lumabas noon sa kanyang Facebook ang pagluluto para sa kanya ng rumored girlfriend niyang si Yen Santos.

Naka-tag ang Facebook account ni Yen sa post na ito ni Paolo noong June 13, kung saan nagpasalamat siya para sa nilutong caldereta nito para sa kanya.

Sa sumunod na post noon ni Paolo ng nilutong adobo para sa kanya, hindi na niya i-tinag si Yen.

Pero inunahan na niya ang ibang bashers at tinawag pang #Adobash ang dish na niluto para sa kanya. Nagpasalamat din siya sa tinawag niyang “babikwoooh.”

PAOLO AND YEN'S RUMORED ROMANCE

Unang nagkasama sina Paolo at Yen nang magkatambal sila sa Netflix movie na A Faraway Land. Nagkasama sila sa shooting ng pelikula sa Faroe Islands, Denmark mula November hanggang December 2020.

Huling bahagi ng August 2021 nang mag-viral ang pamamasyal nina Paolo at Yen sa Baguio at Pangasinan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa parehong buwan na iyon, naiulat ang paghihiwalay nila Paolo at LJ Reyes, ang kanyang partner for six years.

Sinabi naman ni Paolo na hindi si Yen ang dahilan ng breakup nila ni LJ.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi direktang sinasabi ni Paolo kung ano ang real score sa pagitan nila ni Yen.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is Yen Santos (not in photo) the unnamed chef that Paolo Contis thanked for his everyday baon?
PHOTO/S: Facebook account of Paolo Contis
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results