Watch Now

Herlene Budol confident about acing Q&A: "Basta sasagot ako na may puso."

by Melba R. Llanera
Jul 10, 2022
Herlene Nicole Budol
Herlene Nicole Budol remains undaunted by naysayers who downplay her chances of shining in the Question and Answer segment of the much-awaited Bb. Pilipinas 2022 coronation night on July 31. She says, "Sa Question and Answer, basta sasagot ako na may puso." (Photo: @herlene_budol on Instagram)

Kahit malaki ang chance na maaaring makapasok si Herlene Nicole Budol, aka Hipon Girl, sa Top 4 ng paparating na Bb. Pilipinas 2022 coronation night sa July 31, marami ring mga basher na nagsasabing ang magiging sablay ni Nicole ay kapag pumasok ito sa semi-finals round at matanong sa Question and Answer segment.

Sa interview kay Herlene sa nakaraang media conference nito na ginanap sa Corte Ibiza, Tomas Morato Ave., Quezon City noong nakaraang July 1, agad na tinanong ito kung ano ba ang mga preparasyon na ginagawa niya lalo na sa Question and Answer segment na inaabangan ng marami kung paano niya itatawid.

Lahad niya, "Sa Question and Answer, basta sasagot ako na may puso. Sasagot ako base sa experience ko, base sa akin.

"Pag galing naman sa iyo, walang mali kasi opinyon mo iyan, e. Sumagot ka lang na alam mo, na alam mong tama sa sarili mo, alam mong galing dito, iIalabas nito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong din namin si Nicole kung gagamit ba siya ng interpreter kung saka-sakaling palarin na siya ang tanghalin bilang Ms. Grand International Philippines.

Aniya, "Depende, pero lahat tinu-tyutoran ko ngayon, nagpapa-mentor ako sa English, Tagalog.

"Sobrang hirap yung preparations, pero kakayanin naman."

HERLENE TRANSCENDS CANCEL CULTURE WITH POSITIVITY

Sa dami ng pamba-bash, pangmamaliit at pagkukuwestyon sa mental na kapasipad ng Bb. PIlipinas candidate, natutunan na niya na tanggapin ang mga ito at tingnan mula sa positibong pananaw.

Pahayag niya, "Joke lang yung kanina na naaapektuhan ako, kasi tine-turn ko siya. Positive yung mga sinasabi niyo na kulang ka pa sa ganito, kulang ka pa sa ganyan, e di pinupuno ko.

"Ang ginagawa ko pag sinabi nila na mali ako sa part na ito, aayusin ko. E, di mas maganda nai-improve ko ang sarili ko base sa kung ano ang sinasabi sa akin ng tao, di ba? Kaya helpful pa nga sila sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado si Nicole na hanggang ngayon nakakaramdam pa rin siya ng kaba pero hindi rin nawawala ang sobrang saya na napasok siya bilang isa sa apatnapung kandidata ng Bb. Pilipinas 2022.

"Di natin mawawala yung kaba pero nandito tayo para lumaban. Preparations, sobrang hirap pero kaya naman.

"Parang panalo na ako nun, panalong-panalo na ako nun, parang may crown na agad ako kaya mas lalo akong nanggigil. Parang tumakbo na parang bata, tuwang-tuwa ako, nag-reflect yung saya ko nung naglakad na ako.

"Nung sumali ako ng Bb. Angono, akala ko hanggang dun lang ako, isang crown lang ang magkakaroon ako. Di ko in-expect na magna-national pageant ako kasi wala akong kumpiyansa nung una, e. Talagang mababa ang tingin ko sa sarili ko, natulungan ako ng Bb. [Pilipinas] na ma-boost ang confidence ko," pagpapasalamat niya.

Kung sila Catriona Gray, Venus Raj, Shamcey Supsup ay nakilala sa kani-kanilang signature walk, may Squammy Walk naman si Nicole na siyang trademark niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Sir Wilbert saka yung nagte-train sa akin, si Mommy Gi, galing KF. Galing ako squatter area wala tayong magagawa dun, talagang mas magandang dalhin ko kung saan tayo nagmula pero in a good way," pagmamalaki niya.

HERLENE ON MEETING MS. GRAND INTERNATIONAL FOUNDER

Na-meet na rin nang personal ni Herlene ang Ms. Grand International founder na si Nawat Itsaragrisil kamakailan nang dumalaw ito sa Manila.

Ayon kay Nicole, lahat sila ay na-starstruck nang makilala nila ito nang personal.

Pag-amin niya, "Actually, lahat kami na-starstruck, na-suprise kasi unexpected naman talaga yung pagpunta, magaling mag-secret ang Bb., ako lang ang nakaalam.

"Yung ayos namin ang simple-simple lang, siguro fifteen minutes before siya dumating saka lang sinabi sa amin, so nagulat kaming lahat."

HERLENE DEADSET ON MISS GRAND INTERNATIONAL CROWN

Consistent pa rin ang komedyana/Bb. Pilipinas no. 8 candidate sa kanyang pag-amin na ang Ms. Grand International crown pa rin ang gusto niyang makuha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Gaya ng sinabi ko kanina, mas may thrill, mas may challenge, kasi yun pa lang yata yung crown na wala pa tayo. Ang gandang ilaban nito, gusto ko yung pangdayo tayo, e."

Si Samantha Bernardo ang pinakakilalang Ms. Grand International 2020 kung saan nasungkit nito ang first runner-up. Marami ang nag-aabang kung kaya raw kayang tapatan ni Nicole ang achievements ni Samantha kung saan papalarin siyang magrepresenta at ipadala sa Ms. Grand International ngayong taon.

Pagklaro niya, "Sa tingin ko, hindi ko siya tatapatan. Gagawa ako ng sarili kong version ng sarili ko na ipangdadayo ko.

"Pangit ang copycat, mas maganda na gumawa ka na ikaw ang paggagayahan, kaya gagawa ako ng sarili na version of myself papuntang Thailand."

HERLENE STRESSES IMPORTANCE OF PROPER MINDSET

Sa isinagawang press presentation ng Bb. Pilipinas nung nakaraang Martes, inamin ni Herlene na dito ay mas hinanda niya ang kanyang isip kung paano niya dadalhin ang sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, "Siyempre yung pag-prepare mo sa sarili mo, yung mindset mo kung paano mo dadalhin yung sarili mo na alam mong kumpleto ka. Kumpleto na buo kang haharap sa mga tao.

"Kasi kapag sinabi mo na magaling na akong maglakad, magaling na yung utak ko, maganda na yung damit mo, pero yung mindset mo ang magdadala sa iyo.

"Kapag sinabi mo sa sarili mo na kaya kasi ang no. 1 na kakampi mo ay ang sarili mo, yun ang para sa akin."

Kung si Nicole ay lumalaban ngayon sa Bb. Pilipinas, ang ina naman niyang si Mama Lyn ay sumali sa Ginang Angono pageant kung saan nanalo naman noong 2017 si Nicole bilang Bb. Angono.

"Mag-inang lumalaban kasi Ginang Angono siya ngayon, e. Talent [competition] niya talaga ngayon kaya wala siya dito. Alam niya naman na suportado niya kami at sponsor din si Sir Wilbert kaya alam kong kayang-kaya niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Namana? Lahat pati bunganga ko sa kanya."

HERLENE FOREVER THANKFUL TO WILLIE

Labis din ang pasasalamat ng komedyana kay Willie Revillame sa suportang binibigay nito sa naging desisyon niyang sumali sa Bb. Pilipinas.

Pagpapasalamat niya, "Ang dami niyang suporta na binibigay sa akin until now, sobra. Sa pamilya ko, nung namatay ang nanay ko,nandun siya. Di pa rin siya nawala. Nandun yung friendship, tatay ko pa rin siya. Papa ko si Kuya Wil, Mama ko naman si Sir Wilbert."

HERLENE DEFENDS KIT THOMPSON

Nagbibida si Herlene sa kauna-unahang romcom series ng Puregold Channel na ang Babae Sa Likod ng Face Mask.

Pinalitan ni Joseph Marco si Kit Thompson bilang leading man niya dahil nga sa kontrobersiyang kinasangkutan ng aktor na nauwi sa pagdedemanda ng dating kasintahan nitong si Ana Jalandoni.

Depensa ni Nicole sa dating kapareha, hindi ito dapat husgahan sa anumang pinagdadaanan nito.

"Kahit parang kahit sino naman ang itapat nila sa akin dun, parang jackpot pa rin ako. Galing kay Kit Thompson, Joseph Marco pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ganun talaga, e. Mayroon talagang mga challenges na kailangan mong harapin. Sabi nga ni Sir Wilbert, marami ka nang blessings, tanggapin mo naman yung mga binibigay sa iyo ng Panginoon na pagsubok.

"Husgahan? Wala tayong karapatan kahit ako, ikaw, kahit sino. Wala tayong karapatang manghusga sa kahit na sinong tao. Tandaan ninyo iyan."

HERLENE REMEMBERS LATE LOLA

Naging emosyonal si Nicole sa presscon proper presscon ng kanyang media conference dahil sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na Lola na si Lola Bireng dahil sa kidney failure.

Ayon sa komedyana, ito ang maituturing niyang pinakamasakit na nangyari sa buong buhay niya.

"Sobrang sakit, ito ang pinaka delubyo na dumating sa buhay ko na di ko na kailangang i-explain.

"Kahit kanino pa mangyari yun, nakaka-down pero, inisip ko na lang na baka nandiyan lang siya, baka siya yung guardian angel ko.

"Baka kaya di ako makauwi sa bahay namin kasi kasama ko na siya. Yun na lang ang iniisip ko, be positive na lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Nicole Budol remains undaunted by naysayers who downplay her chances of shining in the Question and Answer segment of the much-awaited Bb. Pilipinas 2022 coronation night on July 31. She says, "Sa Question and Answer, basta sasagot ako na may puso." (Photo: @herlene_budol on Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results