Watch Now

Sam Milby asked about his reaction to Moira dela Torre-Jason Hernandez split

by Rachelle Siazon
Jul 11, 2022
Sam Milby on Moira-Jason split
Sam Milby (left) on good friend Moira dela Torre: "But kahit nung bago siya sumikat, I was already her kuya, and I'm very protective of her." Moira and her husband Jason Hernadez announced that they've broken up last May 31, 2022.
PHOTO/S: Rachelle Siazon / @jasonmarvinph Instagram

Inamin ni Sam Milby na nakausap niya si Moira dela Torre noong kasagsagan ng breakup nito at ng mister na si Jason Hernandez.

Pero wala raw siya sa posisyon para magbigay ng opinyon tungkol sa pagkasira ng marriage ng couple.

"I've been able to talk to her. When it comes to that issue, it's not my story to tell.

"But kahit nung bago siya sumikat, I was already her kuya, and I'm very protective of her," ani Sam.

Gusto sana ni Sam na kitain nang personal si Moira, pero sa ngayon ay pareho silang abala sa trabaho.

Bukod sa Kapamilya prime-time series na A Family Affair, aktibo si Sam sa concert tours.

Noong Mayo ay nasa Canada si Sam kasama ang girlfriend na si Catriona Gray, at ngayong buwan ng Hulyo ay nasa U.S. siya para sa iba namang concert tour.

"Mahirap kasi siyempre galing sa taping, galing sa Canada, I want to be more physically present para sa kanya, but I haven't been able to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We haven't been able to see each other. Maybe two or three times lang."

Pero diin ni Sam tungkol sa pagkakaibigan nila ni Moira, "Alam naman niya na andito ako lagi sa kanya kahit kailan."

Nakapanayam si Sam ng Random Republika at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng A Family Affair para sa piling members of the press noong Hunyo 15.

MOIRA LIVED AT SAM'S CONDO WHEN SHE WAS A SHOWBIZ NEWBIE

Sa parte ni Moira, minsan na niyang naikuwento sa vlog ni Toni Gonzaga na noong nagsisimula pa lang siya bilang singer ay tumira siya sa condo unit ni Sam.

Noong panahong iyon ay sa U.S. pa nakabase ang elder sister ni Sam na si Ada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hiwalay naman ang mga magulang ni Moira—ang ina niya ay naninirahan sa Olongapo, habang ang kanyang ama ay nasa Las Vegas, Nevada.

Bilang magkapatid na ang turingan nila, ayaw raw ni Sam na mapag-isa si Moira na dumadanas noon ng matinding depression.

Sa Instagram post ni Moira noong 2015, ibinahagi rin nitong hindi niya malilimutan ang isang heart-to-heart talk nila ni Sam sa isang coffee shop.

Si Sam daw ang nagpaalala sa kanya ng Bible verses at success stories ng ibang tao para bigyan siya ng inspirasyon at ibalik ang tiwala niya sa sarili.

Bahagi ng post ni Moira: "Here was the most famous person in the country, investing time on me, telling me i was worth it.

"I thanked him for believing in me and for taking the time to speak truth to me.

"And he replied with this, 'I would gladly be the one to keep doing this again and again until you start believing that you are great, that you are talented and that you deserve to be heard by the world..

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'I believe all of this not just because you're my little sister but because you really are all that and more. I believe in you, Moi.'"

READ: Moira dela Torre admits Sam Milby let her live in his condo when she was a showbiz newbie

MOIRA AND JASON'S BREAKUP

May 31, 2022 nang makumpirmang hiwalay na ang mag-asawang Moira dela Torre at Jason Hernandez matapos ang tatlong taong pagsasama.

Inamin ni Jason na ang pagiging "unfaithful" niya ang mitsa ng breakup nila ni Moira nitong taon.

READ: Jason Hernandez announces split with wife Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.”

Noong June 3, 2022, naglabas ng official statement si Moira sa kasagsagan ng pagkuwestiyon ng ilang netizens sa ugnayan niya sa isang katrabaho.

Walang partikular na personalidad na pinangalanan si Moira, pero idiniin niyang kailanman ay hindi niya niloko ang mister na si Jason.

READ: Moira dela Torre breaks silence on split with husband Jason Hernandez: "I have never cheated on Jason."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa hiwalay niyang panayam sa Magandang Buhay noong June 6, 2022, sinabi ni Moira na hindi niya inakalang mauuwi sa hiwalayan ang relasyon nilang mag-asawa.

Pero kahit na aminadong "broken glass" ang pakiramdam niya, alam daw ng singer na pasasaan ba't maghihilom at magiging buo siya ulit sa tulong ng pananampalataya niya sa Diyos.

READ: Moira dela Torre breaks silence on split with husband Jason Hernandez: "I have never cheated on Jason."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sam Milby (left) on good friend Moira dela Torre: "But kahit nung bago siya sumikat, I was already her kuya, and I'm very protective of her." Moira and her husband Jason Hernadez announced that they've broken up last May 31, 2022.
PHOTO/S: Rachelle Siazon / @jasonmarvinph Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results