Watch Now

Mikael Daez "excited" about 50 days of being away from wife Megan Young

by Rose Garcia
Jul 12, 2022
Mikael Daez, Megan Young
Mikael Daez on wife Megan Young: "Pagbalik niya sa Pilipinas, nakaalis na ako. So sabi ko, 'Hindi na tayo magkikita pagkaalis mo?' Sabi niya, 'Oh no!'"
PHOTO/S: @mikaeldaez Instagram

Sa unang pagkakataon, may time apart ang mag-asawang Mikael Daez at misis na si Megan Young simula nang ikasal sila noong January 25, 2020.

READ: Megan Young and Mikael Daez: Making Love Last Forever

Nang mag-lock-in taping kasi si Mikael para sa defunct Kapuso prime-time series na Love of My Life noong 2020, kasama nito si Megan na umaktong "personal assistant" niya.

Pero ngayong 2022, halos dalawang buwan ang itatagal ng taping ni Mikael para sa Running Man Philippines, ang Pinoy adapation ng GMA-7 sa sikat na South Korean variety show.

"Si Megan? Sino ‘yon?" natawang biro ni Mikael.

Bago pa nag-taping ng Runner Man PH si Mikael sa South Korea, nauna na si Megan mag-solo travel patungong New York.

Kuwento ni Mikael: "Well, I have a funny story. Si Megan, noong binook niya ang trip niya, na-miscalculate niya kung kailan ako aalis.

"Pagbalik niya sa Pilipinas, nakaalis na ako. So, sabi ko, 'Hindi na tayo magkikita pagkaalis mo?' Sabi niya, 'Oh no!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Natawa na lang ako. Mas na-extend pa yung haba na hindi kami magkikita."

Sa kani-kanilang Instagram posts, pagkatapos na may ilang araw na magkahiwalay, aminadong nami-miss na nila ang isa’t isa.

Eksaktong nabilang ni Mikael na "50 days" silang magkakalayo ni Megan, habang si Megan ay nami-miss ang morning routine nilang mag-asawa.

Mikael Daez, Megan Young

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mikael Daez, Megan Young

Pero naniniwala rin si Mikael na may mabuting maidudulot sa kanila ni Megan ang pagkakalayo pagkatapos ng buong pandemya na 24/7 sila halos magkasama.

"Sa totoo lang, I’m excited," saad ni Mikael.

"Parang ang relationship namin, it’s always getting better when things are happening or naka-lockdown tayo for two and half years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Itong experience na ito ay para sa akin at para rin sa kanya, it’s gonna be new and it’s gonna be fun."

Siguradong makakaramdam daw ng fear of missing out (FOMO) ang asawa sakaling mamataan ni Mikael ang paboritong K-Pop idols nito.

"And siyempre, baka makita natin yung BTS or BLACKPINK, malay natin. At FOMO siya. Excited ako, FOMO siya," hirit ni Mikael.

MIKAEL DAEZ ON RUNNING MAN PH

Nakahanda si Mikael na sa bago niyang show sa GMA Network, ang Running Man PH, mas makikilala siya ng mga manonood—hindi sa kung ano ang imahe niya kung hindi pati mga katangian niyang hindi nakabukas sa lahat.

Ang Running Man PH ang isa sa pinakasikat na variety show ng TV network na SBS sa South Korea mula pa noong 2010.

Dito ay walang pakialam ang mga cast member sa status nila sa showbiz, at game na hinaharap kung anumang hamon ang ipagawa sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Mikael, "Kita mo naman, iba-iba ang personality namin dito. At kapag nailagay na kami sa iba’t ibang games, kusang lalabas ang personality namin, paano iyan nagdya-jive at paano iyan hindi nagdya-jive."

Kasama niya sa show sina Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Buboy Villar, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, at Angel Guardian.

Patuloy niya, "Tama rin ang sinabi ni Glaiza na, usually, characters ang pino-portray namin sa mga teleserye namin. So ngayon, parang kami na talaga.

"E, usually, yung personal image mo, gusto mo, medyo malinis."

Biro pa niya sa ibang co-stars, "So, parang sa runners diyan na baka nagdududa or ayaw niyong maputikan, huwag kayong mag-alala, bubuhatin ko kayo at itutulak ko kayo sa putikan, don’t worry.

"I think, we’re gonna enjoy. I’m excited to see. Kahit ako, I’m excited to see kung paano kami mag-e-enjoy sa mga challenges."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mikael Daez on wife Megan Young: "Pagbalik niya sa Pilipinas, nakaalis na ako. So sabi ko, 'Hindi na tayo magkikita pagkaalis mo?' Sabi niya, 'Oh no!'"
PHOTO/S: @mikaeldaez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results