LJ Reyes on Chinese guy she's dating: "Super bait!"

by Rose Garcia
Mar 14, 2008
Among the several reasons LJ Reyes seems happy with the status of her lovelife—the guy she's dating is Chinese; he is "mabait"; and, the guy gives her complicated showbiz life "balance."

“Mas happy ba ‘ko ngayon? Hindi nga?” paulit-ulit pero super nakangiting tanong ni LJ Reyes sa mga reporters na nagbigay ng comment sa kanya sa presscon ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita, na obvious daw ang kanyang pagiging masaya ngayon.

Hindi na rin naman itinatanggi ni LJ that she’s dating a guy na katulad niya ay may lahing Chinese rin. Bagamat ayon sa dalaga, hindi raw niya puwedeng sabihin ang pangalan, kahit pa marami na rin naman ang naglalabasan na ang kanyang suitor ay related sa mga Sys na may-ari ng SM Supermalls.

Pero still, hindi pa rin nga masabi ni LJ na boyfriend na niya ang guy.

“O sige, ang status…siguro, masyadong…baka kasi sabihin n’yo, masyado namang cueshe na cueshe naman. Pero kasi, totoo naman. Hindi ko naman masasabing friends lang kami. Special. Special kami sa isa’t-isa," ang sabi ng dalaga na nakangiti.

Meron na ba silang mutual understanding or M.U.?

Continue reading below ↓

“Huwag namang M.U. kasi parang ang corny,” natatawa niyang sabi. “Siguro lang, kapag may problema 'ko, siya ang una kong puwedeng makausap. Masaya kami when we’re together.”

Nakita rin daw ni LJ kung ano ang difference ng pagkakaroon celebrity boyfriend sa isang non-showbiz guy.

“Kasi yung kay Alfred [Vargas], medyo nahirapan lang din kami. Kasi lahat ng tao alam kung ano ang nangyari sa inyo. Pero siyempre, hindi naman namin maiiwasan yun. Siguro, hindi lang talaga kinaya na ganoon ang situwasyon namin.

“Eto, I can say na siya ang nagba-balance. Eh, ‘di ba sa mundo natin, magulo? Siya yung nagba-balance, na kapag siya ang kasama ko, parang peaceful. Napi-feel ko na normal akong tao,” ang kuwento ni LJ.

Paano niya ilalarawan ang special guy niya ngayon?

“Mabait! Super bait,” tipong very inspired pa niyang pahayag.

Nakilala at nakapag-dinner na rin daw siya with the guy’s family, especially the guy’s parents.

“Na-meet ko na sila, wala namang special occasion noon. Simpleng dinner lang. No spectacular...no event. Ang babait din ng parents niya. Nakakatawa nga kasi alam din nila na artista ko, minsan nagbibiro lang na kanta ka nga," sabay tawa ng StarStruck alumna.

Posibleng marami ang maiinggit sa kanya dahil sa bago niyang lovelife?

Pero ang sabi ni LJ, “Siguro hindi naman dapat mainggit yung mga tao. Normal lang naman akong tao at saka, normal lang din naman siyang tao. Siguro kailangan lang din nilang mahanap yung taong magpapasaya sa kanila. Wala naman dapat ikainggit.”

Inamin ni LJ na malaking bagay na Chinese rin ang guy.

“Malaking bagay na Chinese kasi siyempre, sa kahit saan naman na Chinese family, traditional or not, siyempre, gusto rin naman namin na kahit paano, Chinese pa rin. Siyempre, same culture, eh...same tradition.”

Kahit raw nasa America ang mommy ni LJ, nakilala at nakausap na rin daw nito ang kanyang special guy.

Continue reading below ↓

“Siyempre, hindi personally kasi, nasa States ang mommy ko. Pero nakausap na niya sa phone. Kapag nagcha-chat kami ng mommy ko sa YM, kino-conference ko. Actually, para nga silang mag-barkada ng mommy ko,” ang sabi ni LJ.

Tinanong din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay LJ kung hindi ba siya pinapatigil na sa pag-aartista at niyayaya na magpakasal? Sa malalaking Chinese family kasi, most wives do not work. If ever ba, okay lang sa kanya yun?

“Ano ba yan?” natatawa niyang sabi. “O sige, sabihin na lang natin, ganito yan, kung meron man akong pakakasalan na tao, ang gusto ko yung taong yun...naiintindihan ang trabaho ko. Kasi, ito namang showbiz, hindi ko lang ito nakikita as trabaho. Passion ko po kasi talaga ang acting at saka dancing.

“Matagal na rin po akong hindi nag-e-S.O.P. dahil sa schedule at nami-miss ko po ang dancing. Alam ko, kung hindi rin ako aarte, mami-miss ko ang acting. So, hangga’t gusto ko pa, hangga’t kaya ko pa, gusto ko umaarte ako. Hindi dahil sa pera, hindi dahil sa fame but because gusto ko siya. So, kung may tao man akong mamahalin, dapat mahal din niya ang ginagawa ko. Kasi kung hindi, hindi niya ko mahal,” ang paliwanag ni LJ.

Continue reading below ↓

Tungkol naman sa kanyang ex-boyfriend na si Alfred Vargas, are they still friends despite their breakup?

“Friends? Hindi ko alam…kasi, kapag sinabi mong friends, as in, nag-uusap pa kayo. Nagsi-share pa kayo ng experiences n’yo.Sa ngayon kasi, kami ni Alfred, hindi naman kami nag-uusap. Hindi rin kami nagkikita. Pero we’re not enemy [sic]. Kumbaga, closed na lang talaga kung anuman yung meron kami dati.”

Pero if ever, willing pa rin siyang maging friends sila?

“Ako? Oo naman…why not, mas maganda nga yun kung marami akong friends,” tila naka-move-on na ngang sagot ni LJ.

Kung sakali ba, ipapakilala na niya ang bagong chapter ng kanyang buhay?

“Puwede! Bakit naman hindi?” ang nakangiti pa niyang pahayag.

Sa huli, klinaro rin namin kay LJ ang lumabas na balita na minsang nag-skating rink daw sila sa SM, ipinasara raw ng guy ito at naging exclusive sa kanila?

“Naku ha! Sige, ‘eto…kaya kami nakapag-skating do’n, kasi, dumating kami ro’n, bukas pa sila, ‘no! Tapos, nakiusap lang kami na sandali lang…sandali lang. At saka, may mga kasama kami noon at may lakad pa din sila after.

Continue reading below ↓

“Pero hindi totoong ipinasara namin! Grabe, ang kapal naman ng mukha ko! Ayoko rin naman ng ganoon. Basta, walang special privilege,” natatawa pero may diin ngang mga pahayag ni LJ.

Read Next
Read More Stories About
LJ Reyes, Alfred Vargas
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Among the several reasons LJ Reyes seems happy with the status of her lovelife—the guy she's dating is Chinese; he is "mabait"; and, the guy gives her complicated showbiz life "balance."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results